THE WILD SILENCE CHAPTER TWELVE


“hindi ako mapapagod na maghintay basta alam kong babalik ka.” iyon ang huling sinabi ni Jiro tsaka sya tumayo. Alas siete na ng gabi kaya’t balak na sana nyang lumabas pero humigpit ang kamay ni Alexa na kasalikop ng kamay nya.
“wag kang aalis, sabi mo ay ayaw mo akong mawala sa paningin mo kaya dito ka lang. ” naka pikit na saad ni Alexa.
“pero kailangan mong matulog, kung nandito ako ay tyak nsa hindi ka makakatulog. ”
“Hwag kang mag alala. Isang bwan pa bago ako Umalis sa tagal noon ay, makakabawi ako ng tulog. Sa ngayon ay ibibigay ko ang atensyon ko sa pag babantay sayo. ”
“Alexa.. ”
Dumilat si Alexa habang may maliit na ngiti sa labi, “Hindi ko alam kung trip mo ba talaga ako, o gumaganti ka sa pag trato ko sayo. ”
“Anong trip! Anong trip! ” sigaw na anito, palibhasay tapos ng mag drama kaya’t bumalik na naman ang pagiging isip bata nito. ” sinabi ko na sayo kahit kailan ay hindi pa ko nag kagusto kaya’t hindi ko pa alam ang tunay na tawag sa nararamdaman ko pero nasisiguro kong hindi ito normal sa isang tao. ”
“Bakit? Normal ka ba sa tingin mo? ” birong ani Alexa habang tayawa-tawa nang bumangon sya.
“Sinasabi mo bang abnormal ako? ” binitiwan ni Jiro ang kamay ni Alexa.
“Sayo nang galing yan at hindi sa’kin. Bahala ka kung ano ang gusto mo sakin basta ang alam ko lang ay Kailangan kitang protektahan physically at Emotionally kaya’t kung magiging dahilan ako ng pagkadurog mo, sinasabi ko sayo.. papaslangin ko ang sarili ko. ” tumayo si alexa mula sa kama. “Narinig kong kumalam ang sikmura mo halika na para sa hapunan. ”
Nauna si Alexa na lumabas ng Kwarto. ‘Bakla yata talaga sya. Umiyak ba naman ng walang patid. ‘ napailing ang dalaga dahil sa naisip nya.
“Kamusta ang pag uusap nyo? ” mukha ni Mister Vergara ang sumalubong kay Alexa.
“Okay na naman, mukhang na miss po ako ng anak nyo “biro nya.
“Nako Oo, nag kulong sya ss kwarto ng isang linggo dahil sa iyo. ”
Kumibot-kibot ang kilay ni Alexa dahil sa sinabi ni Mister Vergara. ‘may alam din sya? ‘
“Halos mabaliw na yan kakahintay sayo. ” lumingon si Alexa kay Borex. ‘pati sya! ‘
‘ibig bang sabihin ay may alam silang lahat? ‘
Sa sandaling iyon ay gusto ni Alexang ibaon ang sarili sa kinatatayuan, sa buong buhay nya ay ngayon nya lang naranasan na mapahiya para sa kanya ay insulto ang bagay na iyon pero ano pa nga ba ang magagawa nya kundi magpanggap na walang alam.
“May sasabihin ako, gusto ko kayong makausap ng personal Mister Vergara. ” Saad ni Alexa.
“sige. “ani Mister Vergara tsaka pinangunahan ang pag lalakad para igiya si Alexa sa office nito. “Ano ba iyon. ”
“mawawala po ako ng Matagal sa susunod na buwan. ”
“Pero hindi pa tapos ang kontrata mo.” pag lilinaw ni Mister Vergara.
“Si Chairyl ang sasalo sa tungkulin ko, isa pa. gusto kong palitan nyo ang Apelyido nyo at manatili sa malayong lugar habang wala ako, lilinis ko pa ang mga nag babanta sa...


