THAT MAFIA IS THE FATHER OF MY SON CHAPTER 09 – 10


THAT MAFIA IS THE FATHER OF MY SON
CHAPTER 09 – 10
SARAH PORTUGAL’ POV
Tatlong araw na ang nakalipas na namamalagi rito si Sir Damion. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko tuwing kasama ko siya ay walang oras na magiging masaya ako kasama siya. Kahit na hindi niya ako nalalapitan at nahahawakan dahil sa anak ko ay ayos lang ang importante kasama ko siya ay sapat na.
Pakiramdam ko nakikipagkontesan tong dalawa pag meron kasi si Damion talagang bantay sarado siya sa akin. Hindi ko maiwasan na mapatawa na lang ako minsan. Saka na lang siya hindi magpapakarga kung wala na si Sir Damion. Pag si Sir Damion ay pakiramdam ko siya pa tong mas matalinong mag isip ng paraan upang malapitan niya ako. Ako na rin tong nabibiktima dahil nakikilig ako Boss ko.
Yung tipong sinasabi nitong uuwi na at ipapaalam niya sa aming harapan na hindi na siya magtatagal pero baliktad naman. Kundi may plinaplano pala si Sir Damion para malusutan niya ang anak ko.
Alam niyo ginagawa niya daig mo pang akyat bahay gang o akyat bintana na sinasabi niya. Gusto niya lang ako masolo kasamang matulog sa gabi. Laging hinahagkan, yinayakap habang natutulog. Pero minsan hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Minsan sumisikip ang dibdib ko dahil pag time na maiwan nito ang phone niya ay may natataggap itong mensahe at ako pa mismong makakita. Na tinatawag itong babe ang babaeng nagmemessage sa kanya.
May girlfriend ba siyang hindi ko nalalaman, o may tinatago siya sa akin. O kung hindi napaparanoid na rin ako minsan kasi hindi ko alam kung ano ba ako sa kanya, posible bang ginagawa lamang niya akong babae niya. At ako lamang ang may gusto sa kanya at ako lang yung dakilang umaasa para sa kanya.
O kung hindi dala lang sa init ng katawan o panlipas ng oras kahit kunting katiting sa puso niya ay wala siyang gusto sa akin. Para akong tinamaan ng libo libong kutsilyo sa puso ko hindi ko kasi siya matansya paiba iba ang mood. Nagiging seryoso, malamig sa akin. Pero minsan ay hindi na siya nagiging sweet sa akin.
Sino ba naman ako para quetionin siya empleyado lang naman niya ako at isa pa boss ko siya at wala rin ako karaptan para magselos dahil wala naman kaming lebel sa isat isa.
Napabuntong hininga na lamang ako at winaksi ang aking mga iniisip marami pa akong dapat tapusin na trabaho at may dapat pa akong iencode. Saglit akong natigilan ng may mga babaeng lumapit sa akin at may tatlong lalakeng sa gilid ko. Medyo kinabahan naman ako lalo seryoso silang nakatingin sa akin. My heart is pounding at hindi maiwasang mapalunok dahil sa mga titig nila sa akin.
Napayuko na lamang ako, I bite my lower lips dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Diba ikaw ang New secretary ni Sir Damion I’m right??” Ani nung mahaba ang buhok.
“Yes Ma’am ” nakayukong komento ko.
“By the way I’m Clara” masayang sambit nito. Nabigla naman ako ng bumait ang boses nito buong akala ko ay pagsusungitan niya ako yun pala hindi.
“Hey, are you OK??” Tanong niya.
“Ikaw naman kasi Clara tinatakot mo pa kasi si Miss Pretty” angil nito ng maiksi ang buhok nito. Napaangat naman ako ng tingin sa kanila sa harapan ko. Nakita ko lamang ang bahagyang pagikot ng mata nung Clara.
“Muka ba akong masungit at nagmumukang multo Clarrise” anang nito.
“Bakit may sinasabi ba ako” komento naman nung Clarrise.
“Tama na nga yan para kayong mga asot pusa diyan” suway nito ang kulot ang buhok habang nakapamewang ito sa harapan ng dalawa. Napakamot na lamang ako sa ulo. Mukang hindi naman masusungit ang kaharap ko naaalala ko tuloy ng mga kaibigan ko nung College pa ako ganyan rin sila.
Kaso lahat dila pumunta ng abroad, nalulungkot ako tuloy. Namimiss ko tuloy ang mga kakulitan, asaran at tawanan nila.
“Hi by the way I’m Aika pasensyahan mo na mga yan huh sadyang may mga tupak lang ang mga isipan ng kaibigan ko” nakangiting ani sa akin ni Aika, isa itong chinita girl at may katatamang haba ang buhok na kulot ang dulo ng buhok nito.
“Hello, I’m S-sarah..Sarah Portugal” nahihiya kong komento.
“Nice to meet you, Sarah I’m Aika Liyao I’m half Chinese half Filipino” nakangiti nitong pagpapakilala sa kanyang sarili kaya pala malachinese ang muka nito. Parang familiar siya sa akin.
