When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 52


SANDRA’s POV:
“GOODMORNING SELF!”, masiglang bati ko sa sarili.
I stretched my arms at nag-exercise ng ilang minuto.
Ang ganda ng mood ko ngayon dahil siguro natulugan ko si David.
Isa itong achievement sa akin na magmukha siyang tanga sa kakahintay.
Ano kaya ang naging reaksyon niya nung nalaman nito na wala akong pakialam sa pagdadrama niya?
Tsk. Para siyang bakla.
Acting like a victim pero ang totoo suspect siya sa pagpatay kay Michael.
Pinili niyang magpakasarap kasama si Katrina habang buntis ako. At ngayon, umaarte siya na walang kasalanan?
I’m sorry dahil hindi ako ganyan katanga para maniwala sa mga sabi-sabi niya.
“Hi Ma’am Sandra, nakaready na po ang breakfast niyo sa baba.”, saad ng maid nang pumasok sa kwarto ko para tawagin ako.
“Thank you. By the way, nando’n ba si Derick?”, tanong ko sa katulong.
“Wala po Ma’am. Maaga po siyang umalis kanina. At siya nga ‘tong nagsabi na huwag ka ng gisingin para hindi raw mabitin ang tulog mo.”, magalang na turan nito.
“Okay. Good.”, I replied.
Ayoko din naman makasabay si Derick sa mesa dahil alam ko hindi rin kami magkakaintindihan.
As of now, I need to focus on my goal.
And that goal is to make David suffer.
Syempre damay-damay na ‘to kaya isasama ko na rin si Katrina sa pagpapahirap.
Total siya ang punot-dulo kung bakit nagloko si David.
Naglandian palang sila sa hotel at malinaw sa mata ko na may nangyari sa kanilang dalawa.
Hindi ko makakalimutan ang araw na pinatay nila ang mga anak ko. Namatay yung isa dahil sa galit na umapaw sa damdamin ko, samantalang si Michael, namatay siya dahil nagawa siyang lasunin ni David.
Hayop siya!
Ang sahol ng ugali niya!
Tinuring pa naman siya na ama ng anak ko, pero papatayin niya lang?
“Makukuha ko rin ang hustisya sayo, Michael. Hintayin mo lang ang kilos ng mama mo.”, bigkas ng aking utak.
Bumaba na ako para kumain ng almusal.
Hindi ako pupunta ng kompanya ngayon dahil balak kong i-surprise si David sa kanilang bahay.
I want to see his reaction and his life bilang asawa si Katrina.
Ano kaya ang buhay nila?
Maganda kaya ang pagsasama nila?
My mind is full of curiosity right now.
Pero mamaya ko muna iisipin ang mga bagay na ‘yan dahil nagugutom na ako.
I eat my breakfast at bawat kagat ko sa pagkain, nilalasap ko talaga ito ng sobra.
Kaso biglang nagring ang telopono dahilan para ako ang sumagot dito.
Wala si Derick, so no choice kundi ang kausapin ang nasa kabilang linya.
“Sino ‘to? Wala dito ang kasintahan ko kaya kung ano man ang sasabihin mo, pwede mong sabihin sa akin.”, diretsang wika ko.
Hindi ko na ugali ang magsayang ng oras sa mga tao na wala namang ambag sa buhay ko.
Pero sa puntong ito, nagkaroon ng sigla ang dibdib ko nang magpakilala ang nasa telopono.
“Ako ang mother ni David na pinapahirapan niyong pumirma ng contrata about the partnership. Kaya bilang magulang, karapatan ko na tanungin kung bakit pinapatagal niyo pa ang lahat?”, sambit nito na tila hindi makapaghintay.
“Excuse me? Kung may problema ka sa akin at sa kompanya ko, huwag mong idaan sa telepono ang galit mo. Harapin mo ako at kausapin. And lastly, matuto kang rumespeto sa hindi mo kapantay.”, turan ko sa Ginang.
Nasa death list ko rin pala ang taong ‘to.
Ano kaya kung unahin ko na siya? Total, may edad na ang tulad niya. Kaya medyo nakakasalot na siya sa lipunan.
Hmmm…
“OKAY, let’s meet now sa coffee shop. I want to see you, Ms. Sandra. Para naman, makilala ko kung sino ka ba talaga.”, bigkas ng babae sa akin.
The way she deliver those words, ramdam ko na medyo kabado siya.
Sa palagay ko, iniisip niya siguro na ako talaga si Kate?
Well, it’s good to know kung gano’n nga ang tumatakbo sa utak nito.
At least, magkaroon siya ng takot dahil muling bumalik ang babaeng tinapak-tapakan niya.
“Sure. Just wait me there. Bye.”, I smirked as I end the call.
I’m excited to see her also.
Gusto kong masilayan ang reaksyon niya, kung paano siya lumuhod sa harapan ko mamaya.
Yes, I...


