Luisa Entrada


Luisa Entrada
Genre: Horror
Author: @PruuWritings
“Shhhh.. Shhhh… Waaaag kang maingay. Kunin mo tong flashlight. Babalikan ko si Jen sa.. sa.. sa.. uhh…. kweba”, nanginginig na pagbulong ni Jake kay Diana na may mabilis at malalalim na mga paghinga. “Pag wala pa ko ng 10 minutes, tumakbo ka palayo. Bilisan mo, please.. please.. wag kang lilingon. Wag na wag kang lilingon ha”, bugtong hininga na pagsasabi ni Jake kay Diana habang sila ay nakatago sa matatangkad na talahiban.
Balot ng pawis at maliliit na galos, hindi mapigilan ni Diana ang paghangos dahil sa malubhang pag-iyak at matulin na tibok ng kanyang puso. “Jake…. Jake….. please… wag moo akong iwaaan… wag mo kong iwan please… baka makita nya tayooo. Please….. wag mo kong iwan…… Jaaaake..”, mga katagang binigkas ni Diana habang may pagiyak sa pagitan ng mga salita.
“Ayoko pang mamatay, please. Ayoko pang mamatay.. Jakeee. Jakee..”, patuloy na paghangos ni Diana habang palingon lingon sa paligid na nababalot ng kadiliman at talahiban.
“Diana, wag kang maingaaay. Shhhhhh. Baka makita nya tayooooo.. Shhhh…… Shhhhhhhh….”, paulit ulit na pagbulong ni Jake.
Nang may kumaluskos sa di kalayuan…
“Tssshhkkkk… Tssssssssshhhhkk”
Sila’y nagkatinginan, balisang nagiisip kung saan nanggaling ang kinakatakutang tunog.
Bagamat balot ng kadiliman, may munting aninag ang kanilang pagtitinginan na para bang mayroong hindi inaasahang sakuna na magaganap maya maya.
Nabalot ng katahimikan ang kapaligiran..
Tanging mga tunog na lamang ng mga insekto sa kalupaan ang nangingibabaw.
Makalipas ang isang minuto, bahagyang umihip ang hangin na nagbunga ng kanilang panlalamig at hampasan ng mga malalaking damo.
“Whoooooooooooo…. Whoooooooooooo… Tssssshhhhhkkkk… Tssssshhhk… Tsssshhhkk…”
Tumahimik ulit ang paligid…
……
Nanginginig ang mga labi ni Diana na tila paluwas na ang malalakas na paghikbi.
Kasabay ng mahihinang pagiyak, kumapit si Diana sa braso ni Jake.
“Jjjjjjj… Jaaake?” tugon ni Diana.
Unti-unting nababalot ng maputing usok ang kanilang tinataguan.. Kasabay rito ang malansang amoy na kanilang nalalanghap na maihahantulad sa amoy ng natuyong dugo.
Biglang lumabas ang buwan sa ka-ulapan na naglikha ng bahagyang liwanag.
Dahan dahan tumiklop palayo ang talahiban na nasa likod ni Jake.
“Tsssshhhhhhhkkk.. Tsssssshhhhhkkkk…”
Laking gulat ni Diana ng maaninag sa likod ni Jake ang isang napakatangkad na babaeng matanda na halos mabalot ng itim na buhok ang kanyang mukha.
Kutis ay kulu-kulubot at puno ng mga nakausbong na peklat.
Suot nito ay ang punit-punit na tila puting baro na puno ng mantya.
Ito ay nakangiti na halos mapupunit na ang kanyang mga labi. Nanlilisik ang mga mata at may pag kahaba habang mga kuko.
“Diana.. wag kang ma……” tugon ni Jake.
Mula sa likod, agad sinunggaban ng elemento si Jake sa leeg gamit ang bunganga nito.
Agad na sumirit ang pagkaraming raming dugo.
“AAaaaaaaarrggghhhhhh!!!!”, ang hiyaw ni Jake.
Niyakap ng halimaw si Jake mula sa likod ng hindi nito maikilos ang kanyang mga kamay.
“JAAAAAAAAAAKKKKEEE!!!!” ang sigaw ni Diana.
Nabalot ng dugo ni Jake ang ibabaw na bahagi ng katawan ni Diana. Gawa ng sobrang takot, pagkatuliro at kaba, nabiwatan ni Diana ang mga braso ni Jake.
Dumulas ang mga kamay nito dahil na rin sa dami ng dugo na sumisirit palabas sa leeg ni Jake.
Si Diana ay biglang napahiga dahil sa pagkadulas ng mga kamay nito sa braso ng kanyang kaibigan.
Wala syang magawa kundi umatras ng nakapahiga habang tinitingan ang malagim na sinasapit ni Jake sa halimaw.
Gawa ng sobrang takot ay unti unting nawawala ang pandinig ni Diana at nagsisimulang lumabo ang kanyang paningin.
Hiindi na rin nya napigilan na maihi dahil sa nagaganap na kababalaghan.
Ang bawat segundo ay lumilipas…..
Pinipilit ng isip ni Diana na bumalik sa katinuan.
Lumalabo at lumilinaw ang kanyang mga paningin kasabay ng pagkabingi..
…..
Tuluyan na sana sa pagkahimatay si Diana gawa ng pagkasindak nang biglang manumbalik ang mga pandama niya habang nakakatitig pa rin sa kaibigan.
Pinipilit nyang intindihin ang mga katagang binibigkas ni Jake.
Unti-unti nang bumabalik...


