BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 3


ASHARI JENESSE S. FERELL’S POV
“Para ka namang kinakatay na baboy! Hoy chanak tumahan ka na kung ayaw mong ipakain ko sa’yo ‘tong sabon.” ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong sabon.
At lalo pa ngang umiyak ang chanak!
Mula ng ipasok ko siya dito sa CR, hindi na siya tumigil sa kakapalahaw ng iyak. Ano bang problema ng uhugin na’to?
Kinuha ko ang tabo na may tubig. Bubuhusan ko na siya kahit hindi pa natatanggal yung damit na suot niya.
Duh, ayokong humawak ng damit na may labak noh.
Ng makita niya ang tabo na puno ng tubig, lalo pa niyang nilakasan ang iyak.
Anak ng chanak naman oh!
“Pusa ka ba ha? Takot na takot ka sa tubig?” inis na ibinalik ko ang tabo sa timba. “Diyan ka lang, may kukunin lang ako! Huwag mo kong susundan ha.” iniwan ko siya na naka-upo sa bangkito sa CR.
Di kagandahan CR namin, saktong naka tiles lang ang sahig, hindi de flush ang bowl at walang shower pero wala pa ding karapatan si Chanak na umiyak don!
Nagpunta ako ng kusina at naghalungkat ng food gloves. Pwede na’yon kesa walang sandatang gamit laban sa mga mikrobyong dala ng chanak na’yon.
Nakita ko kaagad yung food gloves. Dinoble ko suot para more on ang protection.
Bumalik ako sa CR.
Hindi na maingay si Chanak pero umiiyak pa din siya ng pahikbi. Nanginginig pa din siya sa ginaw.
E ano gusto niyang gawin ko?
Hindi pa nga ako nakakapag init ng tubig e. Hay nako! Magtiis siya sa lamig!
Agad akong lumapit sa kaniya. Pinigil ko paghinga ko kasi ang ang baho niya talaga. Dahil naka gloves naman ako, mabilis kong natanggal ang suot niya na shirt. Infairnes naman dito kay Chanak ha, polo shirt pala tong suot niya.
Kinuha ko na ang sabon at naglagay ng kalahating tubig sa tabo. Dahan dahan kong ibinuhos sa katawan ni Chanak yung tubig atsaka mabilis siyang sinabunan.
Katawan palang kasi yung short niya hindi ko pa natatanggal. Naging taong bula si Chanak dahil sa pagsasabon na ginawa ko. Mula buhok niya, mukha, kaloob looban ng tenga at ilong niya. Pati mata niya sinabon ko na din. Wapakels ko ba kung mahilam siya. Nagmamagandang loob na nga akong linisin siya e.
Ayan nahilam na nga.
Umingit na ng iyak atsaka nag-ambang ipupunas ang kamay niya sa mata. Inunahan ko nga si Chanak. Kumuha ako ng tubig at ibinuhos sa kaniya yon.
Napahiyaw siya sa ginaw.
Luh, dapat masanay na siya sa ginaw. Tagal niyang na-u-ulan don sa labas e.
“Ayan nagmumukha ka ng bata, chanak.” natural na boses kong sabi habang sinasabon ang kili kili niya. Nakapikit lang siya, na trauma na yata na baka mahilam ulit siya.
“Tayo ka Chanak.” utos ko.
Agad naman siyang tumayo. Montik pa madulas, ano ba naman ‘tong chanak na to. Bakit kasi ayaw dumilat! Kukurutin ko mata nito e.
Ibinaba ko muna ulit yung sabon. Binukas ko yung zipper ng short ni Chanak. Wow ha, cargo shorts pa pala tong suot ng chanak na’to. Bakit parang pang mayaman naman ‘tong suot niya? Kung hindi lang to babad sa labak baka pwede pa ‘tong maibenta sa pre loved.
Pagbaba ko ng short ni Chanak, nakapampers pa si loko!
Pati pampers niya kasing itim ng labak. Yuck!
“Itaas mo paa mo alisin ko na tong short mong gusgusin.” itinaas naman niya ng magkasunod ang paa niya. Kinuha ko na ang short at isinama doon sa tshirt niya.
Kumuha ulit ako ng tubig at muling binuhusan ang chanak. Mukhang dapat pala pinabasbasan ko muna tong tubig. Para incase na may dalang masamang elemento tong chanak na’to e mataboy.
Gumuhit sa baba yung maitim na katas mula sa pampers ni Chanak. Nakakakilabot leche. Parang kampon lang ng kadiliman na binuhusan ng Holy Water e.
At dahil ayaw ko na ding makita ang itim na katas, tinanggal ko na...


