POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 17


📍Rhian POV📍
After naming kumain,nagpatake out pa talaga si TJ para kina Mama’t Papa.Nang nasa sasakyan na kami,he k*ss me again at inihatid na niya ako.Oh diba,sabi siya ang pahatid.Nag-goodbye na ako sa kanya pagbaba ko.I’m sure, mamimiss ko talaga siya.
“Text mo ako mamaya or kapag sinipagan ka call me na lang..” he said
”Ok,bye.”
After the very happy moments,I deleted his number,I block his account and deactivated my own. Di ba?huwag ng umasa self!Good thing,hindi na talaga sumagi sa isip ko ang TJ na iyon!Nakonsensya ako sa nagawa ko sa kanya,maayos ang pakikitungo niya pero ginu-ghost ko siya after ng nangyari.Ayoko lang talaga masaktan ulit.After more than a month,nagdecide ako na magrent ng apartment na malapit sa office na pinagtatrabahuan ko.Family and Work muna ako ngayon and no TJ allowed.Kinalimutan ko na siya at wala na akong balita sa kanya.I don’t care about him anymore.
📍TJ POV📍
Hindi ko alam kung ano na namang trip ni Rhian,hindi ko na siya macontact at deactivated din social media account niya.Paano ko naman siya nito matatawagan?I try my best to ask her Brother-in -Law ,kung may contact ba siya kay Rhian pero wala din.Hindi din siya umuwi sa...


bahay nila dahil nagrent ito at busy daw sa trabaho.Ni hindi rin sinabi sa family niya kung saan siya nagrent ng Apartment.Kung saan minahal ko siya ng tuluyan,saka niya ako iiwasan at pagtataguan.Best in hiding ‘tong si Rhian..Kapag nakita kita Rhian,maghihimas-rehas ka dito sa puso ko.Bakit pinarusahan mo ako ng ganito?ang sakit,nababakla yata ako.
📍Rhian POV📍
This is Life.Hindi naging boring iyong life ko dahil pinilit kong maging masaya sa work ko but deep inside,I miss him!no,no,Erase!!hindi ko siya na-miss.
It’s Sunday at binyag ng nephew ko.Anak iyon ni Ate Abby,ang bilis lumabas kaka-honeymoon lang nga nila,hindi ko na pala namalayan ang mga nagdaan na mga oras,araw,linggo at buwan.Mag-3months na ang pamangkin kong kasing kulit ng Tita niya,miss ko na si baby Xyrel.Timing din naman ang 3days seminar namin kaya hindi agad ako makauwi dahil bibiyahe pa ng 4hours.Heto na,talagang late naman ako sa binyag nagsout na lang ako ng floral crop top at gutay-gutay na jeans parang baduy.Dideretso na lang ako sa bahay nina ate Abby,malapit lang din iyong bahay nila kina Mama’t Papa house.Pagdating ko parang taga-bukid ‘tong mga bestfriend ko,ang ingay nila.
“Bakla,you’re so late in the next subject!!” sigaw agad ni Lea






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top