I’m into you Chapter 5


I’m into you❤️
Chapter 5
Hindi alam ni Calvin kung bakit iritable sya sa trabaho, he can’t manage his hands kahit simpleng pagpipirma tinatamad sya. . Parang may humihila sa kanyang umuwi. Kaya kahit alas 5 pa lng ng hapon.. Patamad nyang binitawan ang sign pen at tinigil ang ginagawa. Inayos ang mga dokumento,at inabot ang telepono.Matapos tawagan ang sekretarya tumayo na sya at isinuot ang kanyang coat. Uwing uwi na syang talaga.
“Maaga kayo boss?”bungad ng guard sa kanya ng pagbuksan nito ang gate.
” Ah oo, biglang sumakit yong ulo ko”
” Dito na ba kayo lalagi boss.”
“Ahm.. Not so sure.. Sige.”
“Sige po..”
Ahm teka kayo lang dalawa?
” Naku nag absent yong paborito nyong pasaway..”
“Ahh.. Haha pasaway nga. Sige sige.. Order lng kayo ng pagkain ha.”
“Kahit ako’y gutom na gutom na rin..” bulong sa isip ng binata, balak nya kasing umuwi ng tanghalian para makasabay kumain yong boarder nya kaso inaya sya ng girlfriend nyang si Alice kumain sa labas. Konti lang ang naisubo nya.
Nadatnan nyang natutulog sa sofa ng sala ang dalaga pagbukas nya ng pinto. Pasimple nya itong minonitor sa cp nya kanina pero inaagaw ni Alice ang kanyang atensyon.
Lumapit sya dito at ng squat. Hinihipan nya ang mga mata nitong nakapikit.
Nangiti sya ng gumalaw galaw ito.
Hindi nya maikakaila, giliw na giliw syang asarin ito. Nagdudulot ng tuwa sa kanyang puso . “becoming weird Calvin? “kastigo nya sa sarili.
Ngunit di sya tumigil ‘gat di ito nagmumulat.
Uuhh..” reklamo ng kumukurap pang dalaga,sabay unat nito, halatang antok pa.
Inaninag ang nagmamay ari ng mabangong hininga sa harapan nya. Napalunok naman ang binata ng mapasadahan ang kurbang kabuuan nito. Ilang sandali pay nakilala rin sya ng nakahiga.
Agad itong bumalikwas ng bangon.
Ah..ah..aga mo palang umuuwi. Ano kasi.. Di pa ako nakakapagsaing man lang.
Dali magluto ka.. Gutom na gutom pa naman ako hindi ako nananghalian.
Huh? Naku.. Ano namang lulutuin ko ngayon. Hindi ko naman alam ang gusto nya. Hirap naman nito.
Bubulong bulong mo dyan, kahit ano kakainin ko, huwag lang hilaw.
Ahh.. E..ih
Oh. O u,sige na. Hindi ako mapili.
Kunwari pa sya, e konsimisyon nga ang cook at chief nila sa bahay dahil di nya matipu tipuhan ang luto ng mga ito.
“Bahala na.. ” bulong ng binata.
Tatayo ka ba o itatayo kita
Mabilis na tumayo ang dalaga at naghanap ng kanyang tsinelas .
Nagkadikit pa ang mga likod nila bago nagpatiuna ang dalaga sa kusina. Nagbihis lang si Calvin at sinundan din sya.
Infairness malinis at mabango naman ang bahay. Parang nagugustuhan na nyang magstay doon kesa nong una na, yamot na yamot sya kahit pa ilang babae na ang dinala nya don at kahit pa pabalik balik na ang dalawang kaibigan nya para magbonding sila at mag inuman don. Hindi ganon ang pakiramdam nya. Hindi ganon ka nakakaexcite.
Ano bang meron sa kanya..wala naman yata ah..hmm… Hooh!
Nakapag saing na sa rice cooker si Kylin. Naghanda na rin sya ng ingredients ng aadobohin nyang manok.. Kaso kanina pa sya ng hahanap ng isisiga sa gas range, walang lighter o posporo.. Umusok na ilong nya sa kakahanap.ang bilis pa naman nyang mapikon na ngayon.
Bleck!! blengk!!
” Ahw! ” halos mapatalon sya ng marinig iyon, para kasing kumakasa ng armas. Itinutok pa ito sa kanya , ang” SPARK L” ginagamit para masindihan ang gas range. Hindi nya iyon kilala e.
Hahahahaha… o ayan pangsindi mo.” sabay hagis nito sa may tiles na tabi ng gas range.
Paano ba to gagamitin.. Use your head Kylin pinagtatawanan ka ng gago..
Di kasi maubos ubos ang tawa ng binata sa reaksyon nya. Hanggang sa natahimik na ito pero may naliligaw pa ring tawa..di makapag move on. Naupo ito sa center table ng kusina. At nag scroll sa cp nya.
Yon palay tinitingnan nya ang reaksyon ni Kylin sa monitor dahil may camera na tapat na tapat sa lutuan.
Gusto nyang mahagikhik sa pakamot kamot ng ulo nito.
