LOVE AFTER THE RAIN UNANG YUGTO


“Ina’y, maaari nyo po ba akong ibili ng dress para sa gaganaping birtday party sa mansyon ng mga Monte Mayor?” nakikiusap na saad nang bunso kong kapatid na si Aliya.
“Pasensya ka na anak, alam mo naman na sapat lang ang sahod ko sa matrikula ng ate mo pati na sa pag aaral mo. ” nag papaintindi naman ang boses ni Inay.
“Aliya, naroon ang Dress ko na binili ni Ina’y iyon na lang ang gamitin mo mamayang hapon, hindi na lamang ako dadalo, tutal ay wala naman akong kakilala doon. ”
“Pero Ate, nais kong makita mo kung gaano ka gwapo si Master Reighton! ” ang bunsong Anak na naman ng amo ni Ina’y ang tinutukoy nya, para sa’kin ay gwapo nga syang maituturing ngunit kasing gaspang naman ng buhangin ang Ugali nya.
Malaki ang pag hanga ng kapatid ko sa lalakeng iyon kaya’t ayaw kong sabihin ang inis na nadarama ko para sa antipatikong iyon.
“Ma’am Reigine, ipag paumanhin po ninyo na hindi ako makakadalo.” saad ko sa linya, sana lamang ay pumayag ito.
“Naku naman ija, ano ba ang problema at hindi ka makakapunta? ”
Halos makagat ko ang labi ko sa hiya, pero kailangan ko iyong sabihin. “Wala po kasi akong isusuot. ” nahihiyang saad ko.
“Nako, e maganda ka naman ija kaya’t kahit pormal na damit lang ay Ayus na, hahaha” ang tawa nito ay tila kinikiliti kaya’t nahawa na din ako ng pag ngiti. “basta dumalo ka kasama ng nanay mo, pabibilhan kita ng dress huh.”
Napapikit ako dahil sa kaunting hiya, napaka bait talaga ni ma’am Reigine, “Ipinatatanong kasi ng anak ko kung ano ang Ngalan mo kaya’t gusto kong dumalo ka. ”
“P-Po? ” kabadong tanong ko.’bakit nya nais malaman ang pangalan ko? ‘
“Si Reighton, hindi daw maganda ang huling pag uusap nyo ika nya.”
Nakahinga ako ng maluwag nang sambitin iyon ni ma’am Reigine.
“Anong klaseng damit yan ate? “nakangiwing saad ng kapatid ko habang sinusuyod ang suot ko, naka pantalon ako at simpleng t-shirt.” party iyon at hindi botohan ate.. ” nangagaral na saad ng kapatid ko, ang totoo ay sinadya kong ito ang isuot dahil ito ang Pormal para sa akin.
” O Sya, kahit ano naman ang suotin mo ay bumabagay sa iyo ate, sa ganda mo ba naman na iyan ay hindi ka pagkakamalan na anak ng mahirap diba inay? ”
Napatawa na lamang ang Ina’y sa birong iyon ng kapatid ko,wala kaming sariling sasakyan kaya’t tatlompung minuto pa ang itinagal namin para bumyahe patungo sa mala palasyong bahay ng mga Monte Mayor.
Entrada pa lamang ay halata na talagang pinaghandaan, nakaka mangha ang Crystal na tagak na yare sa Yelo may roon iyong taas na hanggang sa dibdib ko at sa gilid noon ay umaagos ang napaka raming alak, naalala ko tuloy nang una kong makita si Master Reighton.
Inilinga-linga ko pa ang ulo ko pero hindi matapos-tapos ang paghanga ko, ang lahat ng naroon ay pawang mga gumaganap sa teleserye, mga artistahin ang kagandahan at ka gwapuhan nila napako pa sandali ang paningin ko sa lalakeng naroon sa kabilang dulo, sya ang panganay na anak nila Ma’am Reigine dalawang taon lang ang pagitan nila ni Master Reighton pero tila napaka Mature na nya sa katawan at pagkilos pati na sa pananalita, umakyat...


