Love doesn’t exist on us Chapter 1


Love doesn’t exist on us
Chapter 1
Personality of Sammantha Icys
Rena’s POV
FLASHBACK
“Ina? Kailan lalabas ang bata sa iyong sinapupunan?” tanong ni Celestia sakin.
“Nasasabik ka nang talaga sa paglabas bata?” tanong ko pabalik.
“Opo, Ina! Upang may kalaro na ako dito parati,” sagot nito na nagpapangiti sakin.
“Celestia, halika at hawakan mo ang aking sinapupunan! Gumalaw ang kapatid mo!” galak na pasabi ko at dali dali namang lumapit sakin si Celestia.
“Ina! Totoo nga! Kamusta aking kapatid ko?” sabi ni Celestia sa magiging bagong kapatid niya.
“Ano yung narinig ko ngayon lang?” sigaw ni Haring Arthur na papalapit samin.
“Ang bunso natin, sumisipa na,” sagot ko dito at biglang gumuhit ang ngiti sa muka nito na.
“Maaari bang mahawakan, mahal ko?” sabi ni Haring Arthur sabay hawak sa tyan ko.
“Mahal na Hari!” tawag ng tagapayo namin.
“Ano ang iyong sadya dito?” strikto nitong tanong.
“Andito na po ang Hari at Reyna ng gubat at kabundukan,” may galang na sagot nito.
“Susunod ako,” sagot ni Arthur sa kawal.
Napangiti ako nang hinawakan nito ang pisngi ko’t sinabing “Paki alagaan ang mga prinsessa natin,”
“Masusunod, mahal ko,” sagot ko dito na nagpangiti sa kanya.
“Mauna na ako aking Reyna..Celestia tulungan mo ang iyong Ina,” bilin nito at naglakad papasok ng palasyo upang kausapin ang mga bisita.
“Halina Celestia pumasok na din tayo’t gumagabi na,” pagpapaalala ko dito habang hawak ang kamay nito.
Papalakad na kami papasok ng palasyo ng may matandang babae akong nakita sa harapan ko.
“Magandang gabi Mahal na Reyna,” magalang na pagbati nito.
“Magandang gabi,” pagbati ko.
“Pwede bang mahawakan ang iyong sinapupunan?” pagpapaalam nito na nagpapasama ng kutob ko.
“Bakit nais mong mahawakan ang aking sinapupunan?” tanong ko dito.
“Nakikita ko po ang hinaharap at ang nakaraan…kasama po ng Hari’t Reyna ng gubat at kabundukan,” pagpapaliwanag niya.
“Di ba masama ang iyong entensyon?” tanong ko ulit.
“Hindi po,” sagot nito sabay hawak ng tyan ko.
“Kay gandang binibini, ang angking ganda nito ay nagmana sa ina at ang pagiging tapat at kakayahan sa pagiging Reyna ay minana sa ama,”...


sabi nito na nagpabalik ng ngiti ko.
“Subalit may mangyayaring masama sa oras na ipanganak ito…puro sakit at kalungkutan ang nakikita ko sa batang ito, hindi ko mamata kung bakit pero ngunit may mali sa batang dinadala nyo, Mahal na Reyna,” dagdag niya.
Marahas kong tinangal ang pagkakahawak nya sa akin..”Paumanhin pero tama na po impossibleng may mangyayari sa anak ko,” saad ko dito.
“Paumanhin po kung natakot ko kayo pero totoo ang mga nakikita ko,” sambit nito.
Pumasok na kami ni Celestia sa palasyo at dumiretso sa silid nito. Binasahan ko ito ng libro upang makatulog ito agad.
Hinalikan ko ito sa noo’t sinabing “Matulog ng mahimbing, mahal ko..” at dahan dahang lumabas ng kwarto.
Mahinahon akong naglakad papuntang silid namin ng aking asawa ng nahilo ako bigla.
Umupo ako sa kama at naramdaman kong sumasakit ang tyan ko. “Ahh!” hindi ko batid kung bakit biglang sumakit ang aking t’yan! “Suzzete!”
“Mahal na Reyna! Anong nangyayari?” mabilis na tanong nito!
“Ahh!! Sa palagay ko ay lalabas na ang bata sa sinapupunan ko!” impit na sagot ko dito!
Lumabas ang katiwala namin at nagtawag ng mayordoma…makalipas ng ilang minuto ay sinimulan na nilang gawin ang dapat..
“IRE, MAHAL NA REYNA!” sigaw ng mayordoma.
Umiri ako sa abot ng makakaya ko! Sobrang sakit ng tyan ko’t hirap na hirap sa paghinga..
“ISA PANG IRE, MAHAL NA REYNA!”
“AHHHHHH!!”
Hindi makapaniwalang lumabas na ang walong buwan kong anak…puno ng dugo ang aking hinihigaan at ang aking anak naman ay kasalukuyang inaasikaso ng mga matatandang kasama..nilinisan ito gamit ang salamanca..
“Hindi gumagalaw ang sangol!” wika ng Isa sa mga taga silbi!
Gulat akong napatingin sa babae..”H-hindi maaari!” nagsimula ng magwala ang loob looban ko.
“Mabubuhay po siya wag na kayong mag-alala,” pagpapakalma ni Suzzete.
“Anong nangyare Suzzete?” pasigaw na tanong Mahal na Hari.
“Nanganak siya subalit hindi kabuwanan Mahal na Hari…hindi gumagalaw o umiiyak ang sangol..subalit ‘wag na kayong mag-alala magiging maayos po ang bata gayon din ang Mahal na Reyana..ako na po ang bahala,” saad nito.
“Pakiusap siguraduhin mong mabubuhay ang aming Prinsessa,” pagmamakaawa ng aking asawa.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Merry jane Cababan

    wla n bang part 2 yan

Leave a Reply


top