Buhay nyo hanggang sa maging okay ang lahat. Mc. Clearry po ang ipalit nyo, kilala ang apelyidong iyon ngunit hindi lantad ang pag kakakilanlan.”
“Ija, sabihin mo.. Bakit mo ito ginagawa? Nakakamangha naman kung dahil parin ito sa kontrata. kung ganon naman ay lubos akong nagagalak dahil sobra sobra ito. ”
“Dahil po ito sa Anak nyo. ” walang emosyong anito.
Kukurap-kurap ang matanda nang lumingon kay Alexa.
“Ano pong tinginan yan? ” ngayo’y kumunot naman ang noo ng dalaga.
“Si Jiro? Bakit si jiro ang dahi- – -”
“Mahabang istorya po pero hindi iyon tungkol sa pagitan namin ng anak nyo. ”
Natauhan ang Matanda kaya’t tumikhim sya tsaka inayos ang kurbatang suot.
“Bago mo pa masabi sa akin ang mga nais mo tungkol samin ni Jiro ay nakapag desisyon na’ko. ” ani Mister Vergara. “ibinenta ko ang Share ko sa East Bridge dahil balak kong tumungo sa Paris kasama ang anak ko. ” pag papatuloy nito. “Binili iyon ng mga Silvannia sa hindi ko malamang dahilan, ang kalahating bilyon na share ko ay tinriple nila at ginawang isa’t, kalahating bilyon, hindi na ako luge hindi ba? Kaya’t ibinigay ko na- – -”
“Bakit nyo yun ginawa! “Nag ngangalit na sigaw ni Alexa sa galit tsaka padarag na kinalampag ang mesang kaharap ni Mister Vergara gamit ang dalawang kamay nya. “Wala ba talaga kayong alam? ” nang hihinang anito sa lalake.
“Ano bang nangyayari sayo? ” kabang ani Mister Vergara.
Tulalang naupo si Alexa kasabay ng pag patak ng butil ng Luha sa mata nya. “nAng makunan si Mam jaiha sa bunsong anak nyo ay Ipinalibing nya iyon, pero ang lupang pinag libingan noon ay pinatayuan ng eskwelahan ng East Bridge, Hindi din ba kayo nag 0aaa na patay na si mam Jaiha pero hindi nyo nasilip ang katawan nya? ”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Do’n naka libing si miss Jaiha, at ang mga taong pinag bilhan nyo ay ang mga taong pumatay sa asawa nyo. ” umiiyak na saad ni Alexa tsaka tumayo sa kinauupuan nya.
Nakatulala syang naglakad palabas. ‘pera lang ba talaga ang mahalaga sa kanila. ‘ nasabi nya sa isip nya habang patuloy ang pag hakbang.
Dinala sya ng mga paa nya sa Kwarto ni Jiro na katatapos lamang maligo. Naka balot ng twalya ang ibabang bahagi ng kayawan nya samantalang nakalantad naman ang matipuno nitong katawan, bahagya pang nagulat ang binata nang pabagsak na isandal ng dalaga ang noo nito sa dibdib nya.
“Anong nangyari sayo.” kukurap-kurap na saad ni Jiro pero puno ng pag aalala ang boses nya.
“Ikaw na lang ang natitira, kaya hindi ako papayag na pati ikaw ay makuha nila.” ani Alexa pero halatang wala padin ito sa Sarili. “Gusto kong ikaw ang maging kalakasan ko sa twing nanghihina ako..” pagpapatuloy ni Alexa. ” pagod na’ko..mukhang kailangan ko ulit yung Yakap mo. “nakangiting saad ng dalaga pero kasabay noon ang pag tulo ng luha nito.
Hinarap sya ni Jiro tsaka pinahid ang luha nito. “Alexa… Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. ” malungkot na saad ni Jiro. ” hayaan mong bukas ay ipasyal kita.” palibhasa’y walang alam sa mga nangyayari kaya’t inaakala nya na sa ganuong paraan ay mapapasaya nya ang dalaga.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top