*2U* Chapter 24


(Jim POV)
+ nagising na lang ako dahil sa bumukas na pinto, sobrang hilong hilo ako, ni hindi ko makilala ang taong papalapit sakin, sinubukan kong gumalaw pero nakatali pala ako sa isang haligi habang nakaupo sa sahig. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Tanya na walang malay sa isang tabi, nakatali ang paa at kamay.
Chris- hay naku, may bonus pa, si Tanya lang sana ang kaylangan ko ih.
+ nakilala ko agad ang boses nya kahit hilong hilo pako ay pinilit ko syang tingnan.
Chris- alam mo yan ang napapala mo, nakikialam ka pa kasi. Yan tuloy kinaylangan ko pang banggain ang kotse mo.
Jim- Anong ginawa mo kay Tanya?
Chris- ha? Wala naman. Itinali ko lang para sure, tsaka para hindi ka nag iisa.
Jim- tigilan mo na to, kilala mo si Syto, mapapatay ka nun.
Chris- mukang imposible yang sinasabi mo ngayun eh. Lalot hawak ko si Tanya? Hmmm.. Malabo malabo.
Jim- tingin mo ba hahayaan na lang to ni Syto?!!!
+ lumapit pa sya sakin at bahagyang umupo.
Chris- wag ka mag alala, oras na sumunod sya dito, wala na syang aabutan na Tanya.
Jim- Ano pa bang gusto mo? Lahat na ng karangyaan nasayo, pati kademonyohan pinossess mo!!
Chris- sabihin mo na ang gusto mong sabihin hanggat kaya mo, dahil wala akong pakialam sayo!! Pero magiingat ka, kapag na bwisit ako baka mauna ka na sa kanila.
+ kung makakawala lang ako dito, ibubuhos ko lahat ng lakas ko para pahirapan tong tao na to!!!
Chris- kumuha kayo ng tubig at buhusan yang babaeng yan!! Masyado ng matagal ang pahinga nyan!!
+ ginawa nga yun ng mga tauhan nya pag alis nya, ng magising si Tanya ay sinarhan na uli nila ang pinto. Ubo ng ubo si Tanya at ng makita nyako agad syang nagpumilit lumapit pero dahil nakatali ang paa at kamay nya ay hindi nyato magawa ng basta basta.
Jim- wag mo ng pilitin, dyan ka na lang gagawa ako ng paraan okay.
Tanya- ayos ka lang?
Jim- oo
+ sinubukan kong pagtiyagaang alisin ang pagkakatali ko pero mahigpit, lumuwag man ng konte pero di sapat para maalis ito.
Tanya- jim.
Jim- wag ka maingay.
Tanya- Jim!
Jim- saglit.
Tanya- makinig ka kadi muna.
Jim- ano?
Tanya- kaninang binangga tayo, nilagay ko sa kanang bulsa ng polo mo ang cellphone ko.
Jim- bat ngayun mo lang sinabi?
Tanya- ayaw mo kasi makinig, bilis.
Jim- wait.
+kaya pala sya nakakapit kanina sa damit ko pinilit kong abutin ang bulsa ng polo ko, at ng maabot ko, agad kong kinuha ang cp nya, kahit mahirap ay pinilit kong tumabingi para lang makita ang screen nito.
Jim- Tanya!!
Tanya- ano?
Jim- anong password?
Tanya- 1144
Jim- okay.
+ ng mabuksan ko ay agad akong naghanap ng matatawagan.
(Syto POV)
+ ang tagal naman nung dalawa. Iba ang pakiramdam ko ah.
Syto- Nathan, tawagan mo nga sila.
+ dinial nya ang number ni Jim pero cannot be reach.
Nathan- wala eh, baka nasa byahe na pauwe. Si Tanya tatawagan ko din.
+ sinubukan nyaring idial pero in another call ito.
Syto- nag aalala nako.
Nathan- tatawagan ko uli.
+ nagulat kami ng bumukas ang pinto.
Manang- oh?
Nathan- Manang? Akala ko mamaya pa kayo?
Manang- nahiya naman akong magpasundo kay Jim eh kaya umalis na lang ako dun ng maaga.
Nathan- ahhh.
Manang- teka lang pala, kanina pa na ring itong cellphone ko eh saglit lang ha.
+ tsk! Masyado ng matagalng dalawang yun.
Manang- hello? O jim?
+ napatingin kaming dalawa ni Nathan at napatakbo papalapit kay manang.
Nathan- Manang ako na kakausap.
Manang- o sige, ano bang meron?
Nathan- Asan na ba kayo?
+ lumapit ako para makinig. parang bumubulong lang sya sa kabilang linya, kaya di maintindihan.
Nathan- hindi kita maintindihan.
