MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 9


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️
.
CHAPTER 9
.
Nagtaka si Alvin sa pananahimik ng mga kaibigan.
.
ALVIN : may problema ba, may nangyaring masama ba kay pare Jessie?
.
Nagtitinginan ang tatlo, nagttanong ang bawat isipan kung dapat ba nilang sabihin kay Alvin.
.
Alvin : hoy bakit ba nakatahimik kayo, kinakabahan ako sa inyo eh.
.
Si Marlon ang unang nagsalita.
.
Marlon : pare, si Jessie ano eh..
Alvin : anong nangyari kay Jessie?
Brando : walang nangyaring masama kay Jessie pare.
Garry : oo pare, ginawan ka ng masama ni Jessie!!
.
Nagtaka si Alvin, di niya maintindihan ang sinasabi ng mga kaibigan.
.
Alvin : anong ibig niong sabihin?
Marlon : pare, wala kaming kinalaman dito ha.
Alvin : ano ba kasing ibig niong sabihin, diretsuhin nio na kasi ako..
Garry : pare si Jessie nasa America ngayon.
Alvin : oh nasa america naman pala eh, anong masama doon?
Brando : kasama si Erica.
Alvin : kasama si Erica?
Marlon : oo pare nasa America sila ngayon.
Alvin : ano ngayon kung nasa america sila.
Garry : nagpakasal sila doon pare!!
.
Napatulala si Avlin sa nalaman sa mga kaibigan.
.
Alvin : N-nagpakasal sila?
Marlon : wala kaming kinalaman doon pare, may kakilala ako roon na na nakakita sa kanila, at itinawag sakin na kinasal daw sila, nagsend pa yong kakilala ko don ng picture at pare confirm sila nga iyon, ng makita ko sila sa picture, kinakasal sila pare.
Garry : oo at saka pare yong bago kong girlfriend ngayon, kilala si Erica, kaibigan daw ng pinsan niya, at ipinakita ko sa gf ko yong picture ni Jessie, e yoon nga daw yong palaging kasama ni Erica..
Alvin : (nakuyom ang mga kamao)..damn, ngayon malinaw na sakin, na kaya pala naghanda ng stag party at niregaluhan ako ng babae ni Jessie dahil plano niya iyon, at kasama niya si Erica na nagplano nun, mga hayop sila.
Brando : pare baka naman kapag nagkita kayo ni Jessie ay kung ano ang magawa mo!
Alvin : hindi Pare, magpapasalamat pa ako kay Jessie, dahil inilayo niya ako sa babaeng hindi karapat dapat sakin. pinagmumukha na pala akong tanga ng babae na yun,(sabay tungga sa baso na may alak).
Brando : oo nga pare, mabuti na nga lang.
Alvin : napakawalang kwentang babae, at walang kwentang kaibigan din ni Jessie, ginago nila ako!
.
Halos madaling araw ng naghiwahiwalay ang magkakaibigan at si Alvin ay nagpakalasing ng nagpakalasing, samantalang ang tatlo ay hindi naman masyadong nalasing dahil nagtira sila ng pang-uwi nila. Para makapagdrive pa sila, hinayaan lang nila si Alvin na magpakalasing dahil nasa sariling bahay naman ang binata, nagpakalasing si Alvin dahil isinelebrate ang pagiging maluwag na kaisipan, at least hindi na siya makakaramdam ng konsensiya dahil wala sa kanya ang problema, kundi na kay Erica pala, sa isip ni Alvin kaya pala, ni hindi manlang pinapakinggan ang mga paliwanag niya, ayon pala ay may ibang karelasyon ang katipan niya at mismong kaibigan pa niya.
.
Alvin : Damn you Erica..you are nothing to me!!
.
si Abby ay pinuntahan ni Kate sa kwarto ngunit tulog na tulog ito at naghihilik pa hindi na niya ginising si Abby siya na ang mag-aasikasong mag-isa sa binata..nagtungo muna si Katelyne sa gate upang ilock ito, ng mai-lock ang gate ay pinuntahan ng dalaga si Alvin na susuray suray papasok sa loob ng bahay, at lasing na lasing ito dahil sa kalasingan, sa isip ni Kate ay sobrang nasasaktan pa si Alvin sa pagkakahiwalay nila ng nobya nito.
.
Alvin : kate gising kapa? (Nabubulol na tanong kay Kate)
Kate : nagising lang ako ng marinig ko yong ugong ng sasakyan ng mga kaibigan mo!(pagsisinungaling niya)
.