will do that to her.
Kahit naman tumanggi siya, wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto ko.
I am now SANDRA. And I can do whatever I want.
“Yaya, paki-ready naman ng susuotin ko ha? At sabihan mo yung driver na may pupuntahan kami.”, pag-uutos ko sa taong nakatayo sa likuran ko.
“Maghintay ka lang dyan dahil magkukrus din ang landas nating dalawa.”, saad ko at tumayo para maligo.
Nagpaganda ako at nag-ayos para maging palaban ang datingan ko.
Halos dalawang oras din ang tinagal ko bago ako matapos.
At sa puntong ito, nakasakay na ako sa kotse para puntahan ang coffee shop na binanggit ng mommy ni David.
Hayy, iba talaga kapag nakaka-angat ka na. Kahit anong oras, kaya mong kontrolin ang mga tao.
“Nandito na po tayo Ma’am.”, wika ng driver ko.
Kung kahapon, anak niya ang nakausap ko sa restaurant, ngayon siya naman.
Naglakad na ako papasok para hanapin ang Ginang. Hindi ako gaanong napagod sa paghahanap dahil nakita ko agad ang kulay blonde nitong buhok.
Infairness, improving na pala ang Demonyo.
“Waiting for me?”, taas-noo na bigkas ko nang huminto ako sa harapan niya.
Tumingin naman siya sa akin mula ulo hanggang paa na tila sinusuri ang kasuotan ko.
“Ang damit na suot ko, mas mahal pa sa buhay mo. Now happy?”, sambit ko rito.
“I’m not asking.”,
“Hindi ko rin sinabi na tinanong mo.”, I replied.
Umupo na ako at kinuha ang menu para tingnan ang iba’t-ibang kape.
“Since ikaw ang nagyaya, ikaw ang bumayad ng oorderin ko.”, pagtuturan ko sa kanya.
“Akala ko ba mayaman ka? Bakit hindi ikaw ang bumayad ng sayo?”, tugon nito sa akin.
“Actually, I can afford this. Baka nga pati coffee shop, mabili ko. Pero dahil ikaw ang nag-aya, karapatan mong bumayad. Unless, wala kang pera. Sabihin mo lang dahil mabait naman ako.”, wika ko sa Ginang.
Medyo umiba ang timpla ng mata niya na tila nainis sa sinabi ko.
“Fine. Ako na ang babayad. Pasalamat ka, may kailangan ako sayo.”, saad niya ulit.
“Ayan ang gusto ko, masunurin at mapagbigay.”, ngising pahayag ko.
Umukit ang peke niyang ngiti at kinuha ang wallet sa bag.
“Umorder ka na. Para mabayaran ko agad.”, she said.
“Okay. I want this.”, turo ko sa mamahalin na kape.
“Yan lang ba?”,
“Bakit? Gusto mo dagdagan ko pa?”, balik na turan ko.
“It’s up to you.”, kibit-balikat na sabi niya.
“No thanks. One is enough for me. Baka ikaw, kailangan mo ng maraming kape para naman kabahan ka.”, pabirong litanya ko.
“You’re so funny Ms. Sandra. Sigurado, magkakasundo tayo.”, wika niya sa akin.
“Magkakasundo? Hmm, I don’t think so.”,
“Bakit naman? Pareho tayong mayaman at makapangyarihan. So why not?”, tugon nito na tila may katanungan.
“Dahil hindi pa ako pumapayag sa partnership. Hindi ako easy to get. Alam ‘yan ni David.”,
“Talaga ba? How can you say that? Kilala mo ba ang anak ko? Or should I say, matagal na kayong magkakilala?”, pahayag nito dahilan para mapatawa ako.
“Yes. Magkakilala na kami. At yung anak mo, panay habol sa akin. Nakakaawa nga eh.”,
“Naawa ka na pala? Bakit hindi ka pa pumirma sa kontrata?”, she asked again.
“Kasi ayoko pa. Like I’ve said, hindi agad ako nagtitiwala. But I can give it right now. Kaya kong bigyan siya ng pagkakataon na makipagpartner sa kompanya ko.”, saad ko sa babae.
“Really? That’s good to hear. Tamang-tama, dala ko ang kontrata.”, excited na tugon niya.
“Hey, kalma. Hindi agad ako pipirma.”,
“What?”, she raised her eyebrow.
“I have a condition.”, agad na bigkas ko.
“And what condition?”,
“Simple lang… LUMUHOD KA SA HARAP KO.”, madiin na sambit ko sa kanya.
“What?”,
“Luluhod ka ba o hindi ko pipirmahan ang kontrata?”,
“Are you serious?”, usal niya na halos umusok ang ilong.
“Do you think I’m joking?”,
“Ms. Sandra, hindi mo basta–“,
“Ayaw mo? Mabilis akong kausap.”, I said and I was about to stand-up.
“TSK. Fine!”, mabilis na tugon nito.
Unti-unti siyang tumayo sa pagkaka-upo at dahan-danan na lumuhod sa akin.
Parang kailan lang, isa siyang tinik sa lalamunan ko. Pero ngayon, ako ang naging tinik sa lalamunan niya.
END OF CHAPTER 52
ยฉBinibining_Timoji






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. 0๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

Leave a Reply


top