ASHARI’S POV
“Mamha alit (alis) tayo?” tanong sa akin ni 500M habang pinopolbohan ko siya.
“Oo, aalis tayo.” maikli kong sagot. Ayoko ng makipag-usap sa kaniya ng matagal. Mamaya lang din naman e mag hihiwalay na kami.
Hindi na kami magkikita kahit kaylan!
Naka-upo siya sa sala set at ako naman nakaluhod sa harap niya. Pagkatapos ko siya polbohan, mulit kong sinuklay ang buhok niya. Inayos ko ito sa pinaka presentableng paraan.
Ginaya niya ako, sinuklay din niya ang buhok kong nakalugay gamit ang maliliit niyang daliri. “Mamha, taan (saan) tayo punta?”
Natigilan ako sa pag suklay sa kaniya pero siya patuloy pa din sa pagsuklay sa akin gamit ang mga daliri.
Tinitigan ko siya. Suot niya ang malinis ng polo shirt at cargo short. Naka tuck in na ito sa kaniya kaya lalo siyang naging maayos tignan. Malinis na din ang teddy bear niya kaya ito na ang nakalagay sa mga hita niya. Sayang, wala lang siyang sapatos. Naka paa lang siya. Bibilhan ko nalang siya mamaya ng sandals sa labas bago tumawag ng tricycle.
Kinuha ko ang kamay niya na sumusuklay sa akin bago ko siya sinagot sa tanong niya. “Pupunta tayo sa lugar kung saan ka talaga nararapat. Huwag ka ng magtanong ng magtanong ha.”
Naiirita ako e. Ang dami dami niyang tanong, manong manahimik nalang para di ako nap-pressure.
Naalala ko kasi yung sinabi nung naka-usap ko kanina. Tegi daw ako kapag hindi ko naibigay si 500M. Hanep na’yan, bakit parang kasalanan ko na iwinala nila ang anak nila at sa akin siya pumunta para mag staycation? Walanjo, parang mga napipilitan pa na mag bigay ng 500 Million. Edi sana hindi nila ni-National TV. Kukurutin ko mga itlog nila e.
Muli kong tiningnan si 500M. Nakatingin lang siya sa akin at parang medyo nagtampo ng sinabi ko na huwag na siyang magtanong ng magtanong. Umirap naman ako, napaka-arte ng bata na’to. Ganon lang nagtatampo na? Pshh!
“Oi, ngiti ka nga.” utos ko sa kaniya pano mukhang hindi maipinta ang mukha. Baka mamaya di pa siya pumayag na umalis kami edi gg pa ako.
Ngumiti naman siya at iyon na ang pinaka pilit na ngiti na nakita ko sa isang bata. Hahampasin ko ‘to e. Grrr!
“Ngiti ‘yung totoo, hindi yung ganyan. Para namang kinakawawa kita e.” dapat happy siya kapag nakita siya ng mga magulang niya noh. Hindi pwede yung ganyan, ako matsutsugi at mukha siyang chinilde abuse sa itsura niya e.
Hindi naman na siya ngumiti. Yumuko lang siya at nagkunwaring nilaro laro ang teddy bear niya. “Palagi galit itaw Mamha ta akin.” bulong niya habang nakayuko.
May biglang kumurot sa puso ko sa sinabi niyang ‘yon. O bakit Ashari ha, totoo naman sinabi nitong 500M na’to bakit ka apektado?
“Anong galit? Hindi ako galit.!!!” asik ko. Bwisit na batang ‘to, pasalamat nga siya kinukupkop ko siya. Kung hindi lang talaga para sa 500M baka pinatalsik ko na siya dito sa bahay e. Di marunong tumanaw ng utang na loob hmpf!
“Galit ka ulit, Mamha.” nag-angat ng tingin si 500M sa akin. Nangingilid na ang luha niya.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Ano ba ‘yang tingin niya, sobra mangonsensiya? Naf-frustrate ako, bwisit!
Pilit akong tumingin kay 500M. Tumulo na ang luha sa kanang mata niya. Pumikit ako at bumuntong hininga.
Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang luhang tumulo. “Hindi ako galit ok? Ayoko lang ma-attach sa’yo…” dahil maghihiwalay din naman tayo. Hindi na tayo magkikita kahit kaylan.
“Kaya huwag ka ng umiyak hmm, pinolbohan na kita e, sayang polbo.”
Suminghot si 500M ng sipon. Itinaas niya ang dalawa niyang braso na tila ba nag aaya na yakapin ko siya.
Sa pinaka una at huling pagkakataon, hinayaan ko ang sarili ko na yakapin siya at sabihing…
“Mag-iingat ka palagi ha, salamat kasi dahil sa’yo yayaman ako. Hinding hindi kita makakalimutan.”