Ang totoo ay hindi pa talaga siya natutulog, at hindi naman naririnig sa kwarto ang ugong ng sasakyan dahil kulob naman ang kwarto, matiyaga siyang naghintay na matapos ang inuman ng mga magkakaibigan, nakatanaw lang siya sa bintana, tinatanaw niya si Alvin, at inaalala ang mga naganap sa kanilang dalawa ng nakaraang gabi..
.
Alvin : ganun ba!
Kate : alalayan na kitang makaakyat sa kwarto mo..
Alvin : salamat kate, salamat! Sobra akong nagpapasalamat kate dahil dumating ka sa buhay ko!
.
Naligayahan naman si Kate sa mga simabi ni Alvin, kaya lang di naman sineryoso ni Kate ang mga sinabi ni Alvin dahil alam niyang lasing ito, syempre kapag lasing kung ano ano ang mga nasasabi..at hanggang sa makaakyat na sila sa taas at halos hinihingal si Kate dahil sa pag-alalay niya kay Alvin na umakyat sa hagdanan, at hanggang sa maipasok na ni Kate si Alvin sa kwarto nito at hanggang sa narating na nila ang kama ng binata, dahan dahang ipinahiga ni katelyne sa kama si Alvin, at ng makahiga na ang binata at binitawan na ni kate si Alvin dahil nakahiga na ito, at lalabas na din siya, ngunit nabigla siya dahil hinila ni Alvin ang kamay ni katelyne at hanggang sa natumbang padapa si kate kay Alvin..napasigaw si Katelyne sa ginawa ni Alvin, napakabilis ng tibok ng puso ng dalaga, dahil nagkadikit muli ang kanilang mga labi, at amoy ni kate ang alak na ininom ng binata, at si Alvin naman ay masaya siya dahil sa pakiramdam niya ay malaya na siya ngayon, at ang higit na ikinasiya niya ngayon ay kasama niya si Katelyne.
.
Kate : A-alvin, p-punta na ako sa kwarto ko.(nagkakabuhol buhol na pagsasalita niya)
Alvin : No, kate..(at kinabig niya at pinahiga sa tabi niya si kate at nakayakap siya sa dalaga).
.
Nakayakap ng mahigpit si Alvin sa dalaga, at nakalapit pa ang mukha ng binata sa may pisngi ng dalaga, at ramdam naman ni kate ang hangin na hininga ni Alvin na tumatama sa kanyang tenga at pisngi, lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalaga.
.
Kate : Alvin pupunta na ako sa kwarto ko(ulit niyang sabi)
Alvin : I said no! Just stay where you are!!
.
Hindi na lang kumibo si Kate, pinagbigyan na lang niya ang hiling...


ni Alvin, kapag nakatulog na lang daw ang binata ay saka na lang siya aalis sa tabi nito. Ngunit dahil din sa sobrang pagod at puyat ni Katelyne ay nakatulog na din siya sa kwarto ni Alvin, at natulog silang dalawa na magkayakap..panatag na natutulog si Katelyne na katabi si Alvin, lumipas ang magdamag at si Alvin ay nagising siyang may mga ngiti sa kanyang labi dahil pagmulat ng kanyang mga mata ay ang magandang mukha ni katelyne ang nasilayan niya, at inalala ni Alvin ang mga nangyari ng nagdaang gabi, lasing nga siya pero, malinaw naman ang isip niya, alam niyang tinulungan siya ni Katelyne na makapasok sa kanyang kwarto, at alam niya din na hinila niya palapit sa kanya ang dalaga upang makatabi niya itong mahiga, at masaya siya dahil hindi siya nito iniwan, at nanatili ang dalaga sa kanyang tabi ng magdamag, tinititigan niya ang mukha ni katelyne, waring kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ng dalaga, ang mga mata na nakapikit na animoy nakadilat dahil sa mga malalantik na pilik mata, at ang matangos na ilong, at ang mga labi, na kailan lang ay natikman na niya, na parang nasabik siya sa mga halik ng dalaga, parang gusto niya uling matikman ang mga dampi ng mga labing iyon, na hindi na niya malimot-limutan, kinakapa niya sa kanyang damdamin kong ano ba talaga ang nararamdaman niya sa dalaga, at mukhang malinaw sa damdamin niya na umiibig na siya sa dalagang si katelyne, gusto sanang dampian ng halik ni Alvin ang mga labi ni Kate, kaya lang pinigil niya ang sarili, gusto niya kung gagawin niya iyon ay yoong alam ng dalaga, at gusto niya gagawin niya iyon yong talagang may karapatan na siya sa dalaga na halikan ito..at hanggang sa dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap niya kay katelyne at ang pagkakadantay niya sa dalaga, at nagpasya na siyang bumangon, para mag-shower..kinumutan niya si Katelyne bago siya umalis sa kama, at samantalang si katelyne ay tulog na tulog pa ng mga sandaling iyon..at hanggang sa makatapos ng maligo at makapagbihis ang binata ay tulog pa din si katelyne..at bago lumabas si Alvin sa kwarto ay pinagmasdan niyang muli ang si katelyne na himbing na himbing sa pagtulog sa kanyang kama, at ipinangako ni Alvin sa sarili na kailanman ay hinding hindi niya pababayaan ang dalaga..at bumaba na nga si Alvin sa kanyang kwarto at naiwan na si kate na tulog na tulog padin, at nagtungo si Alvin sa kusina at nadatnan niya si Abby na nag-iisip sa may harap ng ref kung ano ang ilulutong almusal, nagulat pa si Abby ng marinig ang amo.