Hoy! Gayahin mo...


ang baril, kalabitin mo! .. May utak ka naman diba
Alam ko! ” singhal nito
Kaso nanginginig sya at di ito maitapat sa may dapat sisindihan.
Makailang ulit na rin kaya nilapitan na sya ni Calvin.
Akin na.
O ayan isaksak mo sa baga mo, magsisindi lang ang hirap.” pagma maktol ng dalaga
Napangiti na lang ang binata at ng masindihan tumingin sya sa cp at kita nya ang pag irap ng dalaga sa kanya. Pero di nya makuhang magalit. Cute pa yon sa kanya.
“Matutulog muna ako sa sala. Pakibilis ha.. Gutom ako. ”
Hoy!
Ou! ..
Kainis!
Natutuwa sya pag naririnig ang pagmamaktol nito.
Pagdating ng sala. Nahiga nga sya sa pinaghigaan nito. Inamoy nya ang maliit na unan at naamoy ang mabangong amoy ng buhok nito. Tiningnan nya ito uli sa cp nya. Pinakatitigan nya pag natatagalan ito sa tapat ng camera.. Sinu zoom in nya. Bigla syang naging seryoso habang nakatitig sa mukha ng dalaga .
Ibinaba nya ang cellphone at pumikit. Gusto niyang maidlip pero nakikita nya ang mukha nito. “Heto na naman! Agh!” bwseit ka talagang babae ka, bakit ba!!! ”
” Sinong kaaway non”
Baka nabaliw na, nalipasan ng gutom? . Bilisan mo na Kylin, baliw naman talaga yon baka lang mas mabaliw pa. ”
Matamang nag isip ang binata habang nakatingin sa kisame. Bakit ba sya nagkakaganon.
S-sir! Luto na. Lika na!
Bumangon sya at tiningnan ito.
” Hindi sya gwapo Kylin.. Tumigil ka”
” Mukhang mas gusto ko syang kainin kaysa sa niluto nya ah.”
Sige, susunod ako.
Pag pasok ni Calvin, infairness nanuot agad ang bango ng ulam. Nakatayo lang ang dalaga.
Ahm sige sir.. Sana ok na yan sa inyo.
Wait.. San ka pupunta, umupo ka dyan sabayan mo ko
Mamaya na sana ako dahil lalantakan ko talaga yong itinabi ko.
Ah.. Sige ho.
Wait! Tumayo si Calvin at dinala ang upuan ng dalaga sa tabi nya.
Dito ka..
Hoy! Hindi mo ako asawa
Asa ka rin! Pero diba ang sabi ko sundin mo mga utos ko.
Sumimangot muna ito ng pagkawagas tsaka padabog na humakbang at tumabi sa kanya
Kung makakahimatay lang ang galit na titig nito, nahimatay na sya.
Lulugwa na yang mata mo oi, masakit yan. Kain na.
Inasar nya pa itong lalo
Say ah..” sabay taas ng kutsara ng pagkain sa dalaga
Bwesitin moko, gutom din ako.
Ahahaha..parehas pala tayong anaconda ngayon.
Hmm.. Baka mamaya may gagapangin din ang anacondang lalaki na to.
Ang bilis nyang naarok ng titig ni Kylin.
Kain na.. Hehe heh
Pagkatapos nilang kumain tinulungan nya pang mgligpit at maglinis ang dalaga.
“Weird mo Calvin! ” sigaw ng utak nya.
Nang matapos humiga sya sa sofa katapat ng TV.
Lika, tabi tayo.
Di sya pinansin ni Kylin na nakaupo lang.
Ayaw ah..
Tumayo sya at nilapitan ito, bubuhatin na sana nya ng bigla sya nitong sinuntok sa balikat
Aray! Ahh.. Sakit ahh.. Natamaan yata yong sugat ko.
Naalarma naman ang dalaga. Ang ending nagkatabi rin sila.
Nakaunan sya sa bisig nito. Inis na inis sya, dahil wala syang magawa. Di sya makapalag.
Kay.. May iooffer ako sayo, plz. listen attentively.
Halos bulong na itong makipag usap dahil nasa teynga nya ang bibig nito.
Mute nito ang TV.
Payag ka ba na.. “may binulong ito sa kanya.
Ano!!????”
50 k kada ganon, e diba gusto mo nang maquits na agad yong 2. 5m e di yon. Gusto mo ba 100k?
Gusto ko 300k.
Hahaha.. Ang bilis natapos non.
Neknek mo! Kahit pa 1 million ang ibayad mo, di ako mag papaangkin sayo!! Sabay tayo nya at takbo papuntang kwarto at nilock iyon.
Palpak! Tanging naibulong ni Calvin. Pero yong puso nya, tuwa ang nadarama. “Bat ba ang saya ko pag kasama ka?”
Pero may bahagi din dito ang malungkot. Sana Ky, hindi ka maging isang magandang panaginip ko lang” I want you to exist in my life,till tomorrow. ”
A/n:
Freedata uli. Kaya back to update sandali.
Are you with me? Coz I’m into you. ❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top