“Parang nakita na kita A-Aika” hindi ko siguradong sagot. Ngumiti lamang siya sa akin.
“Same rin parang nakita na rin kita dati with Kevin sa isang event nung birthday niya” nakangiting ani nito. Ow naalala ko nga so siya yun.
“Yeah finnaly I remembered you…so kaan…”
“I’m his Fiance kakarating lang namin nung isang araw. So ikaw pala yung sinasabi niya girlbestfriend niya” nakangiting aniya. Napatango naman ako.
“By the way this is Lucas girlfriend si Clara Clarkson.. Steven’s girlfriend si Clarisse Bautista,Drake’s girlfriend si Megan Clarkson yung nagbabasa ng libro pinsan yan ni Clara. At yun si Trixie Samonte ex girlfriend ni Jade pasensyahan mo na medyo may pagka cold niyan babaero kasi yang si Jade sarap hampasin ng palayok yung kapatid ko” mahabang lintanya ni Aika.
“So we ghost here” tikhim ang nung nasa gilid ko.
“Oh nandyan pala kayo” panbibiro ni Aika.
“Magsalamin ka nga ate” anang naman nung mukang Chinese rin.
“O I’m just kidding” Aika.
“So eto si Alien Liyao este Allen pala may twin brother” napatingin naman ako sa tinatawag nitong kambal niya na matalim na tinitingnan si Aika.
“And by the way remembered him Lance Collins” sabay turo nung nasa gitna. At nakangisi pa ito.
“Alam mo my Cru…”
“Shut up Cous!!” Singhal nito ni Lance.
“Oh sorry tukmol” nakakalokong ani nito.
“And also Lexus Madrigal my best friend” nakangiting ani nito.
“Parang may kamukhang kamukha ka Sarah” nangulumbabang tumingin sa akin parang sinusuri nito ang aking muka. Kamukhang kamukha parang seryoso siya sa mga sinasabi nito.
“Never mind” bawi nito.
“So we friends its ok to you” nakangiti niyang ani.
Wala naman siguro masama kung makikipag kaibigan ako sa kanila dahil mukang mababait naman sila saka karelasyon siya ng mga kaibigan ni Sir Damion maliban lang sa isa na ex ni Sir Jade.
Nakangiti naman akong ngumiti medyo nahihiya pa rin ako dahil ang gagara nila mayaman rin naman kami kaso mas mayaman sila.
“Don’t be shy Sarah hindi kami masusungit mababait kami kaya no problem basta loyal ka lang samin” nakangiting ani nito. Medyo gumaan naman ang dibdib ko dahil lahat sila ay matamis na nakangiti sa akin.
“So break na tayo gutom na ako Aika, ang tagal naman kasi yung mga tukmol na mga yun” naiinip na turan ni Clara.


/> ” Baka kung ano na namang kalokohang ginagawa mga nun baka babae na naman ang tinatarget nila hay naku mapuputulan ko talaga si Lucas” dagdag pa ni Clara. Nagsitawanan naman sila maliban sa akin dahil may kailangan pa akong tinatapos saka may dinadala pa akong bigat na dinadala.
“Hey huwag masyadong stress Sarah don’t worry nagtratrabaho rin naman kami rito may pare pareho tayong ginagawa, kaya relax ka lang” nakangiting ani ni Clarrise, magsasalita pa sana ako ng isinara niya ang laptop ko saka walang pasabing hinila niya ako.
Wala na akong nagawa kundi pagpahila, nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang alok nila baka sabihin pa nilang Napaka OA ko masyado.
Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami ng Cafeteria. Nagsiupuan naman kaming lahat tumabi sa akin si Aika at Lance sakin bale napagitnahan nila ako.
“So treat ko na huh” nakangiting ani ni Clarrise.
“Wow much money, Sis.” Natatawang ani nito ni Clara.
“Hi I’m Lance” sabay lahad nito ang kamay niya sa akin, inabot ko naman iyon ayaw ko namang magmukang bastos kaya nakipagshakehands na ako sa kanya.
“Sarah” ngiting ani ko. Biglang sumagi sa isipan ko na siya pala yung kasama noon ni Aika sa event na iyon mukang mabait naman siya wala namang anumang bakas sa muka nito na kakaiba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mahagip ko ang dalawang papasok rito sa cafeteria.
Biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng masilayan kong nakangiti ito sa babae at yung babae naman nakaangkala sa braso ni Sir Damion. Agad tumulo ang butil ng luha ko sa aking pisngi saka agad akong napaiwas ng tingin. Ano bang nangyayari kung kelan lang nung napakasweet lang niya sa akin ngayon parang bigla naman ata nagbago ang isip niya. Parang gusto ako na lang umalis rito parang hindi ko na kaya tong nakikita ko.
“Hey why are you crying??”
May nagawa ba akong mali na ikinabago ng isip niya, kaya parang wala na siya sa akin parang wala lang sa kanya yung nangyari sa akin. Bakit may mali ba sa akin, wala naman akong ibang ginawa huh kundi nagmahal lang naman ako pero bakit nahantong sa ganito.
