Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 5


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 5
Masaya man ang naging takbo ng agos ng aking buhay Simula ng mabigyan ako ng sobrang importansya ng isang lalake na hindi ko pa nman nakakasama at nakikilala ng personal . Walang araw , oras , minuto na hindi ipinaramdam sa akin ni Jay na importante ako at ang mga anak ko , kahit pa nga sabihin na malayo ang agwat , milya milya ang kayo namin sa isat isa .
Si Jojo ? Ewan ko … Parang nawawalan na ako ng gana sa kanya , wala na akong maramdaman … Kahit hindi na nya ako mabigyan ng sapat na oras eh Ayos lang sa akin na hindi parehas noon na halos ikalugmok ko na pag hindi nya ako matapunan ng oras bilang babae , bilang asawa . Balewala na , kumbaga wala na akong kirot ng dibdib na maramdaman , kung tatawag sya , magtetext o magchachat salamat kasi naka alala sya at kung hindi naman bahala na . Tungkol naman sa pag uwi nya sa amin , wala na akong masabi , sawa na akong maghintay sa wala ,...


matagal na panahon na rin na halos magmaka awa ako na uwian nya kami lalo na sa panahon na talagang kailangan kailangan ko sya sa tabi ko pero wala eh . Siguro nga , meron na syang ibang pinagkakaabalahan , bahala sya ang importante lang sa akin at mas mahalaga eh wag nyang kalimutan ang obligasyon nya sa mga anak nya kahit hindi na para sa akin basta para sa mga anak namin .
Si Jay ? Marami kaming balak na dalawa , marami kaming pangarap na gusto namin pareho na tuparin pagdating ng araw na magkasama at kung ipapahintulot na mabiyayaan ng isa pang Anghel bakit ba ang hindi , iyon na ang pinaka masaya sa lahat .
Sa mga tao na nakapaligid sa akin , lalo na sa mga biyenan ko , wala naman pinagbago , mababa parin ang pagtingin nya sa amin ng mga anak ko , masyado parin mataas ang pagtingin nila sa kanilang mga sarili , hindi maarok , mahirap maabot .
Ang hiling ko lang sa may kapal na sana sya ang maging gabay ko sa araw araw lalo nat wala akong ibang makakapitan kundi siya lamang !






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top