MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 20


MARRIED TO A HEARTLESS MAN♥️
CHAPTER 20
Humingi ng tulong si Tyron kay Lander para matrace kung Ano ang lokasyon ni Chua na kinalalagyan ng asawa niya. Gaya ng usapan siya lang mag-isa ang pumunta. Ayaw niyang mapahamak ang asawa niya at ang magiging anak nila. Handa siyang ibigay kahit buhay niya pa. Hindi niya alam na may mga pulis palang nakasunod sa kanya dahil utos yun ng mga magulang ni Clara.
“Dude, are you okay? I can go there if you need help” sabi ni Lander noong sinagot niya ang tawag nito. Si Lander ang pinakamapagkakatiwalaan niyang kaibigan.
“I can manage, I have to sure my wife’s safety, thanks for the concern” pagkatapos ay pinatay niya ang tawag.
Kaunti lang naman ang bantay ng baliw na Chuang yon.Nasaan kaya ang asawa niya? Kailangan niya ng makita si Clara. Buntis ang asawa niya at baka kung anong mangyaring masama dito.
May nakita siyang dalawang naglalakad na bantay. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito.
“Pare, ang ganda nung babae, Ano bang balak dun ni boss? Ayaw ipagalaw ni boss ehh.” sabi nung isang lalaki. Kapag nalaman niya lang na may ginawa ang mga ito sa asawa niya. Makakapatay talaga siya.
“Yung asawa nun ang may atraso kay boss, pinatay yung tatay ni boss ehh ayan tuloy siya pa at a magbabayad ng kasalanan ng asawa niya.”sabi nung isa sabay tawa.
Agad siyang lumabas sa pinagtataguan niya upang harapin ang mga ito. Nagulat naman ang lalaking iyon sa presensiya niya. May hawak siyang baril sa magkabilang kamay.Kaya niyang pasabugin ang mga bungo nito sa isang iglap lang.
” Asan ang asawa ko?” tanong niya sa mga ito. Di niya inaasahang tatawanan siya nung isa kaya binaril niya ito sa binti.Mabuti na lang at silent gun ang gamit niya.
“Putcha, ang sakit,” sigaw nung isa dahil sa pagkakabaril niya.Binaril niya pa ang isa biting binti. Dahil ayaw ng mga ito na magsalita.
“Sasabihin ko na kung nasan ang asawa mo. Wag mo kong papatayin” takot na takot na sabi nung isang lalaki sa kanya. Tapang tapangan mga duwag naman pala.
“Asan siya?” sabi niya at tinutok ang dalawang baril dito.
“Na—sa pa—ngalawang kwar—to sa itaas” nauutal nitong sagot sa kanya.Alam niya namang nagsasabi ito ng totoo dahil sa takot. Binaril niya pa rin ito.
Dinalian niya ang paglalakad para makapunta na siya sa kinaroroonan ng asawa niya. Ang bobo ni Chua. Maglalgay na lang ng bantay hindi pa dinamihan. Ugok!
Pinasok niya ang sinasabing kwarto ng lalaki kanina. Naadun nga ang asawa niya. Nakatali ito pero wala ng busal ang bibig.
“Tyron dapat hindi ka na pumunta dito” naiiyak nitong sabi sa kanya. Kita niya ang namumula nitong pisngi. Sigurado siyang may nanakit sa asawa niya. Lalapit na sana siya dito pero may humampas na bagay sa likod niya. Kahoy yon.Gusto niya ng pakawalan ang asawa niya. Damn it!
“Sabi ko na nga ba ililigtas mo ang asawa mo. Mabuti na lang at napaaga kung hindi pinagpipiyestahan na yan ng mga tauhan ko.” sabi ni Chua kaya pala wala ang mga bantay sa labas Nasa loob ang mga ito. God damn it! Bakit Di niya naisip yun dahil ang gusto lang niya ay maligtas ang asawa niya.
” Mga hayop kayo!!!ako na lang ang saktan niyo ang wag ang asawa ko”sigaw ni Clara sa mga ito.
” Di naman ikaw ang may atraso sakin kaya Bakit ikaw? Pero pwede rin naman kung yan ang gusto mo. “sinenyasan ni Chua ang dalawang tauhan na lumapit sa asawa niya.
” Fuck! Layuan niyo ang asawa ko! “galit niyang sigaw pero tinawanan lang siya ng mga ito.
” Sampalin mo ang babae”utos ni Chua sa isang tauhan at sinampla nga nito ang asawa niya.
“Ikaw Sampalin mo rin. Yung malakas ha, yung maririnig kong yung lakas ng pagkakasampal. Yung siguradong nasaktan” utos pa nito. Akmang sasampalin ulit nito ang asawa niya pero agad niya itong inawat.
“Kill me, that’s whats want, then kill me, way mong idamay ang asawa ko dito!” sigaw niya pero tinawanan lang siya...


ng baliw.
