Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 2


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 2
Isang malusog na Anghel na lalaki ang aking isinilang , bilang isang ina I feel Blessed … Masaya din naman si Jojo syempre sya ang Ama pero kulang parin ng presensya nya .
Maraming ang nagsasabi sa akin na baka daw kaya hindi makauwi eh dahil sa may pinagkakaabalahan ng iba pero ako , umaasa parin .
” Ate , kamusta kana , may dala akong gulay at isda … Kumain ka na ba ? Kumain kana para bumalik ang lakas mo , wag mong masyadong iniisip si kuya Jojo at baka mabinat ka ” Si Mila ang matalik Kong kaibigan at para ko nang kapatid
” Oh salamat Mila , pero para nalang yan sa mga bata , para may maulam sila bukas ng umaga ”
” Ano ka ba te wag lang magpagutom , wag mong pabayaan ang sarili mo...


. Bakit wala pa bang padala si Kuya Jojo ? Para naman syang walang pamilya na iniwan tapos bagong panganak ka pa ” ani Mila
” Ewan ko ba , nakaka awa na nga ang mga bata eh , hayaan mo na at may kape pa naman dyan yun nalang ang sa akin ”
” Naku te binat ang abot mo kapag ganyan ang ginawa mo ” inis na sabi nya sa akin ” Oh sige uuwi na ingat ka at baka magkasakit ka , kumain ka ” at umalis na nga si Mila at umuwi na
Sa pag iisa ko , tumulo nanaman ang masaganang luha sa aking mga mata , samang sama talaga ang loob ko sa aking asawa .
” Kayo lang talaga ang lamas ni Mama mga anak ” habang hawak ang kamay ng aking sanggol ” Makakaya natin to ”
God bless po … Happy reading 😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top