“Sarah” biglang may humawak sa magkabilang pisngi ko at si Lance yun. Nagtataka siya siguro kung bakit ako umiiyak. Pinahid naman niya ang luha sa mga pisngi ko.
“Hey what’s wrong??, may masama ba akong nasabi” nagtatakang tanong nito ni Lance.
Biglang tumaas ang balahibo ko nang makita ko sa peripheral vision ko ang mga matatalim na tingin na nakatingin sa gawi namin. Nagulanta na lamang kami ng may malakas na hampas na narinig namin.
Agad naman akong kinalibutan ng makita ko ang kakaibang galit sa muka ni Sir Damion halos gusto na niyang pumatay ng tao kung maari. Mabilis na humakbang palapit sa gawi namin si Sir Damion.
“Hala si Damion pala humampas sa lamesa, ano kayang problema nung tukmol na yan” rinig kong anas ni Clara.
Mahigpit na hinawakan ni Sir Damion ang kuwelyo ni Lance at galit na galit ito ako naman tong kinabahan.
“Damion” pigil ni Aika rito.
“How dare you to touch, what is mine” nanggagalaiting ani ni ni Sir Damion.
“What are you talking about Mr. Damion” Lance.
“Cousin, what the hell are you doing. Are you insane” angil ni Clara.
“None of your business” singhal ni Sir Damion.
“Damion please bitawan mo ang pinsan ko” pakiusap ni Aika.
“Fine, you I’m warned you don’t you dare to touch Sarah” seryosong ani ni Sir Damion. Agad na lumapit sa akin si Sir Damion saka hinigit ang aking braso ng napakahigpit naigik naman ako ng malakas niya akong hinila upang lumabas ng Cafeteria.
Narinig ko naman ang sigawan nila. Ngunit seryoso lamang na humahakbang si Sir Damion. Sakit na rin ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.
“Damion, babe what’s going on” malanding turan nung babae kay Damion. Mas lalong kumirot ang puso ko ng narinig ko ang tawag nung babae kay Sir Damion. Hindi lamang siya pinansin ni Sir Damion bagkus na patuloy pa rin siyang humakbang para makalabas na kami ng Cafeteria.
Agad niya akong dinala sa parking lot at ipinasok sa loob ng kotse sa front seat at pabalang na isinara nito ang pinto. Kaya nagulat ako, agad na ring pumasok si Sir Damion sa driver seat.
“What do you think what are you doing” seryosong tanung nito sa akin. Saka napasuntok siya sa manubela. Ako naman tong napapikit dahil sa takot.
Hindi ko maalintana kung anong nangyayari hindi ko siya maintindihan. Bakit ba niya akong ginaganito ng gayong kasama niya yung babaeng yun, hindi lamang ako sumagot dahil pakiramdam ko para umuurong yung dila ko dahil sa takot. Biglang pinaandar nito ang kotse nito. At mabilis niyang pinaandar. Nanatili pa ring seryoso ang tingin nito pero nakapukos ito sa kalasada.
Teka saan niya ako dadalhin, anong gagawin sa akin ni Sir Damion. Kinakabahan na rin ako, napatingin ako sa kanya at tumingin ako na puno ng pagtataka.
“S-sir Damion saan po tayo pupunta, saan niyo ako dadalhin” kinakabahan kong tanong but he did not respond he seriously drived his Car. Kumirot naman ang puso ko dahil hindi niya ako pinansin.
Wala na akong nagawa kundi tumingin na lamang ako sa may bintana. Sana nga wala siyang gagawin na kahit ano man. Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na rin ang kotse. Kaya napalibot ako ng tingin at may nakita akong plane.
Teka anong ginagawa namin rito, anong ibig sabihin nito. Binuksan na ni Sir Damion ang pintuan ng kotse sa tapat ko.
“Sir ano pong ginagawa natin rito” hindi ko mapigilang maitanong ngunit seryoso lamang ito nakatingin sa akin. Bakit ba ayaw niyang sumagot. Hihilain na sana niya ako ng nagmatigas akong hindi magpahila. Napamura naman siya, nagulat ako ng buhatin niya ako ng parang sakong bigas at malakas nitong sinara ang pinto
“Good morning Master” magalang na bati ng mga nakatuxido para siyang Men in Black.
Hindi lamang nito pinansin bagkus na pumasok lang siya sa loob ng plane. Pagkakaalam ko private plane ito.
“Saan po ang punta natin Master”
“Canada” malamig na sagot ni Sir Damion. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko teka napakalayo nun, bakit niya ako dadalhin roon anong balak niyang gawin sa akin.
“Sir bakit po tayo pupunta ng Canada, pano na si Grey tiyak na hahanapin ako ng anak ko”
“Don’t worry ako nang bahala kausapin ang iyong ama” sabay uminom ito ng wine.
“Sir ano po kasing gagawin natin sa Canada”
“Stop asking you just wait” seryosong ani nito. Wala na lamang ako nagawa kundi itikom ang bibig ko baka mas lalong magalit pa siya sa akin…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top