Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 3


Halos namutLa kaming dalawa ni Long sa takot at guLat sa pagbukas ng pinto. Di ko na namalayan kung Paano kameng nakababa ng kapatid ko sa paglalambitin dun sa taas.
“Hahaha, oh ano natakot kayo? “sabi ni Marya na halos maihi na sa katatawa.Siya lang pla ang nagbukas ng pintuan.
“Ikaw ang salbahe mo talaga'” sabi ko dto sabay kurot sa tenga.
“Aray..”sabi neto sabay iyak.
Sakto namang dating ni tita at tito galing bukid. Pinagalitan kameng lahat dahiL nagsumbong agad ang maldeta naming kapatid na kinain namin yung uLam. Di pa nga nailapat ang kanilang mga puwet sa upuang kawayan upang makapagpahinga ay ito na agad ang kanilang maabutan. Maingay dahiL sa iyak ni Marya at agad nilang nalaman na kinain namin ang uLam.Pinangaralan na nman kami ng tito namin habang nsa hapag na kame ng kainan pagkatapos kaming paluing apat. Ang batas kse sa bahay namin dadapa kameng nagkasala sa sahig at papaluin isa isa. Pinalo kame ng sanga ng bayabas na agad kinuha ni tito sa likod bahay dahiL sa galit sa amin kase oo nga nman pagod na sila galing bukid pag uwe nila’y nag aaway pa kami at Halos wala naring natirang uLam dahiL sa kagagawan naming apat.
“Mga anak ‘ wag nyo na tong uulitin hah? Kapag may kunting Grasyang meron tayo ay dapat na paghahati hatian. Sabay sabay sana nating kinain yung uLam para lahat nakatikim”sabi ni tito Kiko
Sabay sabay kameng tumango bilang pagsang ayun sa sinabi nito. Nasa mukha namin ang lubos na pagsisisi sa aming ginawa. Pagod na nga sila ay tanging sabaw nlng ng uLam ang kanilang matitikman. Pero sabi ng tito at tita ko ay naintindihan nman nila kame baka daw kse nagutom na kame at di nakapag antay. Pero sana daw ay wag ng uulitin.
Mabilis lumipas ang araw at ito na yun.. Ang araw ng aming PAGTATAPOS ni Long sa Elementarya. Masayang masaya ang...


tito’tita namin dahiL maliban sa gagraduate na kame ay kasama pa kameng magkakapatid sa may mga Honor. Si Long ang Salutatorian.. Ako naman ang pangatlo at syempre yung anak na nman ng kapitan dito sa aming baryo ang Valedictatorian. Ganun talaga MATALINO sya e. Samantalang si Boboy at second honor sa grade 4 at third nman si Marya sa grade 2.
“Ano ok na ba tong suot ko? “tanong ni tita sa amin na halatang nasa boses ang galak. Sya kse ang aakyat sa entablado para magsabit ng sa amin ng medalya.
“Opo.ang ganda nyo po tita,bagay na bagay po sa inyo ang bulaklaking bestida.” mahabang sagot ni Long dito .
“oh sya Tara na at baka mahuli pa tayo,saka proud na proud ako sa inyo mga anak “sabi pa neto na naluluha.
Masaya at hawak kamay kameng tatlo habang naglalakad patungong plasa..dun kase gaganapin ang seremonya ng aming pagtatapos dahiL wala nmang sariling entablado ang paaralan namin.
Maluha luha kong kinakanta ang Lyrics ng graduation song naming WIND BENEATH MY WINGS habang nakatingin sa tita ko .Inilibot ko ang mata ko at nahagip ng mata ko si tito na nsa labas ng plasa at nakasilip dto sa loob kasama ang mga kaptid ko. Mababakas sa mukha ni tito ang saya. Sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakaproud nga nmang makapagpatapos ka ng mga anak mo sa Elementarya.
“Ang swerte mo sa mga Alaga mo Pare at Mare”
“Nakakaproud kayo naitaguyod nyo sila kahit mahirap ang buhay”
“Congrats mare sana mapangasawa yan ng anak ko ng malahian naman kame ng matatalino”
Mga salitang namumutawi sa bibig ng mga kapitbahay namin. Kahit sila mababakas sa mukha ang saya.
Natapos din ang nakakapagod at napasayang araw..
Magsisimula na ang aming mahabang BAKASYON 🙂
Itutuloy..
CONGRATS NAMAN PO NATiN SI ESANG 🙂
-maiksi lang po itong storyang to kaya sana po wag kayong magsawang magbasa hanggang sa Wakas 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top