“Nong naging asawa ka niya damay na siya. At tsaka ka bakita kita papatayin ng ganong kadali lang? Gusto ko yung nahihirapan ka. Para masaya diba.”sabay tawa nito. Pupulutin niya na sana ang baril.pero may humampas na naman sa likod niya.
” Tama na! Wag niyo siyang sasaktan! “sigaw ng asawa niya. Kita niya ang bawat pagtulo ng lua mula sa mata ng asawa niya.
” Bilib rin talaga ako sayo, pinagtatanggol mo ang lalaking toh, mamamatay tao yan! “sabi ni Chua.
“Ehh sinong gusto mong ipagtanggol ko ikaw? Kung pumatay man ang asawa ko at ang tatay mo ang napatay niya deserve niya yon! Dahil mga halang ang kaluluwa niyo! Tatay mo rin naman ang nagpapatay sa magulang at kapatid niya ahh. Kaya patas lang.!!!” matapang na sigaw ng asawa niya.Naaawa si Tyron sa asawa niya dapat hindi ito nadadamay.
” Galing mong pumili ng asawa Baltazar! Matapang”sabi ni Chua at tumawa. Gusto niyang lapitan si Clara pero Di niya magawa.
“mga hayop kayo!!!! Makukulong kayo o kaya ay mapupunta sa impyerno!” sigaw na naman ni Clara. Alam niyang nagmamatapang lang ang asawa niya pero natatakot na rin ito.
“Ahh talaga? Well mauuna ka at ang asawa mo. Ayaw mo nun? Makikilala mo ang pamilya niya diba?” tumawa na naman si Chua. Baliw na talaga. Baliw na.
“Wife stop it wag mo na silang patulan, baka saktan ka nila” sabi niya sa asawa niya. Gusto niya itong yakapin pero distansya sa pagitan nila.
“Ang cute niyo naman tignan. Ang anak niyo kaya cute rin? Ayy hindi nga pala natin malalaman kasi mamamatay na kayo. Hahaha”
“Fuck Chua!!! Kung papatayin mo ko gawin mo na!!!” agad na lumapit si Chua sa kanya at sinuntok siya.
“Wala kang sumuntok! Hindi man lang ako nasaktan. Duwag kang hayop ka! Matapang ka lang kasi may kasama kang mga tauhan mo pero Duwag ka baliw!” sigaw niya dito.
“Tyron” napatingin siya kay Clara.May kutsilyo na nakatutok sa leeg ng asawa niya. Halata ang takot sa mukha nito.
“Not my wife!” sigaw niya.
“Paano kaya kung ipasira ko sa tauhan ko ang magandang mukha ng asawa mo” sabi ni Chu sa kanya.
“I’ll kill you, don’t do that. Hurt me not my wife. Kill me! Patayin mo na ako para matapos na lahat to.” nahawakan niya na ang baril niya ng hindi napapansin nito.Di alam ng baliw na Chua na nililibang niya ang mga ito. Dahil iilan lang naman ang tauhan ng gago. Ang dalawa ay Nasa likod nito at dalawa ang Nasa tabi ng asawa niya.
” Ahhhhhh! “sigaw ng asawa niya dahil sa paghiwa ng kutsilyo sa mukha nito. Di na siya nakapagtimpi tuluyan niyang pinulot ang baril. Binaril niya ang dalawang tauhan na Nasa likod ni Chua. Pagkatapos ay ang dalawang Nasa tabi ng asawa niya.Kukuha lang ng tauhan yung bobo pa.
” Pinatay mo mga tauhan ko?!” galit nitong sigaw.
“Bobo Ilan lang ang tauhan mo, sa susunod ay dadamihan mo gago! Baliw!” narinig nila ang sirena ng pulis.
“Pano ba yan? Talo ka na? Magpahuli ka na lang sa pulis kung ayaw mong sumunod sa tatay mo” sabi niya dito.Pagkatapos ay Binaril niya ang kanang binti nito. di ito makagalaw sa kinatatayuan.Agad siyang lumapit kay Clara kinuha niya ang kutsilyo. Para pantanggal sa tali nito sa kamay at paa.
“Love!!!” sabi nito sa kanya. Pinulot nito ang baril na Nasa tabi at Binaril si Chua na akmang babarilin siya.
“Omy,” sabi nito at niyakap siya at umiyak na. Lumingon siya kay Chua at binaril muli ito. Dahil baka mabuhay pa.Manggulo na naman.
“Yan lang ba tauhan ng gagong yun?” tanong niya dito.
“Yun lang” sagot nito sa kanya.
” Sorry, sorry Tyron, love sorry, muntik na tayong mapahamak dahil sakin” sabi nito habang yakap siya.
Bigla namang may pumasok na pulis sa silid.
“Okay lang ba kayo?” agad silang tumango sa mga ito.
“Makakasama mo na ang ama mo” pagtukoy ni Tyron kay Chua.
“Tyron” sabi ni Clara at nahimatay ito sa bisig niya.Napakaraming nangyari para sa isang araw.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top