Isinulat ni: dhanica
Genre: Horror/ Romance/ Fantasy
Kulang nalamang ay maibato ni Nikko ang kanyang cellphone ng makatangap siya ng mensahe mula kay Elliah. Nobya na mahigit siyam na taon. Napatiim bagang nalamang siya sa nabasa mula dito nakikipag hiwalay ito sa kanya sa hindi niya ma waring dahilan.
“You can’t do this to me babe, diko kayang wala ka sagot niya sa message nito. Sabihin mo ano bang nakakapag pasakal sayo?” tanong niya dito.
Durog na durog ang binata ano pa ba ang hahanapin nito sa isang lalake bukod sa may maayos siyang trabaho bilang architect. Napaka gandang lalake nito, puwede nga ito pang Korean actor kung tutuusin.
Samantalang sa kagubatan na kung saan ando’n ang kaharian ng Agaibah. Isang malamyos na tinig ang maririnig habang kumakanta..
“♪♪♪ Sanay pag-ibig nalang ang isipin ng bawat isa sa Mundo “… Napakaganda ng kanyang tinig wari ba ay nag-aanyaya sa mga lagaslas ng tubig at haplos ng hangin sa bawat nilalang na makakarinig. Siya si Princess Lhyn .
Isang prinsesa na nangangalaga sa kagubatan ng Merindia, siya ang naatasan ng haring si Ezikuz na mangalaga mula sa kaharian ng Agaiba.
“Napaka lamig talaga ng iyong tinig , tila ako pinaghehele sa tuwing naririnig ko ang iyong boses Prinsesa Lhyn, sabi ni Anaya ang prinsesa ng mga hangin.
“Salamat prinsesa Anaya, tanging ito lamang ang aking magagawa sa ngayon upang mapangalagaan ang mga puno na aking nasasakupan.
Gumaralgal ang kanyang tinig. Mahal na mahal niya ang lugar na ito sapagkat dito na nabuo ang mga ala-ala nung siya ay musmos palamang. Kay sayang pag-masdan ng mga ibon na malayang lumilipad kasama ng mga paru-paru.
Mga punong kahoy hitik sa bunga , isama mo na ang mga halamang tumutubo lamang sa paligid ngunit may kaaya-ayang mga bulaklak na humahalimuyak sa tuwing itoy masasamyo.
Si prinsesa Lhyn ay may mahiwagang tinig na kung saan ito ang kanyang kapangyarihan para itaboy ang sino mang mangahas na pumutol sa mga naglalakihang puno. Ang mga ugat ng puno ay nagiging galamay para mapigilan ang pangahas na tao na wasakin ang kagubatan..
Hindi lamang ito ang kakayahan ng prinsesa. Kaya din niyang magtawag ng apoy sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang malamyos na boses.
Samantalang nakakailang bote ng red label si Nikko. Para bang hindi siya nalalasing habang pinakikinggan ang mga bandang tumutugtog sa Land slide sa kenon.
Pasuray-suray siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Lasing na siya oo pero kaya pa naman niyang mag manehong pauwi. Nang makarating sa bahay, ibinagsak niya ang katawan sa kama. Hinayaan niyang magapo siya ng antok di na niya na magawang magpalit ng damit.
Sa kalalaliman ng gabi biglang nagising si Nikko wari ba ay may nang gising sakanya. Nakarinig siya ng mga hagikgik na animo’y naghaharutan. Pilit niyang dinidilat ang kanyang mga mata. Hindi ba niya alam kung nanaginip ba siya o dala lamang nang kalasingan.
Dahil may nakita siya dalawang bata na naglalaro sa kanyang harapan. Ngunit hindi ito typical na bata ‘pagkat mababanaag dito ang mga sungay na wari ba ay sa isang demonyo. Nakita niyang tumalon ang Isa sa kama niya at tila unti-unti pang nilalapit nito ang mukha sakanya. Napabalikawas ng bangon si Nikko. Dali-dali niyang binuksan ang ilaw. Ngunit– wala ang kanina lamang ay dalawang batang naglalaro sa kanyang harapan.
