THE GREEN BANANA
—Alf🔥
“Ma, alis na po ako!” paalam ko kay mama at patakbo ng lumabas ng bahay.
I really need to hurry right now. Baka malate ako sa first meet-up namin ng matagal ko nang kachat sa fb na si ‘Green Banana’. Hanggang ngayon ay naweweirdohan parin ako sa pangalan niya sa fb pero isinawalang bahala ko na lamang ng sinabi niyang papalitan niya daw ito ng totoo niyang pangalan once na magkita na kami ng personal.
Also his profile pic, pang-poser ang dating. Si Bambam lang naman ng Got7 ang napagdiskitahan niya. Pwedi na siyang pagbintangang spazzer pero minsan niya naring nasabi saakin na hindi siya interesado sa kahit anong kpop group. Maybe nacutan lang siya sa picture ni Bambam at naisipang ito nalang ang gawin niyang dp.
“Amber anak, hindi ka ba magdadala ng payong?” rinig kong sigaw ni mama dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo at mapatingala sa kalangitan.
Napakunot-noo ako. Imposibleng umulan ngayon dahil ni katiting na ulap ay wala akong makita kundi asul na kalangitan lamang.
“Hindi na po!” pabalik kong sigaw at kaagad na pinara ang tricycle na saktong napadaan pagkalabas ko ng munti naming gate.
“Manong, sa palengke po ako bababa.” saad ko sa driver habang inioopen ko ang account ko sa fb. Baka kasi nagchat na si GB.
“Sher mo lang?” napabuntong hininga na lamang ako sa sagot ni manong driver.
Halatang nakikiuso rin siya sa mga taong walang kwentang kausap. Wala naman ako sa mood na sagutin pa siya ng ‘skl’ or ‘hakdog’. Masyado akong masaya dahil atleast, mamemeet ko na ang matagal ko ng kaibigan na si GB na siyang taga gawa ng mga mahihirap kong assignment lalo na ng math.
Kaagad akong nagbayad kay manong driver pagkababa ko at muling nagback read sa mga chat namin ni GB ng nakaraang araw.
GB: Sa palengke tayo magmeet.
Ako: Huh? Anong meron sa palengke?
GB: Mga paninda malamang.
Ako: Namimilosopo ka na naman. Ewan ko sayo.
GB: Haha, basta hihintayin kita doon.
Dahil masyadong napaaga ang dating ko sa napag-usapan naming call time, napagdesisyonan ko na lamang na maglibot-libot nalang muna para hindi ako bagutin.
Habang abala ako sa pagkain ng binili kong dirty ice cream ay panaka-naka ko ring tinitingnan kung online na si GB pero nakabalik na lamang ako sa pinagbabaan ko kanina ay wala parin siya.
Mag-iisang oras na akong nakatayo malapit sa mga nagbebenta ng pakwan pero ni anino ng hudas na saging na iyon ay hindi ko makita.
At paano ko nga naman makikita ang anino niya? Hindi ko pa siya nakikita sa buong buhay ko!
Ngunit muntik na akong mapamura ng makita ko sa di-kalayuan si Gino na prenteng naglalakad kasama ang mga barkada nito at kung minamalas ka nga naman, mukhang madadaanan pa ako nito.
“GB, nasaan kana ba?” wala sa loob kong nasabi habang pilit kong tinatakpan ang aking mukha gamit ang dala kong pamaypay.
Mas lalo kong tinakpan ang mukha ko ng mapansin kong malapit na ito sa akin.
“Tell me Gino, ano ba talaga ang gagawin natin dito sa palengke? Magmall nalang kaya tayo.” rinig kong tanong ng isa sa mga barkada niya.
“Oh just shut up Rage, umuwi kana kung gusto mo. Sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman kayo niyaya na samahan ako dito. Magiging malaking abala lang naman kayo mamaya kapag nandito na ang babaeng mahal ko.” mahabang sagot ni Gino at bigla na lamang akong pinagpawisan ng malagkit ng mapansin kong tumigil ito sa mismong tapat ko.
Shitness…
“Wait mukhang pamilyar ang babaeng ito.” at bago pa man ako nakaangal ay nahablot na nito saakin ang hawak kong pamaypay at iniabot sa kasama nito.
“Paypayan mo ako, nang-iinit ako— I mean mainit ang ulo ko.” utos niya dito habang di inaalis ang tingin saakin.
“Yes Boss.” ngiwing sagot ng pinag-abutan niya at kaagad na siyang pinaypayan sa eksahiradong paraan.
“Anong ginagawa mong babae ka dito?” tanong nito.
“None of your business.” mataray kong sagot dahilan para magsisipol ang mga kasama niya.
“Boom, mukhang may uuwing luhaan ngayon ah!” natatawang saad ni Rage.
“Boss mukhang no effect parin yung ilang buwan mong pagpapacute! Hahahaha!”
“The both of you, leave. Mukhang kailangan ko ng ilabas ang huling alas ko.” malamig niyang saad habang tinataboy ang dalawa niyang kaibigan.
“Anong alas Boss? Yung saging bang hindi mahinog-hinog?”
“The fuck?! Alis na nga sabi!” bulyaw niya sa mga ito na kaagad namang nagsitakbuhan.
His emotion softened as he look at me. Napataas ako ng kilay ng ngumiti ito saakin pero kaagad ding sumeryoso.
“Umuwi kana, hindi na darating yung hinihintay mo.” saad niya na nagpakaba saakin. Paano niya nalamang may hinihintay ako? At anong hindi na makakarating? Anong ginawa niya?!
“Pinagbugbog ko na. Green Banana huh.” he smirked devilishly na tila nabasa na kung ano ang iniisip ko.
“P-pinabugbog?” bigla na lamang pumiyok ang boses ko at hindi ko na napigilan pang umiyak.
Alam kong hindi malabong gawin nga ito ng isang Gino Velasquez. Knowing him as a certified gangster, alam kong malabong may santohin...