Green Card to your Heart Book 2 Chapter 16


‘Good morning…my fair lady..’
‘Good morning…’ sadyang hinanaan nya ang kanyang boses pagkasagot ng tawag sa telepono,sinulyapan nya muna ang kuya Marco nya sa rear mirror na kasalukuyang nagmamaneho at pagkatapos ay bumaba sya ng upo
‘Where are you now?’ Bumangon ng higaan si Clark at nagtungo kusina.
‘Papunta na sa work.. bat ang aga mo atang nagising.. 6:30 am pa lang ah..’
‘I know that youll be early.. baka kako hindi na kita makausap later.. so i took the chance of speaking with you this morning.. i miss you..’
Napangiti ng kusa si Danica.
Grabe.. ang aga aga namang kilig to Clark.. will you please stop that.. nang aano ka nemen eh..
‘Dani are you still listening..’
‘Ha. Ah eh.. oo.. anong oras ba ang pasok mo?’
‘Mga 8, pero dederetso ako ng gym after this.. and then ofis’
‘Oh okay.. ‘
‘Susunduin kita mamaya ha..and then lets have some dinner outside..’
‘Ha? Ah eh.. i-ikaw.. pero hindi ko pa alam kung anong oras ako mag out.. iba kasi ang nature ng work ko.. walang definite na schedule..’
‘Oh okay.. basta imessage mo na lang ako kung what time ka pwede..’
‘O-okay..’
‘Maghihintay ako..as always..’
‘Okay..’
‘Cge na.. good luck on your first day.. and i love you..’
‘Salamat.. and .. take care..’
‘Hahaha.. yeah i will..’
‘Hahaah.. cge na.. bye’
‘Bye.. see you..’
‘Cge kuya Marco .. salamat ha.. ang aga aga mong nagising para lang ihatid ako..’
‘Its fine.. at saka may gym din akong pinupuntahan pag ganitong oras bago Ko pumasok..same with Clark. Nasabi na ba nya sayo?’
‘Ha. Ah eh.. oo.. nabanggit nya nga..parehas pala kayo ng routine..’
‘Yah.. were like brothers.. kaya.. malaki ang tiwala ko sa kanya.. trust me.. hesmore than a gentleman than me.. ayaw ko mang aminin but he is.. ‘
Napangiti lamNg si Danica sa tinuran ni Marco.
kahit papaanoy napawi ang konting pag aalinlangan nya kay Clark dahil sa sinabi ng bayaw.
Mismong bayaw na nya ang nagsasabi so bakit kailangan nya pang mag alala diba..
lagot sya kay Kuya marco pag nagkmali sya ng kilos. Mas malaki kaya ang katawan ni kuya kaysa kay clark.. Naisip ko tuloy paano kaya nakakaya ng ate nya si Kuya Marco s tuwing….eh ang liit liit ni ate..Pansin nya..
‘Hey Fria are yoh still sleepy.’
‘Ha? Ah eh.. cge kuya tutuloy na ako’ mabilis syang tumalikod para maitago ang biglang pamumula ng pisngi.
Shit.. ang aga aga Danica.. ang dumi dumi ng iniisip mo.. bastos..
‘Dani.. si ate mo ang susundo sayo mamaya ha.. tawagan mo na lang sya’ pahabol na sabi ni Marco.
‘Okay .. thank you po’ kumaway muna sya sa bayaw at pagkatapos ay nag tuloy na sya sa entance ng isa sa pinakamalking hospital sa new york.
‘So you are Miss Danica Salvador ?’
‘Yes Ma’am..’ sagot ni Danica sa matabang Amerikanang nurse na nakatokang mag train sa mga bagong hired na nurse.
May tatlo silang mga bagong hired nung araw na yon at natutuwang nalaman ni Danica na lahat sila ay puro Pilipino.
Atleast walang masyadong nose bleeding na magaganap,patas lang ang labanan..
