Inabala ni Abby ang sarili, sa pag aasikaso ng bahay, sinusulit niya ang pagtatrabaho sa buong bahay, dahil kapag may pasok siya ay hindi na niya magawa ang mga trabaho niya sa bahay ni Alvin, halos Buong bahay ay halughugin niya sa pagkakalkal ng mga dumi pati na ang buong bakura, ang garden ay nilinis niya.
.
Jessa : Abby, magpahinga ka naman ah, kanina ka pang madaling araw nagtatrabaho. Heto at pinagdala kita ng meryenda mo.
Abby : ate Jessa hindi pa ako pagod, tatapusin ko lang ang paglilinis dito sa Garden, kasi mukha ng malungkot yong mga halaman, wala na daw nagmamahal sa kanila, kahit halaman may mga damdamin din yan, kailangan din nila ng pagmamahal, gaya ng tao! Kay itong mga halaman na ito ay parang ako lang, walang nagmamahal, may minamahal pero hindi ako mahal..
.
Vince : Love!!
.
Natigilan si Abby ng marinig niya ang boses ni Vince, biglang lumakas ang tibok ng puso niya, at Hanggang sa dahan dahan niyang nilinhon ito.
.
Vince : hi Love!
.
Parang natutunaw na naman si Abby sa mga ngiting iyon ni Vince, at hindi niya alam ang gagawin, natataranta siya dahil papalapit ng palapit na sa kanya si Vince, at hindi lang daga ang naghahabulan sa kanyang dibdib kundi, mga 10 o higit pang mga kabayong nagkakarera, lalo na nong sobrang lapit na ni Vince sa kanya, at hanggan sa Bigla na siyang niyakap nito, na parang huminto ang mundo ni Abby, dahil nakakulong siya sa mga bisig ng kaibigan, ramdam niya ang matigas na katawan ng ni Vince at amoy ang mabangong pabango nito na nagpapahibang sa kanyang katauhan, at samantalang siya ay tagaktak ng pawis, maasim ang amoy, bigla niyang itinulak si Vince.
.
Abby : Vince, huwag mo akong yakapin!
Vince : Sorry namiss kita eh.
.
Nag init ang mga pisngi ni Abby sa sinabi ni Vince, pakiramdam talaga ay namumula ang mga pisngi niya kaya ikinubli niya iyon kay Vince, mabilis siyang tumalikod kay Vince at nagkunwaring ipinagpapatuloy ang ginagawang pagbubungkal sa mga lupa sa halaman..ngunit nagulat si Abby dahil mula sa likod niya ay niyakap siya ni Vince, dahil dun ay isang libong boltaheng kuryente ang naramdaman ni Abby, parang gusto niyang mangisay sa kilig na nararamdaman, ngunit mabilis siyang umiwas kay Vince.
.
Abby : baklang to, bakit ka ba nangyayakap!!!(pabiro niyang sabi)
Vince : bakit masama ba na yakapin ko ang love ko.
.
At akmang lalapit kay Abby.
.
Abby : hoy bruha ka, wala tayo sa bahay nio, wala yong papa mo dito kaya hindi natin kailangang maging sweet, at saka ang baho baho ko, dahil kanina pa ako nagtatrabaho, alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako at nagsimula na akong magtrabaho at ngayon pasado alauna na nadito pa din ako nagtatrabaho, sobrang baho ko na!!!(gigil niyang sabi)
.
Vince : Love hindi ka mabaho, sa katunayan ang sarap amuyin ng pawis mo!!
.
Nagtutumili si Abby sa isip niya dahil kilig na kilig siya sa sinasabi ni Vince, pinakalma ni Abby ang puso, dahil sa labis na pagkataranta niya, dahil papalapit na naman si Vince sa kanya.
.
Vince : Love, kailangan na nating magsanay na maging sweet, para hindi tayo magkailangan.
Abby : Ah ganun ba.
Vince : oo love.
Abby : bakla ka hinahamon mo talaga ako ha(sa isip)
.
Pinatatag ni Abby ang sarili, lumapit na din siya kay Vince at Hinawakan ng maruming kamay ni Abby ang pisngi ni Vince.
.
Abby : Hoy, kung akala mo hindi ko kayang gawin yong sinasabi mo, nagkakamali ka, dahil baka magulat ka sa gagawin ko sayo bakla!!
