POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤Chapter 27:


📍TJ POV📍
Rhian hated me for what I’ve done.Gusto ko lang mapansin niya ako pero tinapunan niya ako ng nagbabantang-tingin kaya ng sumunod na mga araw,iniiwasan na naman niyang makita ako sa Station.
📍Rhian POV📍
Hindi ko na pinansin ang TJ na’yon,masasaktan lang talaga ako.He is now different at hindi na nila kilala ang isa’t-isa.I forget everything about us.
”By,alam mo ba sa station namin,may namumuong love team..It’s Sir and Ma’am Cassandra,palagi silang sweet at parang sila na..” chismosang saad ni Ate.
Hindi na lang ako umimik.
”They look perfect together naman..kung sana noon sinagot mo siya di sana ikaw iyong girl niya by..”
“Ate naman,wala akong paki sa Sir nyo na yan..”
”Aminin nagseselos ka by?”
“Hindi!gusto mo hindi kita susunduin mamaya?”
“Pikon ka naman by,sige na nga..hindi ko na ita-topic si Sir..” natatawang sabi ni Ate.
It really hurts na naman,nang mapansin niya sa station na laging nakadikit iyong Cassandra sa TJ niya at kung paano rin kinilig ang tigre na iyon.Oh sila na!!Kayo na talaga!!Because of pain,I trying to move on again.
Wala ng Lockdown kaya balik to work na naman.Nagbakabusy ako para makalimutan ko si TJ.Hindi na rin kami...


nagkita dahil hindi na ako ang naghatid-sundo kay Ate.One day,niyaya ako ng mga co-workers ko na mamasyal sa Garden of Paradise.Mahilig kasi ako sa adventure.Medyo mabundok ang lugar na iyon.We ride in motorcycles,tigdalawa kami sa isang motor.Na-enjoy kami sa magandang view dun.I never forget this day,pauwi na kami nang pagbaba namin sa mataas na bahagi na iyon.Nadulas ang sasakyan namin dahil na rin sa ulan at may nasalubong kami na van at sumalpok kami sa gilid.Nag-sink in lahat ng nangyari,natrauma ako saglit..paano kung may namatay sa mga kasamahan ko?Nagising ako na may nakapalibot na mga tao sa amin at ang sakit ng buo kong katawan.Napabangon ako at pinainom ng tubig ng isang Ale.Masakit iyong tuhod ko,kahit nangininig pero nagtry akong tawagan si Ate.
“He-hello te..” nanghihinang sabi ko
“By,ok ka lang?anong nangyari?”
“At..Ate..” nangingiyak kong sabi
”Tell me by,what happen?nasaan ka?” nag-alalang tanong ni Ate.
“Naaksidente kami ..ate” iyak ko pa rin dahil sa sakit.
“Ano?..nasaan ka?pupunta diyan ang mga rescuer..be strong by,..anong masakit sa iyo?”
“Ate..” hindi ko na napigilan ang sakit.
Dinala agad kami ng mga rescuer sa Hospital,agad akong sinalubong ni Ate at paglingon ko nakita ko rin si TJ sa Hospital.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top