ang kanyang pandinig…
“Diaaana”, mahinang dating ng boses ni Jake sa mga tenga ni Diana.
“Diana…. Diaana.. DIAAANNNNA… TAKBO!!!!!”
Bumalik sa ulirat si Diana at agad nyang pinulot ang flashlight sa kanyang tabi. Dali-dali syang bumangon na para bang wala ng bukas.
Mangingiyak ngiyak siyang tumalikod mula sa kaibigang nadurusa sa sakmal ng isang nilalang na sya mismo’y di makapaniwala.
Tila nanumbalik ang kanyang lakas. Dama ni Diana ang bawat pintig sa kanyang dibdib habang hinahawi ang mahahabang damo sa kanyang tinatahak.
“Ohh my God… ohh my God.. ohh… myyyy… ohhh myy..”, pabulong na sabi Diana habang patuloy ang pagtakbo at paghawi ng mga damo sa kanyang harapan.
Tanging ang ilaw ng flashlight na tumatama sa kung saan-saan na lamang ang kanyang sinasandigan…
Umaasang sa isang siglap ay makakita sya ng daan o sinuman na pwedeng mahingan ng saklolo mula sa bangungot na katotohanan.
Takbo.. takbo.. Takbo..
Hawi rito, hawi roon..
Nang biglang…….
Sya’y napadausdos at dumirediretso sa gilid ng masukal na daan.
Tila nagkaroon ng maliit na pagasa ang kanyang kalooban.
Tumambad ang daan na may direksyon sa kanyang harapan.
Agad agad syang bumangon at kumaripas ng takbo.
Di alintana ang pagod at pagkabalisa,
sinundan ni Diana ang daanang patungo sa tila walang hanggang kawalan.
Sa di inaasahang pagkakataon, unti unti nang nawawalan ng ilaw ang kanyang flashlight habang nilalakbay nya ang daan.
“AAAAAaaaaaaarrrrrggghhhhhhhh!!!”, isang malakas na hiyaw ng animo’y pinaghalong boses ng lalaki, babae at bata sa di kalayuan.
Tumayo na naman ang mga balahibo ni Diana sa sobrang takot at kaba. Ang mabilis nyang mga hakbang ay tila mayroon pang ibubuga..
Siya’y patuloy na tumatakbo, hindi nya mapigilan ang paglingon sa lahat ng direksyon habang nananalangin na sana’y wala syang makitang di kanais nais..
Mayroong tao sa harapan…
Pilit nyang inaaninag ang imahe sa malayo na halos balot pa rin ng kadiliman.
“Tulooonggggg!!! Tulooooong!!! Tulongggg!!” ang sigaw ni Diana na may halong paghangos at pagiyak sa pagitan ng kanyang mga salita..
Bahagya syang huminto, nang maaninag ang imahe na para bang papalapit na rin sa kanya.
Sya’y napayuko at napakapit sa kanyang mga tuhod gawa ng sobrang pagod.
Hindi maihahambing ang pinaghalong galit, pighati, lungkot, takot at kaba na nadarama ni Diana sa pagkakataong iyon.
Makalipas ang ilang sigundo, Sya’y lumiyad para tanawin ang imahe kung nasaan na ito.
Ginamit nya ang flaslight na may mahina ng liwanag upang sulyapan ang nilalang na iyon.
Tumama ang liwanag sa mga animo’y mata ng imahe….
Palapit na ito ng papalapit..
“Diyos ko, tulungan nyo ako.. (tuloy tuloy na pagiyak) .. Tulungan nyo ako parang awa nyo na.. Tulonggg!!!!”, mga katagang kanyang sinigaw habang sya ay nakatingin sa kalangitan at unti unti na nyang binababa ang direksyon ng liwanag ng flashlight sa lupa.
Kitang kita ni Diana ang imahe na nakalutang pala habang papalapit sa kanyang harapan..
Isang halimaw o demonyo. Ang nilalang na pumatay sa kanyang mga kaibigan.
Ang nilalang na kanyang nasaksihan kani kanina lamang ay papunta na upang sya’y hatulan.
“Tulungan nyo ako…………”
Pag-iyak at paghangos…..
Biglang napagtanto ni Diana na bumalik sa kanyang likurang direksyon, nangangarap na makaiwas sa trahedyang kanyang sasapitin.
Ngunit…..
Sa kanyang paglingon ay tumambad sa kanya ang mukhang kulukulubot na bahagyang balot na mahabang kulot na buhok na may nanlilisik na mga mata..
Binuka ng halimaw ng pagkalaki laki nyang mga bibig na ikinapunit ng kanyang mga pisngi.
“AAAAAAAAAARRRRRRRGGGGGHHHHHHHHHH”, ang sigaw ng halimaw sa kanyang harapan.
Tila ba nabalot na ng kadiliman ang paligid…..
“Bzzzzzzz….. Bzzzzzzzzz….. Bzzzzzzz”, tunog ng nakavibrate na telepono ni Jen.
“Bzzzzzz…… Bzzzzzzzz…… Bzzzzzz….”
Dahil sa madalas na panginginig ng kanyang telepono sa kanyang tabi, unti unting nagkakamalay si Jen mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.
“Anong oras na? haaaayy. ” tugon nya sa kanyang sarili.
Hinablot nya ang kanyang telepono sa gilid ng kanyang unan at dali daling pinatay ang panginginig nito.
Part 2 coming soon






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top