Napasabunot pa si Nikko sa kanyang buhok, dala lamang ba iyon ng pagkalango niya sa alak? Maya-maya ay nakadinig nanaman siya ng isang hagikgik palakas ito ng palakas. Kinilabutan siya kaya napabangon ang binata. Naisip niya baka dala lamang ito ng hallucination dahil lango siya sa alak.
Bumangon siya para uminom ng tubig. Pero kita niya na may tao sa harap ng ref. Nagulat siya dahil pigura ng isang lalake ang andito. Nakahubad ito na wari ba ay nangingislap pa ang buo nitong katawan dahil sa tila langis na nasa katawan nito.
“Who the hell are you?” mariing tanong niya dito.
Nagulantang si Nikko ng humarap ito sakanya. Dahil mukha niya ang nakita niya dito. Nakangisi pa ito sakanya ng humarap. Nanlilisik ang mga mata. Napaurong si Nikko. Dala na marahil ito ng kanyang stress ang dami na niyang nakikita na hindi kanais-nais.
Marahil ay tama nga sila kailangan na siguro niya mag relax dahil wari ba’y nasosobrahan na siya ng stress dahil sa nangyari sakanila ni Elliah. Sa takot naibato ni Nikko ang baso na nahawakan niya. Bumagsak lamang ito sa sahig at nabasag. Ang kaninang tao na kawangis niya ay nawala na parang bula.
Dali-dali siyang kumuha ng tubig at muling bumalik sa kuwarto. Palaisipan parin sakanya hanggang ngayon ang pangyayaring nakita. For 27 years of existing sa mundo ngayon lang siya pinagpakitaan ng multo. At hindi pa basta multo kundi isang demonyo.
Nakaupo siya sa may kama ng may marinig na iyak ng isang babae at kasabay ng isang mahinang bulong sa kanyang tenga. Malamyos ngunit tila may diin sa pagkakabigkas ng isang pangalan na hindi pamilyar sakanya.
“Luscious…..” dinig niya sa punong tenga na nag-paangat ng kanyang ulo.
“Stop ruining my night, and get the hell out of here!” sigaw niya kasabay ng pagtalukbong sa kumot. Grabe na ang lala ng nangyayari sa kanya kaya isang plano ang pinasya niya. Mag tatake siya ng leave sa office at kailangan muna niya i-relax din ang sarili. Babalik siya sa dating ginagawa. Dati kasi pag na i-stress sya mountain climbing at hiking lang sapat na.
Hindi na niya muling narinig ang tinig, sa tanang buhay niya ngayon lamang siya kinilabutan ng ganito. Nakatulugan na niya ang pag-iisip. Bukas na bukas din tutungo siya sa kagubatan ng Merindia kung saan makikita ang “Mount Binibini”.
Tinawag itong mount Binibini dahil sa napakagandang korte nito, na animo’y kay gandang dilag. Kinabukas tumawag siya sa kaibigang si Miguel para sabihin na mag le-leave siya kasosyo at Engineer sa Construction Firm na business nila.
Dala ang sports car na pula tinungo nga niya ang Merindia para sa gagawing hiking at mountain climbing. Mas pinili niyang mapag isa dahil ayaw niya ni isa mang mag usisa nanaman sa nangyari sakanila ni Elliah. He was so damn tired of the issue infact he want to escape sa stressed dala ng pangyayari.
Si Princess Lhyn ng mga oras na iyon ay may naamoy na kakaiba. Dama niya ang prisensya ng malakas na awra. Hindi nga siya nagkamali ng magsalita siya ay lumabas ang isang nilalang na kung iyong susuriin at mukhang demonyo. May sungay ito at buntut. Kulay itim na mata at mahahabang kuko may matulis na noo at maitim ding labi.
