Pinagtagpo pero hindi Itinadhana


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Mahal ko ang asawa ko sa loob ng 13 taon namin nagsama kasama ng mga anak namin masasabi kong kuntento ako .
Ako si Jane , 35 years old may tatlong anak at kasalukuyang buntis sa pang apat naming Anghel …
Halos taon na ang binilang na hindi na nakakauwi ang aking asawa na si Jojo , puro trabaho ang inaatupag nya sa Maynila at ako , kami ng mga bata eh naandito sa probinsya nila , na kung Hindi pa ako pumunta sa Maynila marahil Hindi ako mabubuntis ngayon sa pang apart .
Inabot na ng pandemya , malapit na ang kabuwanan ko pero mas lalo lang syang hindi makakauwi , inabot na sya ng lockdown doon at natigil sa trabaho .
Halos ako , katuwang ang aking mga biyenan ang nagpalaki sa aking tatlong nauna kasi nga wala si Jojo , nanganak ako sa ikatatlo ko na wala din sya at malamang maaari nanaman maulit ., napaka hirap ng magisa mong itaguyod ang mga anak mo , Hindi mo alam kung tama ba ang pagpapalaki na ginagawa...


mo .
Kapag halos naglalaan ako ng sapat n panahon para sa kanya makamusta at maka usap palagi madami syang dahilan , mandalas hindi na kami nagkakakaintindihan pakiramdam ko ako nalang ang nagmamahal .
Hanggang isang gabi na hindi talaga ako dalawin ng antok , biling baliktad na ang ginagawa ko pero wala parin , siguro dahilan na malapit na ang kabuwanan ko .
Nilibang ko nalang ang aking sarili sa Cellfon , ilang scroll , ilang comments din ang ginawa ko at message sa making mga malalayong kaibigan , kaklase at kamag anak …
1 message request …
” Hi ” ang nilalaman
” Hello ” ang sagot ko
” Ako nga pala si Jay , ikaw ? ” , ” Pwede ba tayong magka usap ?”
” Ah , San mo ako nakita at nag message ka ? ” Ewan ko ba pero talagang hindi na ako dinalaw ng antok at nagkaroon ako ng interes sa lalaking ng message sa akin , hanggang inabot na ng madaling araw ang aming paguusap .
Maraming thank you po sa suporta sa aking unang pagsusulat 💕 God Bless po 😘





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top