They were touring the hospital facilities, at pansin ni Danica na halos wala rin namang pinagkaiba ang mga galawan ng mga nurse dito compare sa plipinas. Parehas ding magulo.....


maaksyon at syempre madugo.
Yun nga lang ang pinagkaiba eh puro ibang lahi ang makakasama nya at medyo may language barrier pero carry naman nya.. Hmp si kabayan nga sabi nya one year pa lang sya dito pero kung makapag salita kala mo harry potter na sa pagka slang..
Matutunan ko rin yan..
Maya maya pay pinapasok muna sila sa isang meeting room at naiwan para mag 15 minute break.
‘Inaantok pa rin ako..wala bang kape dito?’nakita nyang napasok ang isa sa mga kasama nyang bago na may hawak hawak na kape.
‘Uy.. san ka nakakuha nyan?’ Tanong nya
‘May vending machine dun sa right side.. try mo.. ‘
‘Ah okay cge salamat’
Pagharap nya sa vending machine ay agad nya itong pinag aralan.
Well hindi naman ako bago sa vending machine.. hello meron din kaya nito sa SM.. kaso hindi ko alam kung magkano ang dapat kong ihulog .. one dollar ba o one cent..
Sinilip nya ang kanyang wallet may five dollars sya.
Susuklian naman siguro ako nito ano?
‘Are you done?’
‘Huh?’ Nilingon nya ang may ari ng baritonong boses.
Isang may kataasang lalaki marahil kasing taas ng kuya Marco nya na may balingkinitang pangangatawan ang seryosong nakatingin sa kNya. He was wearing a thick glasses, medyo wavy ang ear length na buhok nito, at may pagka moreno.
Pilipino ba to oh spanish..
Ang tangos ng ilong .. no.. hindi ito Pilipino
‘Do you know how to use that?’
‘Ha. Abat.. ayos to ah.. yeah ofcourse..’ may yabang nyang sagot sa lalaki.
muling hinarap ni Danica ang vending machine.
Maghintay ka jan.. costumer din ako.. wag mong sabihing old staf ka dito.. parehas lang tayo ng profession.. kaya umayos ka jan!
Wala syang choice kundi isuksok ang nag iisang five dollar bill nya sa slot.
‘You need an exact amount, or else your money will be caught up inside.. here let me do that for you..which cofee do you want?’
‘Ah eh. Americano’
walang sabi sabing tinabihan nya si danica at nag hulog ng ilang barya sa coin slot.
Maya maya pay lumabas na ang mainit na kape sa bukana ng vending machine.
‘Thanks. Ill pay you nxt time..’
‘Its just a cent.. dont mind it..’
Ano ba yan.. nakapangmolestya pa ako.
Tandaan ko na lang ang pangalan nya para nxt time mabayaran ko sya.
Muli nyang nilingon ang lalaki , pasimpleng binasa nya ang name plate nito.
Adrian.. oh okay
Saka sya tumalikod.
‘Wait.. hold on’
‘Huh? ‘
‘You left this , ‘ itinaas nito ang five dollar bill nya na nakaipit parin sa slot.
‘Ah yes thank you..’
‘Are you new here?’
‘Um.. yes..’
‘Ah okay..’
She was about to return from the meeting room when she heard him say.. in a very low voice..
‘Kaya pala..’
Immediately she spinned around. Pero Mabilis na itong nakalayo at kumanan sa isang pasilyo.
‘Abat ang yabang.. pilipino pala ang lolo pinahirapan pa akong mag ingles! Gago sya.. anong ibig nyang sabihin sa ‘ kaya pala..’naku ibuhos ko tong kape sayo eh makita mong hinahanap mo..yabang!’
Mukhang may mga bully din dito ah.. at amg matindi kapwa mo pa pilipino ang bubuly sayo.
Ha sorry. Ako si Danica Salvador.. palaban to.. pag ako natuto .. who kayo sa kin.. lalo ka na..mark my word..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top