.
Alvin : Good Morning Abby!(malakas na bati niya)
Abby : Ayy kabayo, Good Morning din naman!!(gulat niyang sagot)..ay ikaw pala sir..
Alvin : mukha ba akong kabayo Abby? (nakatawa niya tanong)
Abby : hindi sir, kayo po kasi nang-gugulat..
Alvin : bakit kasi ang lalim ng iniisip mo diyan!
.
Nagtaka si Abby at for the first time ay nag-Good morning sa kanya si Alvin at mukhang maganda ang mood ng kanyang amo ngayon. Di tulad ng mga nagdaang araw na talaga namang, kinaiilagan niya ang among binata dahil sa problemang kinakaharap pero ngayon, maaliwalas at mukhang masaya ang awra ng mukha ng amo.
.
Alvin : ang sabi bakit ba kasi nakatulala ka diyan sa harap ng ref?
Abby : eh sir, nag-iisip ako ng lulutuin ko, hindi ko alam kung ano ang iluluto ko dahil wala na akong mailuluto pala..
Alvin : mamalengke ka na lang abby..may rice na ba tayo?
Abby : opo meron na nakasalang sa rice cooker.
Alvin : sige ako na ang bahala sa breakfast natin, mamalengke ka na..
Abby : magluluto kayo sir?
Alvin : oo naman.
Abby : sigurado kayo sir?
Alvin : oo nga sabi, pumunta ka na sa palengke at ng hindi ka tanghaliin..
Abby : okay po sir!
.
Natutuwa si Abby sa mood ng kanyang amo, sa ilang taon na niyang naninilbihan doon ni minsan ay hindi nagprisintang nagluto ang binatang amo, ngayon lang, at tulad kagabi na nag-hugas ng plato ang amo, noon lang din ginawa ng binata iyon, ah may espekulasyon si Abby na dahil iyon kay Katelyne, kaya masaya si Abby dahil dumating sa buhay ng amo niya ang dalaga..at samantalang si Katelyne ay unti unti ng nagigising sa mga sandaling iyon, at unti unti na siyang nagmumulat ng mata, at ng magmulat ang mga mata ay pakiramdam pa niya ay antok na antok siya, kaya hindi pa siya bumangon sa halip ay bumiling siya sa pagkakahiga at sa isip niya ay maya maya pa siya ng konti babangon, at hanggang sa pumasok sa isipan niya si Alvin, at napabalikwas siya ng bangon dahil naalala niya ay nasa kwarto siya ni Alvin at hindi siya nakalipat sa kwarto niyang tinutulugan, nagdudumali siyang bumagon sa malambot na kama ng binata, kay aga aga ay kabilis ng pintig ng puso niya, na parang tumakbo siya sa bilis ng pintig nito, meron nanaman siyang dahilan para kahiyaan ang binata..nagmadali si Katelyne sa pag-ayos ng kama ng binata tiniklop ni katelyne ng mabilis ang kumot ni Alvin at inayos ang mga unan ng maiayos na niya ay, nagpasya na siyang lumabas, roon at pagbukas niya ng pinto ay hindi niya alam na makakasalubong niya si Alvin doon at nagkabungguan sila ng binata, at dahil sa mabilis ang pagkilos ni Katelyne na papalabas at si Alvin naman ay wala ding kamalayan na agad na lalabas si kate roon sa pinto, nawalang ng panimbang si Alvin at ganun din si Kate, kaya bumagsak na naman sila sa sahig, at sa sobrang pagkabigla ng dalawa ay hindi sila agad nakakilos, si katelyne na nakadagan kay Alvin ay parang naestatwa dahil sa magkalapit na ang kanilang mga mukha, magkahinang ang kanilang mga mata, na waring nag-uusap ang kanilang mga mata, at parang wala ni isa sa kanila na gustong maghiwalay dahil si Alvin ay nakayakap pa ito sa dalaga at si Katelyne naman ay hindi tumitinag na tumayo.
Itutuloy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top