Siya ay si Froyeda ang prinsesa ng mga Ogaydo ang kaharian ng mga itim ng engkanto na may kasamaan na tulad ng sa demonyo.
” Balang araw Princess Lhyn ay mapapasaakin ang buong kahariang ito. Lalo na pag bumalik na si Luis…,” Hindi na naituloy ni Froyeda ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Princess Lhyn.
“Hindi mangyayari ang nais mo, Froyeda!” malakas ang loob na sabi niya dito.
“Namnamin mo na ang katagang iyan, dahil ang kaharian kong Ogaydo ang siya lamang kikilalanin na kaharian sa mundo ng mga Engkanto at diwata!” Humalakhak pang turan nito.
Naisip ni Princess Lhyn na wag nalamang itong patulan kay tagal ng panahon nitong sinasabi iyon ngunit wala paring nangyayari. Isa pa matagal ng may alitan ang dalawang kaharian. Hindi lang sa malupit na tao prinoproktektahan ni princess Lhyn ang kagubatang ito maging sa lupit ni Froyeda at ng buong Ogaydo.
Sa mundo ng mga Engkanto may dalawang panig na kung tawagin ay zembua, ang zembua ay ang mga mabubuting engkanto at diwata na taga bantay ng kalikasan. Nagiging mapag parusa lamang ang mga ito dahil narin sa kagagawan ng mga tao. At ang Zibao ang itim na elemento ng lupa na walang ibang nais kundi ang maghari sa ibabaw ng mundo.
Sa wakas nakarating na din si Nikko sa bamboo forest, kay lamig ng simoy ng hangin. Ramdam niya ang tila hamog pa ng dumampi ito sa sakanyang balat. Walang kamalay-malay ang binata na isang nilalang ang nakamasid sakanya. Matapos ayusin ang tent na gagamitin sa pagtulog. Umupo sandali ang binata.
Nakarinig siya ng mga ibon na wari ba ay kumakanta. kasabay ng isang tinig na sa ganda ay tila pinaghehele siya. It was just a humming pero tila nadadala siya sa bawat bigkas nito ng tono.
“Saan galing ang tinig na iyon?” wika niya animo’y kinakausap ang sarili. luminga linga ang binata. Ngunit wala siyang nakita na kahit na sinong tao.
Samantalang ang isang nilalang na kanina pa nakamasid sakanya ay walang pagsidlang sa kaligayahan.
“Andito ka, hindi mo ako binigo.” bigkas nito na wari pa ay yakap ang sarili.
Hindi naman nakatiis si Nikko kung kaya’t hinanap nito ang pinagmumulan ng tinig. Tila kay sarap sa pandinig ng boses na iyon. Isang makulay na paru-paru ang tila naging gabay ni Nikko. Ang kaninang iisa lamang ngayon ay dumadami ng paru-paru.
Namangha naman si Nikko ng masilayan ang tila parisong ito. Kay gandang nga bulaklak Sapa na kay linis at linaw. Nagtaka siya ngayon lamang niya nasilayan ang ganitong kagandang tanawin. Tumambad din sa kanyang harapan ang Isang babe na tila isang Diyosa sa ganda. May pak-pak ito na animo’y isang anghel. May magandang kutis, mapilantik na pilik mata, matangos na ilong. Nakasuot ito ng puting-puting kasuotan.
Tila naman naramdaman ni Princess Lhyn ang kakaibang presenya kung kaya’t napaangat siya ng tingin. At nagulat siya isang tao. At hindi lang basta tao may napaka guwapo nitong mukha na tila nahihipnotismo siya sa pag-kakatitig dito.
“God you are so beautiful!” bulalas ni Nikko sa prinsesa.
“Sino ka, bakit nakikita mo...
I believe you have produced a few rather interesting points. Not as well many others would really think about it the direction you just did. I am really impressed that there is so much about this subject that has been unveiled and you did it so nicely, with so considerably class. Brilliant one, man! Very fantastic things right here.