.
Kinabig palapit ni Vince si Abby at ngayon ay konti na lang ang pagitan nila, napalunok si Abby dahil ang lapit na ng mukha nila sa isat isa.
.
Abby : Baklang to!!
Vibce : huwag mong sabihin yan kundi hahalikan kita.
.
Sunod sunod ang paglunok ng laway ni Abby sa sinabi ni Vince, parang gustong himatayin ni Abby ng mga sandaling iyon sa sobrang kilig, pakiramdam niya ay nawawala ang mga paa niya parang nakalutang siya sa ere, ngunit pinatatag ni abby ang sarili, nakipaglabanan siya ng titigan kay Vince..
.
Abby : Bakit kaya mo akong halikan eh bakla ka!!
.
Wala nang salita si Vince, dinampian na nito ng halik si Abby, si Abby ay parang umiikot ang mundo sa mga sandaling iyon, wala na talaga siyang lakas, tanging kay Vince lang siya kumakapit, hindi siya makagalaw, hindi siya humihinga dahil ngayon ay magkalapat ang kanilang mga labi, parang huminto ang mundo nila Abby at Vince, Parang nagkaroon sila ng sariling mundo, at sa mga tagpong iyon ay nagulantang ang dalawa dahil sa Boses ni Alvin.
.
Alvin : Abby, Vince!!!
.
Mabiis na naghiwalay sina Abby at Vince, parehas silang natataranta, si Abby ay parang gusto na niyang lumubog sa kitatayuan niya at ganun din si Vince, ano na naman daw ang nasa isip niya at bakit hinalikan niya si Abby.
.
Alvin : magpaliwanag kayo sakin, ano yong ginagawa ninyo ha Abby!!(malakas na sabi ni Alvin)
Abby : Ay sir, naghahalikan po!!(gulat niyang sagot)
.
Hiyang hiya si Abby, di siya makatingin kay Alvin, at ganun din si Vince, nahiling ni Abby na sana sa mga oras na iyon ay maglaho na siya, parang gusto na niyang sa ibang planeta manirahan, at ganun din si Vince, parehas sila ng nasa isip!
.
Alvin : Naghahalikan! Vince ipaliwanag mo bakit naghahalikan kayo ni Abby?
.
Bakas din sa mukha ni Alvin ang pagkagulat, sino nga ba naman kasi ang hindi magugulat na makita na hinahalikan ni Vince si Abby eh si daw ay isang bakla, paanong nagyari daw yun.
.
Alvin : hindi ba kayo magsasalita ha Abby, Vince!!
.
Si Alvin ay kapatid na ang turing niya kay Abby kaya ganun na lang ang concern niya dito, ngunit parang umurong ang dila ng dalawa.
.
Alvin : ipaliwanag ninyo sakin kung bakit kayo naghahalikan!!
Vince : Nagmamahalan kami Alvin.
Alvin : Ano?(gulat na sabi)
Vince : Mahal ko si Abby Alvin.
.
Natigilan si Alvin sa sinabi ni Vince, si Abby din ay parang huminto ang mundo niya ng marinig ang sinabi ni Vince na mahal siya nito, kay sarap daw sa kanyang pandinig ang katagang “Mahal ko si Abby”
.
Alvin : paanong nangyari yun Vince eh isa kang—
Vince : hindi ko din alam basta nangyari yong hindi ko akalain na mangyayari, basta naramdaman ko na lang na mahal ko siya.
.
Masarap sa pandinig ni Abby ang mga sinasabi ni Vince kaya parang gustong maiyak sa sobrang saya, ngunit ang isipin
na iyon ay parte lamang ng kanilang pagpapanggap, lungkot ang kanyang nadarama.
.
Alvin : Pero Vince, ikaw ay-
.
Di na tinuloy ni Alvin ang sasabihin dahil naroon si Kate.
.
Kate : Sweetie, lahat ng tao pwedeng magbago, hindi porke bakla ay hindi na pwedeng umibig si Vince, paano kong si Abby ang nagpabago sa pagkatao ni Vince, at si Abby naman dahil sa mabuait at mabuting tao si Vince ay natutunan niyang mahalin, kaya suportahan...