ang pampers.
Pagkatanggal ko ng pampers ni Chanak, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“HAHAHAHHAHAHA SUPOT!”
Humagalpak ako ng tawa sa maliit niyang putotoy.
Nagdilat naman na ng mata si Chanak at nagtatakang tumingin sa akin. “Taya (saya) ti (si) mamha, taya din ato.” tapos nakitawa na siya sa akin.
Wala na, nakitawa na yung chanak ayoko na, nawala na ako sa mood!
Sumibangot na ulit ako at sinimulan ng sabunin ang lower part niya. Hay buhay never in my entire life na naisip kong magiging taga paligo ako ng gusgusing bata.
“Kung sino man magulang mo, sana mabilaukan sila ngayon mismo!”
(A/N: Nabilaukan nga ‘yung tatay nung bata HAHAHA)

“Mamha buhat mo ato! Buhat. Buhat!”
Poker face na tinitigan ko ang chanak na naka-upo sa sala set. Nakataas ang dalawa niyang braso at inaabot ako. Gusto nanamang magpabuhat kitang napipilitan na nga lang akong alagaan siya.
Pinasuot ko siya ng pinaka maliit ko na size ng tshirt pero para pa din siyang nakadress. Wala akong maliit na short kaya kapag nakaupo siya, sumisilip putotoy niya. Umuulan pa kaya hindi ko pa siya mabilhan ng diaper.
Buti naman at mukha na siyang bata ngayon.
“Buhat Mamha.” nagpuppy eyes pa. Duh, di mo ako madadala sa ganyan.
“Buhat mo mukha mo! Huwag kang iihi dito sa salas ha. Subukan mo lang umihi itatapon kita pabalik sa labas.”
Hindi naman niya naintindihan sinabi ko, nginitian pa ako ng loko. Bwisit nag aaksaya lang ako ng laway sa chanak na’to e.
“Cocomelon.” ayan, diyan siya magaling! Nakita ‘yung tv tapos tinuro.
“Nanonood pala ng cocomelon mga chanak.” inirapan ko siya pero kinuha ko pa din yung remote. Kesa magpabuhat siya, manood nalang siya.
Binuksan ko ‘yung tv.
“Cocomelon, cocomelon, wala dito non! Ayan, balita panoodin mo!”
Dahil wala namang internet sa bahay at data lang gamit ko sa phone, wala din kaming cable, ayan magtiis siya sa balita. Balita na pang hapon.
Kung nandito si Tatay panigurado makikipag unahan pa yon. Gustong gusto non mga balita e.
Kita mo ‘to, hindi naman nanood! Pero buti nalang at hindi na nangulit yang batang chanak. Nanahimik na siya don habang nilalaro niya yung winnie the pooh ko na stuff toy. Ipinalit ko muna sa teddy bear niyang makutim na nakababad pa sa sabon.
“BREAKING NEWS: PATULOY NA IPINAGHAHANAP ANG BATANG SI GALILEO ARTHFAEL MARCHESE O MAS KILALA NA “GALI”. NARITO ANG ILAN SA KANIYANG LARAWAN. LIMANG DAANG MILYONG PABUYA ANG IGAGAWAD SA KUNG SINO MANG MAKAPAGTURO KUNG NASAAN SI GALI. IPAGBIGAY ALAM LAMANG AT TUMAWAG SA NUMERONG 454 SA PINAKAMADALING PANAHON.”
Finlash isa-isa ang picture nung batang nawawala. Hanep, napakaswerte naman nung makakapulot sa bata na’yan. 500 Million lang naman yon! Nako, kung ako ‘yung nakapulot sa bata na’yon? Papadagdagan ko pa ng kahit mga 100 million para 600 million na! Buhay na ko non gang pagtanda. Hindi ko na kaylangang mag-aral pa! Manonood nalang ako ng kdrama habang buhay.
Teka….
Saglit nga…
Nag flash pa ng ilang pictures sa tv screen. Bigla akong napalingon kay chanak na busy sa pakikipaglaro kay winnie tapos ibinalik ko ulit tingin ko sa tv. Balik ulit kay chanak. Balik ulit sa tv.
Bigla akong napatalon sa pagkakahilata ko ng mapagtanto ko na magkamukha ang bata na nasa balita at itong si chanak–este si five hundred milyon!
“FIVE HUNDRED MILLIONNNNNN!” kaagad akong tumakbo papunta kay five hundred million pesoses!!!
Kinuha ko siya at binuhat! “Woooohhh! MAYAMAN NA AKOOO!” for the first time ngayon lang ako naging ganitong kaligaya!
“MAYAMAN NA AKO FIVEHUNDRED EM!” sigaw ko kay 500M, hindi na chanak tawag ko sa kaniya. 500M na! Woot woot.
Hinalikhalikan ko ang 500 Million ko, hinagkan at inamoy amoy pa talaga. “Hmmm, ang bango bangooooo amoy langit!!”
“Mamha i yab you!” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Naks, i love you too 500 Million koooo!” sabi ko sabay kiss sa pisngi niya.
Writen’s by VictoriaGe






Share On Whatsapp

"5" Comments
  1. I have been meaning to write something like this on my website and you gave me an idea. TY.

  2. maganda yung kwento

  3. yes maganda siya

Leave a Reply


top