ito papunta sa Entrada ng bahay dahilan para maagaw nya ang atensyon ng lahat.
Naron Si Ma’am Reigine, Sir Anton pati ang panganay na anak nila na si Master GinRei pero huminto ang mata ko sa bunsong anak nila na si Master Reighton, naka suot ito ng maroon suit na may pinakamataas na brand, nung huli ko syang makita ay bagsak at mahaba ang buhok nya ngynit ngayon naman ay mukhang pinatabasan nya iyon akala ko ay gwapo na sya noon,pero nagkamali ako dahil lalo pa yata syang Gumwapo Ngayon.
Nakita ko ang galak sa mata ni Aliya nang matanaw nya ang lalakeng hinahangaan, naupo na lamang ako sa siilya at nanahimik pero isiniksik ni Aliya ang sarili nya sa’kin. “ate! Ayun si Master Reighton..ang gwapo diba? “kinikilig na aniya, pilit akong nguniti at nilingon ang lalaking sinasabi nya. “Tara ate! Batiin natin sya! ” napamaang ako nang sabihin iyon ni Aliya, palibhasa’y, kasundo nya ito kaya’t ganun kalakas ang loob nya.
“naku, kayo na lamang ni Ina’y nahihiya ako. “,saad ko tsaka piniling maupo.
“Ikukuha kita ng makakain? “alok ni Aling Pasing, kasama ni Ina’y, umiling ako.
“hindi na po, mamaya na lang. ”
Tinanaw ko si Aliya ngunit nagsalubong ang mata namin. Nakakunot sya habang natatitig sa’kin, ganun na lang kalakas ang kabog sa dibdib ko nang humakbang ito palapit sa kinaroroonan ko,
“Buwi! “tawag nya sa alagang aso na nakatunghay sa harapan ko, nagbaba ako ng tingin para tignan ang aso na iyon, kulay puti at napaka balbon ng asong ito, natigil ang pagmamasid ko nang hawakan ito ni Master Reighton. “She looks like Shim Cheong ” aniya kausap ang aso ‘Sino naman kaya iyon? ‘
.”Are you Aware that this is a Birthday Party ?” nakataas ang kilay na aniya na naman.”And not a Freaking Student night. ” masungit na anito dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko.
Magaspang talaga ang pag uugali nya!
“Reighton! ” nanlaki ang mata ko ng iyon ang itawag ni Aliya kay Master Reighton.
“What !” nakakunot ang noong anito.
“Happy Birthday! “masiglang bati ng kapatid ko.
“you Already greeting me a while ago bru! ” nakasimangot parin sya.
“heto ang regalo ko… Buksan mo. “iniabot ni Aliya ang maliit na kahon.
“Just later, How about you? “lumingon ito sa akin, nariyan na naman ang kabog sa dibdib ko.
‘Ako ba ang kausap nya? ‘
Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit pa kasi sya lumapit nagmimistulang statwa tuloy ako.
“Teyang !” agaw pansin ni Ma’am Reigine.
“Aliya, papasok na ako sa loob maiwan ko na kayo ni Inay. ” saad ko tsaka nagtatakbo papasok, dumeretso ako kay ma’am Reigine.
“Tara sa Kwarto, kanina pa kita hinahanap kaya lang ay mukhang abala kayo ng Sir Reighton mo sa pag uusap.” hindi ko alam kung nababaliw na’ko iba kasi ang dating para sa akin ng salitang ‘Mo’
Pagpasok namin sa kwarto ay naroon ang kulay dilaw na gown, napaka ganda niyon ngunit napangiwi ako nang matanaw ang mahabang disenyong punit sa gulid nito, natitiyak kong lalabas ang hita ko kapag isinuot ko iyan.
“Bilisan mong isuot yan, ikaw kasi ang kapareha ng anak ko sa ball dance mamaya. ayaw nyang pumili ng iba kaya’t ikaw ang isinaguest ko.”
Gusto kong umatras pero isinara na ni ma’am Reigine ang pinto ng Kwarto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top