David’s POV:
Hindi ko maipinta ang reaksyon ni Kate habang nakatitig ito sa akin.
Halata kasi sa itsura niya ang pagkagulat na tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Kaya malakas akong tumawa para iparating sa kanya na biro lang ‘yon.
Iniisip siguro nito na kaya kong gahasain siya.
Well, to be honest, I can’t do it to her.
Kung halik lang ang pag-uusapan, malamang gagawin at gagawin ko talaga ‘yan.
“Crazy.”, rinig kong sambit niya.
“At least, sayo lang naging baliw.”, pagbabanat kong sabi.
“Correction, kay Katrina.”, muli nitong bigkas dahilan para mapawi ang ngiti sa aking labi.
Gusto ko ng kalimutan si Katrina, pero bakit niya pa binabanggit ang pangalan ng dalaga.
Damn! I want to move-on.
“Don’t mention her name again.”, seryoso kong saad.
“Why? Dahil ba affected ka pa rin?”, pagtuturan ni Kate.
Hindi agad ako nakasagot dahil baka hindi niya magustuhan ang lumabas sa bibig ko.
“I know it. You’re affected, because you still love her.”, huling sabi niya at tinalikuran na ako.
Lumabas na rin siya ng office kaya naiwan akong mag-isa.
Aaminin ko, apektado pa rin ako.
Minahal ko ng husto si Katrina, at siya ang pinangarap kong makasama habang-buhay.
Pero sa tuwing nakikita at nakakasama ko si Kate, umiiba ang aking desisyon.
Kakaibang saya kasi ang dinudulot ng mag-ina sa akin, na halos hindi ko na naiisip pa ang ex-girlfriend ko.
And I admit na sa umpisa, ginagamit ko siya.
Pero kaninang umaga, narealize ko na hindi ko kayang mawala si Kate.
She’s now important to my life. So I don’t want to lose her.
At sa tingin ko, panahon na para kalimutan ko si Katrina. Nang sa gano’n, mabuksan ko na ulit ang puso ko para kay Kate.
___
Sa naisip kong ito ay mabilis akong naglakad para sundan ang babae sa baba.
Mahirap na, masyado pa namang fit ang suot nitong uniform, kaya baka matipuhan siya ng mga lalaki.
At hindi nga ako nagkamali, dahil pagkarating ko sa canteen, may kasama agad si Kate–at ‘yon ay walang iba kundi...