” tulong”
+ nagkatinginan kami ni Nathan. At halatang pareho kami ng iniisip
Nathan- Si Chris.
+ mabilis akong kumilos para kunin ang susi. Nakita ko namang nagdala ng baril si Nathan.
Manang- dyusko san kayo pupunta? Bakit may dala kang baril.
+ tumingin sya sakin.
Nathan- proteksyon.
+ lumabas nako agad.
Nathan- manang tumawag ka ng pulis, itetext ko sayo ang lugar mamaya.
+ sabi ko na nga ba, dapat di ako pumayag!
Para akong panlalambutan ng tuhod.
Nathan- tayo na.
+ hinawakan ko sya sa balikat.
Nathan- bakit?
+ tumingin ako sa kanya ng diretso.
Syto- may hihilingin ako.
(Tanya POV)
+ namatay daw ang cellphone ko sabi ni Jim kaya hindi nya nakausap ng ayos si Manang. Dyusko, tulungan nyo po kami ni Jim, hindi ko na alam kung anong kalalagyan namin dito.
Jim- Tanya, wag ka mag alala makakaalis tayo dito.
+ tumingin ako sa kanya, at parang nakonsensya ako na makita syang kasama ko sa gantong pangyayare. Tumango tango na lang ako at pinilit na kumawala at gawan ng paraan para matanggal ng pagkakabuhol ng tali, nagulat kaming dalawa ng bigla na namang bumukas ang pinto.
Chris- buti naman at gising ka na.
+ hindi na sya nag iisa ngayun, kasama nya na yung lucas. Tumingin ito sakin ng naka ngisi.
Chris- wag ka mag alala, mabilis na lang to.
+ lumapit sya sakin, at hinila ang kamay ko.
Chris- kaylangan ko lang naman ng finger prints mo para makuha ko na yaman ko.
Jim- hayop ka talaga!
Chris- pagkatapos nun, ipapaubaya na kita kay lucas my friend ha.
+ nagulat ako sa sinabi nya, at napatingin kay Lucas.
Tanya- WALANG HIYA KA!!!
+ nagpupumiglas ako.
Tanya- GINAWA KO NA LAHAT!! ANO PA BANG GUSTO MO?!!!!
Chris- kasasabi ko lang di ba.
+ hindi ko na napigilang maiyak sa galit, gustong gusto ko na sya labanan, pero wala ako magawa.
Tanya- parang awa mo na, ...


kahit si sya na lang pakawalan mo. Nag mamaka awa nako.
Jim- hindi!!! Hindi mangyayare yan!!!!
Chris- iba na pala love team mo ngayun. Pano ba yan? Asan na si Syto mo? Siiii Nathan din? kala ko pa naman sila ang unang unang kokontra sakin, eh no to?
Jim- akala mo ba makakatakas ka sa ginagawa mong to? Ako na ang nagsasabi sayo, hintayin mo lang, malapit ka ng matapos.
Chris- bat hihintayin ko pa? Kung pwede namang simulan ko na ngayun. Akin na ang papeles!!
+ lumapit sya sakin at pinilit akong pag lahayin ng finger prints, sinubukan kong pumiglas pero masyado syang malakas, pagtapos ay tinanggal nila ang pagkakatali sakin at itinulak papunta sa lucas na yun!!
Agad naman kong hinawakan nun.
Jim- Tanya!!!
Tanya- bitawan moko!!
Lucas- hayyy, ngayun lang ako nakakita ng babaeng katulad mo, halika, tapusin na natin ang paghihirap mo.
Jim- san nyo sya dadalhin? Bitawan nyo si Tanya!!!!!!
Chris- tama ka na nga!! Pasalamat ka binubuhay pa kita, wala ka namang pakinabang!!!
Jim- Tanya!!!
Tanya- Bitawakan moko!!!!! Jiiiimmmm!!!!! Ahhhhh!!!!
+ sapilitan nila akong inilabas sa kwartong yun at naiwan si Jim, hindi ko na alam ang gagawin ko, pano kung anong mangyare kay Jim!!!
Chris- pano? Ikaw na bahala dyan, alam mo na..
Lucas- no problem. You’ll get what you owe me. Thanks for this.
Chris- enjoy.
+ kinaladkad nila ako palabas ng building pero nagulat ako ng may masulyapan ako na dalawang tao papasok naman ng building, nakasalisihan ko Sila dahil sa kabilang entrance ito pumasok. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko na si Syto, susubukan ko sanang sumigaw ng tulong pero hindi ko nagawa, Si Jim. Kahit si Jim na lang. Parang bumagal lahat sa paningin ko, Syto!! Pakiramdam ko ito na ang huling beses na makikita ko ang muka mo. Sorry!
Lucas- sakay!