Sinagot naman niya ako ng… “I yab you, Mamha.”
Napangiti ako ng mapait. Sure naman ako na naiintidihan niya ako pero bakit ganyan siya. Bata palang martyr na bwisit!!!
—
Nasa tricycle na kami ng 500M ko. EXCITED NA KOOOOOOOO!!!!! YES YES YESSSS! ITOOO NA ‘TOOO! Kaunting kaunting oras nalang, hindi na bata ang buhat buhat kundi maleta ng pera MWAHAHAHA! ILANG ORAS NALANG MILYONARYO NA AKO!
Daig ko pa ang nanalo ng sampong beses sa lotto woot woot!!
Nakangiti lang ako buong byahe. As in ngiting abot tenga. Naiimagine ko na yung kotse, bahay at lupa na bibilhin ko.
Ha, who you ngayon sa akin ang magaling kong tatay. Pagbalik niya, wala na siyang anak na maabutan sa bahay. Hmpf!
“Pate dito na tayo sa tapat ng museum. 150 nalang para sayo. 200 dapat pero cute yang batang kasama mo kaya may discount.”
Sa sobrang pangangarap ko sa perang makukuha ko, di ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng museum.
Agad kong binuhat ang batang dahilan ng swerte ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. Hay, napakabait ko talaga sa part na pinapasok ko siya sa bahay. Balik lang to sa mga kabutihang ginawa ko.
Nagbayad na ako kay Kuyang tric driver, umalis na ito. Buhat buhat ko ang 500M ko. Nakatingin ako sa labas ng buong Museum. May dalawang beses na akong nakapasok dito, at ito na ang pangatlo. Wahaha, magiging saksi ka Museum sa pagyaman ko. Maging proud ka!
Ngiting wagi akong pumasok sa loob. May isang guard na kumapkap sa akin. Napansin ko na iba ang tingin niya kay 500M. Nako, baka isa to sa mga kalahi ni Aling Marites na sasabihing pamilyar si 500M.
Oo pamilyar talaga siya dahil napanood niyo siya sa balita pero sorry nalang kasi ako ang makakakuha ng 500 milyones!
Inirapan ko yung guard. “Lika na bebe boy, huwag mong tingnan yung guard.” tinakpan ko ang mata ni 500M kasi pati siya sinundan ng tingin yung guard. Ano ha, gusto mong sumama sa guard na’yon, tsk!
Naglakad lang ako sa loob. Huminto ako sa receiving area na wala namang tao. Tanging papeles lang na nasa table ang natira dito.
Luh, ngayon ko lang din napansin na maliban sa guard, wala pa akong nakikita na ibang tao.
Luminga linga ako sa paligid.
Hanep, nirent ba nila ang museum?
Kinuha ko ang cellphone ko. 9:50 na, wala pa ding tawag yung nakausap ko.
“Hindi kaya scam ‘yon nakoooo!”
Tatawagan ko na sana ulit ang 454 hotline ng may unknown number ang tumawag sa akin.
Naks, biglang tumalon ang puso ko sa excitement. Sinagot ko kaagad ang tawag, hindi ko na pinagsalita yung nasa kabilang linya inunahan ko na siya kaagad.
“Hello po, nandito na po ako sa loob ng Museum. Dala ko na po siya, nasaan na po kayo? Excited na po ako hehehe.”
“HOY BABAE, ANO NANAMANG KALOKOHAN ANG GINAGAWA MO HA?”
Halos maitapon ko ang cellphone ko ng boses ng magaling kong tatay ang narinig ko.
Agad kong tiningnan ulit yung dulo ng number.
BWISIT! MASYADO AKONG NA-EXCITE NA HINDI KO NAPANSIN NA NUMBER PALA NG TATAY KO YUNG TUMATAWAG.
“Ano ba!? Istorbo ka sa pagyaman ko! Bakit ba tumawag ka?”
“Matuto ka ngang gumalang! Tatay mo ko wag mo akong sigawan.”
“Ano nga, bakit nga kasi tumawag ka? Bilis na, may importante akong ginagawa e.”
“Mal-late ako ng uwi bukas. Ipagluto mo ako ha!”
“Akala ko kung gaano kahalaga yang sasabihin mo! Oo na sige na, ba-bye na!”
“Bakit madaling mada–”
Ha! Pinatayan ko ang tatay ko. Baka mamaya tumatawag...
Good thinking. Wondering what you think of its implication on society as a whole though? There are times when things like this begin to have global expansion and frustration. Ill be around soon to check out your response.