THIS QUEEN DON’T NEED A KING


THIS QUEEN DON’T NEED A KING
✍🏻by: Zecharen Writes
“Inay, kailangan ko na pong tumungo sa kaharian, may mahalagang pagpupulong kase na magaganap.” paalam ko sa pinakamamahal kong ina. Simula‘t sapul, siya lamang ang tanging nag aalaga sa‘ken sapagkat maagang pumanaw ang aking ama.
“Oh sige anak, mag iingat ka.” wika nito sa‘ken saka ako niyakap ng mahigpit nito.
“Kayo din po, inay.” wika ko sa kanya at akmang lalabas na sa bahay nang makaramdam ako ng kaba. Nilingon ko ulit siya at nginitian.
“Hali ka, isuot mo ito.” wika niya kaya agad ko siyang nilapitan.
“Para saan po itong pulseras na ito?” nagtatakang tanong ko.
“Itago mo ‘yan, anak. Ipangako mo sa‘ken na iingatan mo ‘yan.” wika ni inay na nakapagtataka.
Kinuha ko ito at itinago sa bulsa ng aking kapa.
“Pangako ko po, paalam na po, inay.” huling salitang binitawan ko at sumakay na sa kabayo.
Pagkarating ko sa palasyo ay nagbigay pugay ang mga kawal at alipin.
“Magbigay pugay sa mahal na Reyna!” sigaw ng isang opisyales sa palasyo.
Yumuko sila sa daanan ko at yung iba’y lumuhod pa. Ipinatong nila ang korona sa ibabaw ng mapupula kong buhok. Pagkatapos ay tumungo na ako sa silid ng aking Mahal na Hari.
Pagkarating ko ay nasilayan ko siyang nakahiga sa higaan kaya nilapitan ko siya, “Narito na ako, Mahal ko.”
“Mabuti’t nandito kana, Mahal ko.” wika niya at bumangon na. Hinalikan niya ako sa labi.
“Ipagpaumanhin niyo po, Mahal na Hari at Reyna ngunit kayo ay ipinatawag na para sa gagawing pagpupulong.” wika ng isang kawal.
“Pakiulat na lamang na tutungo na kami ng Mahal na Hari.” utos ko sa kanya at dali-dali namang umalis.
“Hali ka na, Mahal.” pag anyaya ko sa kaniya.
“Mauna ka muna Mahal ko, susunod nalang ako.” wika niya.
“Sige, Mahal.” wika ko at hinubad ang kapa ko sapagka’t sagabal lamang ito sa aking paglalakad.
Tumungo na ako sa silid pulungan para sa gagawing pagpupulong.
“Mahal na Reyna, kanina ka pa po naming inaabangan, mabuti at naparito kana.” wika ni Heroni, isa sa taga pulong.
“May mahalaga lamang akong ginawa.” wika ko at umupo na sa inihandang upuan para sa akin.
“Nariyan na pala ang Mahal na Hari.” wika ulit ni Heroni.
“Simulan na natin ang pagpupulong.” wika ng Mahal kong Hari.
“Ipagpaumanhin niyo ngunit maaari bang lalabas muna ako saglit?may mas mahalaga pa akong gagawin. ” wika ko sabay alis sa kinauupuan ko.
Tumahimik ang lahat. Tila ba may dumaan na anghel. Hindi ko na lamang sila pinansin at humakbang na. Tumungo muna ako sa silid ng Hari at kinuha ang kapa ko. Dala-dala ko pa ang korona sa aking ulo.
_______________________________________
Bumalik ako sa palasyo ay di ko na pinansin ang pagpupugay ng mga kawal at alipin. Dali-dali akong tumungo sa silid pulungan. Pagpasok ko ay nakita kong nasa kalagitnaan ng pagpupulong ang aking Mahal na Hari.
“Mahal ko, maaari ka bang sumama sa akin?” tanong ko dito habang nagpupulong.
“Oo naman, Mahal.” wika nito at nagpaumanhin muna sa mga kapulong at sumama sa akin.
Nag ikot ikot muna kami sa labas ng kaharian.
“Mahal, may ihahandog sana ako sa’yo.” wika ko.
“Ano ‘yon, Mahal ko?” tanong niya saka ngumiti.
“Hintayin mo ako dito at kukunin ko ito.” tugon ko at tumango naman siya.
Tumungo ako sa labasan ng palasyo at kinuha roon ang handog na nasa loob ng mahiwagang kahon. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinaroroonan ng Hari habang tinago ko sa likod ang handog.
“Mahal ko, dala ko na ang aking handog.” wika ko.