+ napasakay nila ako sa isang sasakyan, at pinaandar yun papalayo, nakatanaw lang ako at wala ng ka ene-enerhiya para lumaban pa.
(Syto POV)
+ mabilis kaming umakyat papunta sa opisina ni Chris, kasunod ko naman si Nathan, nasa harap pa lang kami ng opisina nya ay tanaw ko na ang demonyong yun at halatang kita nya rin kami, ngumisi pa ito.
Lalong nag init ang dugo ko.
Nathan- Syto! Paparating ang mga pulis hayaan—
Syto- akina ang ang baril.
Nathan- ano bang sinasabi mo?
Syto- tatapusin ko na to.
Nathan- nasisiraan ka ba? Hayaan na lang natin sya at hanapin si Jim at Tanya!!
+ humarap ako sa kanya at kinwelyuhan sya.
Halata sa muka nya ang gulat, hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko lalot nasa harap ko ang taong nagpapahirap sakin ng ilang taon.
Syto- gawin mo na lang ang hiniling ko!!
Nathan- alam mong hindi ko magagawa yan, kung narito si tanya, hindi sya papayag sa iniisip mo.
Syto- wala ng kinalaman ang lahat dito. Personal na galit to.
+ mabilis kong bununot ang baril mula sa kanya. Hinawakan nya ko agad sa kamay.
Nathan- wag mong gagawin yan!
Syto- bitaw!
+ tiningnan ko ng diretso si Chris na nakangisi sakin sa kabila ng bintana ng opisina nya.
Nathan- parang awa mo na, makinig ka naman sakin!!!!! SYTO!!!
Syto- SABING BITAW!!!
+ hinila ko ng malakas ang braso ko kaya napabitaw sya.
Nathan- KUYA!!!!
+ napatigil ako ng marinig yun.
Nathan- hindi ka papatay ng tao! Hindi mo kayang gawin yun.
Syto- matagal mokong hindi nakasama, hindi mo pako kilala.
+ mabilis akong naglakad papasok ng opisina para harapin ang nakabantay na si Chris, ni lock ko agad ang pinto kaya naiwan sa labas si Nathan. Pinaghahampas naman ni Nathan yun at pinilit kalabugin ang mga salamin.
Nathan- kuya!!!
+ tumingin ako sa kanya ng seryoso.
Syto- hanapin mo si Tanya bilis!!!!!
+ matagal syang tumingin sakin, alam kong ayaw nyato, pero hanggat hindi nawawala sa mundo ang taong to, hindi matatahimik ang buhay namin. Napilitang umalis si Nathan para hanapin si Tanya at Jim.
Chris- tapang mo talaga.
Syto- diba ito ang gusto mo? Ang harapin kita.
Chris- ganan na ba ang galit mo? Para di na mapigilang pag aksayahan ako ng oras?
Syto- tapusin na natin to!!
Chris- tumigil ka na, hindi mo ba napapansin lahat ng tao sa paligid mo nahihirapan na dahil sayo. Simula pa lang sa kapatid ko, pati ba nman ang kawawang Tanya na yun? Dinamay mo pa.
+ hindi ko na napigilan at sinapak ko na sya..sabay tutok ng baril sa kanya habang lumupasay sya sa sahig.
(Nathan POV)
+ binuksan ko lahat ng pedeng buksan na kwarto hanggang sa makarating ko sa kwartong binabantayan ng dalawang lalaki. Tumayo sila at aktong dedepensa.
Lalaki- Nathan! Wag ka na makialam sa problemang to, para di ka na masaktan.
Nathan- sa inyo ko dapat sinasabi yan, umalis na kayo hanggat maaga, parating na ang mga pulis.
Lalaki- wag ka na makulit!
Nathan- alis!
+ tumawa sila at akmang sasapukin ko ng marinig namin ang sirena ng mga pulis, nagulat sila pareho at nagkatinginan.
Nathan- kung hindi pa kayo aalis aabutan na kayo!
Lalaki- tama sya. Tayo na.
+ nakatingin silang umalis sakin kaya ng makalayo na sila ay sinira ko na ang podlock ng pinto at sinipa yun para mabuksan.
Nathan- TANYA??? JIM!!!
Jim- Nathan!!!
+ agad ko syang nilapitan at kinalas ang pagkakatali.
Nathan- nasan si Tanya?
Jim- dinala ni Chris, ibinigay nya dun sa isang lalaki, bilisan natin baka abutan pa natin.
+ inalalayan ko na sya patayo at mabilis na lumabas ng kwarto nayun, lalabas sana kami ng building nagbabaka sakaling abutan si Tanya pero pareho kaming napatigil ng may malakas na putok ng baril na lamang kaming narinig. Mula yun sa Office ni Chris. Masama ang pakiramdam ko. Sana mali ang iniisip ko.
Nathan- kuya.
Itutuloy…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top