KULAM


Si Aling Nena ay may-ari ng isang sari-sari store. Madaming naiinis sa kanya dahil na rin sa gaspang ng ugali nito lalo na paghinihiya nya ang mga umuutang sa tindahan nya.
Dumating yung araw na nanghina ang katawan niya at nangayayat siya. Ang sabi ng mga doktor simpleng lagnat na naging sanhi ng loss of appetite lamang ang karamdaman niya. Pero nagulat sya ng may maramdaman siyang kakaiba sa katawan nya. May mga pinagbalatan ng itlog at bahay ng suso ang tae nya. Hindi nadin sya gaanong nakakalakad dahil sa pagmamanhid ng paa nya.
Nang dahil doon, minabuti ni Aling Nena na pumunta sa albularyo. Sakay ng tricycle na minamaneho ng asawa nya, nagtungo sila sa bundok kung saan matatagpuan ang albularyo. Nahirapang paakyatin ng kanyang mister ang tricycle nila sa bundok, parang mabigat gayong 2 lang silang nakasakay doon.
Nang marating nila ang bahay ng albularyo. Laking gulat nila sa bungad ng albularyo.
“Bakit ang dami niyong nakasakay sa tricycle?” Gayong dadalawa lang naman silang sakay ng tricycle.
“May dalawang itim na demonyong nakaangkas sa likod ng nagmaneho at 2 pulang demonyo sa loob ng tricycle ang kasabay niyo.” dagdag pa niya. Kinilabutan ang mag-asawa.
Gumawa ng orasyon ang albularyo at kinuha ang takuring may tubig na kakukulo lang at binuhos sa paa ni Aling Nena. Ni hindi man lang nalapnos ang balat ni Aling Nena ni mapaso. Ipinaliwanag ng albularyo na inilagay ng mangkukulam ang paa ng manika niya sa freezer kung kayat namanhid ang paa ni Aling...


Nena.
Bago umalis ang mag-asawa, pinangako ng albularyo na lalabanan niya ang kulam kay Aling Nena at binigyan siya ng itim na sinulid.
Pagkauwi sa bahay nila, minabuti ng magasawa na matulog na. Nagising si Aling Nena ng madaling araw at kitang-kita niya ang mga demonyong sinabi ng albularyo, pilit na lumalapit sa kanya. Pinihit ni Aling Nena ang sinulid na bigay ng albularyo at biglang nawala ang mga demonyo at biglang may pusa ang waring nasaktan, ang nagingay sa labas.
Unti-unting gumaling si Aling Nena, at nang gumaling siyang lubusan ay pinili nilang magasawa na tumira na lamang sa bahay ng anak nila sa Maynila.
Si Aling Pasing naman na kapitbahay nila Aling Nena ay kinakitaan ng panghihina ng katawan. Ang sabi-sabi sya daw yung mangkukulam. At kapag gumaling ang kinulam, lahat ng hirap at sakit niya ay babalik sa nangkulam. Sabi din nila na apoy ang makakapatay sa mangkukulam o kaya naman ay kapag naipasa niya na ang kanyang kapangyarihan sa kamag-anak bago mamayapa.
Iniuwi si Aling Pasing sa karatig baryo at nabalitaan na lamang ng mga tao na namatay na raw siya. At nalaman nila na babalik sa dati niyang bahay ang kaisaisang anak na babae.
Bago pa makapasok nang tuluyan ang kanyang anak sa baryo ay nagtipun tipon ang mga tao at pinatay nila ito. Tinali nila sa puno ang katawan at tsaka sinunog.
Hanggang ngayon na malaki na ako ay palaisipan parin kung totoo o gawa-gawa lang ito.
The end…
(Not true story)






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top