AKO ANG FIRST KISS NI CRUSH”


AKO ANG FIRST KISS NI CRUSH”
written by—Solene Terpischore
—take time to read this.
“So let’s continue our discussion.” wika ng teacher namin at patuloy sa pag-didiscuss ng lesson namin. Ako naman ay nakikinig rin lamang sa kaniya at pinipigilan ang antok, may teacher kasing parang nagpapatulog ng baby kapag nagsasalita.
Nabaling ang tingin ko sa katabi ko si Carter, crush na crush ko talaga siya. Sobrang gwapo tapos hindi rin gaanong mayabang, sakto lang ehe.
Habang ang teacher ko ay patuloy parin, napansin ko na tulog si Carter kaya naman naisipan ko na gawin ang plano ko, hehehe.
Habang tulog parin siya ay dahan-dahan kung nilapit ang mga labi ko sa kaniya. Hindi naman siguro siya magigising ’diba?
Nilapit ko ang labi ko at nag-magdampi na ay tila may bolta-boltaheng kuryente ang aking naramdaman. Not until unti-unti siyang nag-mulat ng mata.
‘P-Patay na’ tanging bulong ko sa sarili ko, agad niyang inilayo ang labi niya ng ma-realize niya na magkalapat ang mga labi namin.
“What the—” sisigaw pa sana siya ngunit tinakpan ko ang bunganga niya.
“Kapag sumigaw ka, maririnig ka ni ma’am, alam na alam mo naman na ayaw niya ng maingay sa klase hindi ba?” tanong ko sabay smirk sa kaniya.
“Walang maiidulot na maganda ’yang pagsigaw mo, kaya manahimik ka nalang.” usal kung muli kaya siya’y inis na inis na tinitigan ako, ako naman ay tumitig rin sa kaniya na tila inlove na inlove, hay ganito pala ang feeling ng katitigan...


mo ang crush mo.
__________________
Lunch break na at ako ay masayang-masayang nag-lalakad sa hallway. Hindi mawala-wala ang ngiti sa akin kanina pa, wews nays one pipay (short for Phia Phaye) hindi ko alam kung bakit ganiyan ang itinawag sa akin nila mama, tuloy dito sa school ay binubully ako dahil kamukha raw ako ni pipay pero wala akong pake.
“Pipay!” teka boses ni Carter ’yon, kaya agad akong napalingon kung saan nanggaling ang boses, at nagulat nalang ako ng nasa may harapan ko na siya.
Isinandal ako nito sa pader kaya ako naman ay abot hanggang langit ang kilig, enebe ete ne be telege?
“Bakit mo ginawa ’yong kani—” magsa-salita pa sana ito ngunit agad ko siyang kinabig dahilan para maglapat na naman ang mga labi namin.
“T*ng*n*! alam mong may girlfriend ako ’diba? tiyaka nag-tooth brush ka ba?” tanong niya pero tinawanan ko lang siya.
“Ay sorry nakalimutan ko nga palang mag toothbrush, nagmamadali kasi ako kanina kasi akala ko late na ako.” wika ko na kakamot-kamot sa buhok kung parang popcorn na sumabog.
Nagulat nalang ako ng magsuka siya sa may harap ko, kaya napalayo ako. Anong nangyari dito?
“Okay ka lang?” tanong ko ngunit siya at pinalayo ako, kaya unti-unti na akong nag-lakad.
“By the way bawi nalang kayo next layp ng girlfriend mo!” sigaw ko bago iniwan siya ng tuluyan.
Hindi man ako ang girlfriend niya, ako naman ang first and second kiss niya, okay na ako dito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top