“Asan na Mahal?” tanong niya.
“Pikit mo muna ang mga...


mata mo.” utos ko sa kanya at hindi siya nagdadalawang isip na sundin ito.
Niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal, kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita. Higit pa sa inaakala mo. Hindi ko kayang mawala ka ngunit patawarin mo sana ako sa gagawin ko.” wika ko at walang awang pinagsasaksak siya sa likod.
_______________________________________
Patungo na ako sa silid pulungan nang maisip ko ang aking ina. Tama, naiwan ko ang pulseras na pinagkaloob niya sa‘ken. Agad akong bumalik sa silid ng Mahal kong Hari para kunin iyon ngunit nang makarating ako ay narinig ko ang pag uusap ng Mahal kong Hari at isang kawal. Nagtago muna ako malapit sa pintuan upang makinig sa usapan nila.
“Mahal na Hari, huwag niyo pong mamasamain ngunit paano na po yung Mahal na Reyna? Mauulila ulit siya?” mga katanungan na galing sa kawal. Nagtaka ako sa mga tanong niya kaya mas lalo akong nausisa.
“Isunod mo na ren siya. Unahin mo muna yung matandang pulubi na ‘yon. Sa oras na susuwayin mo ako, isusunod rin kita!” pasigaw na wika ng Mahal kong Hari.
“N—ngunit Mahal na Hari, walang kalaban laban ang matandang iyon. Isa pa, h-hindi ko magagawa sa Mahal na Reyna yun.” utal utal na reklamo ng kawal.
Ano ang winiwika niya? Bakit may binanggit siyang matanda? Bakit binanggit nila ako? Tapos kani-kanina lamang wika niya na mauulila ako. Ano‘ng balak nilang gawin? Sana nagkamali ako ng kutob.
“Sinusubukan mo ba ang pasensya ko?” pananakot ng Hari sa kanya.
“N—nagkamali po kayo, Mahal na Hari. Susundin ko na po yung utos niyo.” wika ng kawal na may pangamba.
Pagkatapos ng kanilang usapan ay dali-dali akong tumakbo patungong silid pulungan upang ‘di nila ako mahuli.
“Mahal na Reyna, kanina ka pa po naming inaabangan, mabuti at naparito kana.” wika ni Heroni, isa sa taga pulong.
“May mahalaga lamang akong ginawa.” wika ko at umupo na sa inihandang upuan para sa akin.
“Nariyan na pala ang Mahal na Hari.” wika ulit ni Heroni.
“Simulan na natin ang pagpupulong.” wika ng Mahal kong Hari.
“Ipagpaumanhin niyo ngunit maaari bang lalabas muna ako saglit?may mas mahalaga pa akong gagawin. ” wika ko sabay alis sa kinauupuan ko.
Tumahimik ang lahat. Tila ba may dumaan na anghel. Hindi ko na lamang sila pinansin at humakbang na. Tumungo muna ako sa silid ng Hari at kinuha ang kapa ko. Dala-dala ko pa ang korona sa aking ulo. Nilisan ko ang palasyo at patakbong tinungo ang kinaroroonan ng Mahal kong ina.
Nang makarating na ako’y naabutan kong bukas ang pinto ng bahay niya.
“Inay!” tawag ko sa kanya ngunit nanatiling tahimik kaya nilusob ko ang ang bahay niya.
Sa ‘di inaasahan, nasilayan ko na lamang siyang nakahandusay sa kinauupuan niya kanina lamang. Wala na itong hininga. Bangkay na lamang itong niyakap ko. Labis na pighati ang nararamdaman ko. Ganun na lamang ang galit ko at sumigaw ng malakas. “Arghhhhhhhh”.
“Sinusumpa ko, magbabayad sila Inay. Titiyakin kong magsisisi sila sa ginawa nila sayo, sa‘kin. Ipaghihiganti kita Inay, pangako yan. Sinusumpa ko yan!” sigaw ng umaapoy kong bunganga.
_______________________________________
“Minahal kita, tandaan mo yan. Pero hindi ko kailangan ng Hari, taksil na Hari. Paalam Mahal ko, hanggang dito nalang tayo.” wika ko sa kanya habang patuloy na inikot yung patalim sa dibdib niya dahilan para umagos ang mapupula nya‘ng dugo.
“M-mahal, p-patawarin m-mo r-rin a-ako” huling salitang binitawan niya at tuluyan na nga siyang nawalan ng hinga. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.
Di ko ninanais na kitilin ang buhay mo ngunit ikaw na mismo ang nagbigay ng dahilan.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top