The Battered Wife CHAPTER 3


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Umuwi na lamang ako sa aming bahay pagkatapos kong makita ang isang malungkot na senaryo na talagang tatatak sa isip ko na kahit kailan ay hindi ko mapapalitan si Zeny sa puso ni Sky.Tanggap ko naman na hindi niya ako mahal pero handa akong maging tanga sa pagkakataong ito.
Bata palang kami ni Sky ay mayroon na akong pagtingin sa kanya at batid niya iyon.Masakit dahil hindi ako mahal ng taong mahal ko.Si Sky kase yung tipo ng tao na mamahalin mo ng lubos.
Mabilis na lumipas ang oras , Gabi na at wala pa rin ang aking asawa.Malamig na rin ang niluto ko.Habang tahimik akong naghihintay ay biglang tumunog ang aking telepono.
Si Sky tumatawag …
” Tumawag lang ako para sabihin wag ka ng maghintay na uuwi pa ako sa bahay na iyan.Alam mo na siguro kung kaninong bahay ako tutuloy ngayong gabi.”
Katulad noong mga nakaraan niyang ginagawa , tinapos na agad niya ang tawag.Hindi na naman ako nakapag-salita.Ganito ba talaga ang buhay may asawa ?
Akala ko sa oras na makapagpakasal kami ni Sky , mababago ang tingin niya sa akin.
Pero nagkamali ako.
Ang buong akala ko isang gabi lamang ako maghihintay sa taong mahal ko , pero hindi.
Ang isang gabi ay tumagal pa lalo , dalawang linggo na naging isang buwan.
Ganyan katagal siyang hindi umuwi sa aming bahay.Hindi ko alam kung babalik pa siya.
Hanggang isang araw , nalaman ko nalang na nasa ibang bansa nina Sky at Zeny.
Mabuti pa ang babaeng iyon nararanasan niyang maisama ni Sky na libutin ang kagandahan ng ating mundo.
Samantalang ako , tanging bahay lamang namin ang aking naikot.
Pinili ko kaseng magtrabaho na lamang sa bahay para maalagaan ang aking...


asawa pero hindi umaayon sa akin ang tadhana.
Si Zeny ay bunso kong kapatid.
Alam niyang mahal ko at asawa ko na si Sky.
At batid ko ring may gusto siya sa asawa ko pero mas swerte talaga ang kapatid ko dahil mahal siya ng taong mahal ko.
Kahit ang mga magulang namin , alam ang sitwasyon naming magkapatid.Kaya nagdesisyon sina mama at papa na ipakasal sa akin si Sky.Akala din kase nila , mababago ang lahat.
Kung darating man ang panahon na pakakawalan ko na si Sky , sisiguraduhin ko munang masaya siya.Kase kahit na sinasaktan niya ako , gusto ko pa ring nasa mabuti siyang kalagayan.
( SKY – POV )
Maayos ang naging buhay namin ni Zeny.Nandito kami ngayon sa Canada kung saan palihim kong binubuo sa aking isipan ang ” Future ” naming dalawa.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng konsensya para kay Elise.Ang sabi ko lang kase isang gabi lang ako mawawala pero hindi.Lumalayo ako sa kanya ngayon para maisip na niyang pakawalan nalang ako mula sa selda ng kanyang pagmamahal.
” Love , ang lalim ata ng iniisip mo , hulaan ko , ako yan diba ?? ”
Nabalik ang aking ulirat ng biglang yumakap si Zeny sa akin.Kaya nagsinungaling nalang ako sa kanya.
” Syempre naman Love , ikaw lang ang palagi kong iniisip.Pakakasalan mo ba ako ?
Bigla kong naitanong kay Zeny.
” Oo naman , tinatanong pa ba yan. ”
Ngayon , mas mayroon na akong rason para pilitin si Elise na hiwalayan ako.
Wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin sa akin ng aming mga pamilya.Magkapatid sina Elise at Zeny kaya alam kong magpaparaya na lamang si Elise.
Pagbalik ko ng Pilipinas , tatapusin ko na ang lahat ng namamagitan sa amin ni Elise.
To Be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top