πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝔽𝕀𝕍𝔼 ✍︎


Paulit-ulit na binagabag ni Rain ang isip ni Claire. Halos hindi na ito nakatulog.
“Okay ka lang, Claire? Mukhang puyat na puyat ka.” nag-aalalang sabi ni Lara.
“Okay lang ako.” sabi niya at saka tipid na ngumiti.
Mailap sa kanya lahat ng estudyante, maski mga canteen staff, janitor at mga cashier.
πŸ’­ Grabe, ganun ba sila katakot sa ulan na yun? πŸ’­
Napatigil siya sa pagbabasa ng libro nang mag vibrate ang cellphone niya.
π™΅πšπ™Ύπ™Ό: πš„π™»π™°π™½ πŸ™„
π™Ώπšžπš–πšžπš—πšπšŠ πš”πšŠ 𝚜𝚊 πš‘πš’πšπšŽ 𝚘𝚞𝚝, πš—πšπšŠπš’πš˜πš— πš—πšŠ!
Napabuntong-hininga siya.
πŸ’­ Mamaya na siya, tatapusin ku muna tong binabasa ko. πŸ’­
Nawili yata siya sa pagbabasa dahil inabot siya ng 10minutes. Lalabas na sana siya ng library nang tawagin siya ng librarian na mukhang estudyante rin.
“Bakit po?” tanong ni Claire.
“Linisin mo ang buong library.” napaawang nalang ng labi si Claire sa sinabi nito.
πŸ’­ Tama ba ako ng narinig? πŸ’­
“Po?”
“Inutos ni Mr. Fuenteblanca na linisin mo daw buong library,”
Huminga ng malalim si Claire. “Sige.” gusto na niyang sumuway pero baka tapunan na naman siya ni Rain ng kung anu-ano. Actually hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maglinis.
Nagwalis mu na siya, saka nagpunas ng alikabok. Inutusan din siya na ayusin ang mga libro, mag mop ng sahig at kung ano ano pa.
πŸ’­ Grabe, buti mamaya pa yung next class ko. πŸ’­
π™΅πšπ™Ύπ™Ό: πš„π™»π™°π™½ πŸ™„
π™Ώπšžπš–πšžπš—πšπšŠ πš”πšŠπš—πšŠ πšπš’πšπš˜! π™½πšπšŠπš’πš˜πš— πš—πšŠ!
Napairap siya at inayos ang mop. Kinuha niya ang mga gamit at nagpaalam sa librarian saka nagtungo sa hide out nila Rain.
Si Rain lang ang tao sa loob, prente siyang nakaupo sa couch. Wala yung ibang BTS group.
“Ano na naman ba?! Katatapos ko lang maglinis ng buong library ng school na to tapos mamadaliin mo ako papunta dito?!” nakapamaywang na sabi niya at napakunot ang noo ni Rain.
“Bakit mo nilinis yung library?” tanong niya.
Napairap si Claire. “Malamang. Pinalinis mu sakin,”
πŸ’­ Nakakairitang ulan na to πŸ’­
“Sinong nag-utos sayo?” tanong niya.
“Yung librarian, bakit mo———” natigilan si Claire, hindi na ni Rain pinatapos magsalita ito. Agad itong lumabas...


ng hide out. Napakunot noo nalang si Claire habang hinahabol niya ng tingin.
“Anong problema non?”
Nagpunta nalang siya ng canteen para bumili ng tubig at tinapay. Ginutom siya kakalinis ng library.
“Oh my God!”
Napatingin si Claire sa madaming tao na nagkukumpulan doon sa may library.
Nakichismis na din siya at nakisiksik.
Na-shock si Claire sa nakita. Yung librarian………
“Ayoko sa lahat, yung pinapangunahan ako,” sabi ni Rain saka muling binato ng itlog ang mukha ng librarian nakatali ito sa upuan.
“Ayoko sa lahat yung nagmamarunong,” kamatis naman ang binato ni Rain sa kawawang librarian.
Ang dumi dumi na ng librarian dahil puro kamatis at itlog ang binabato sa kanya.
“Ganyan ang mga mangyayari sainyo, kapag ginawa niyo ang mga bagay na ayaw ko,” malamig na sabi nito sa mga estudyanteng nanonood.
“Ikaw ang maglinis niyan tutal nagmamarunong ka,” sabi ni Rain sa kawawang librarian na umiiyak na.
πŸ’­ Grabe siya, wala siyang puso. Bakit niya naman ginawa yun sa librarian?! πŸ’­
Bahagyang napaatras si Claire nang tumingin sa kanya si Rain. Napalunok siya nang lumapit sakanya si Rain at hinila palayo sa lugar na iyon.
“B-Bakit mo ginawa yon, Rain? Grabe ka.” sa totoo lang, natatakot na si Claire sa kanya.
πŸ’­ May dahilan naman pala ang mga estudyante kaya iniiwasan nila ako. πŸ’­
“Ang tanga tanga mo!”
Natigilan si Claire. πŸ’­Ano daw? Tanga ako? πŸ’­
“Wala akong inutos na linisin mo yung p*t*ngin*ng library na yon.”
“Sabi niya, inutos mo na——-”
“Wala akong inutos!” napapitlag si Claire sa pagsigaw ni nito.
πŸ’­ Bakit ba galit na galit siya?! Ako naman ang nahirapan. Di naman siya, eh. πŸ’­
“Sa text messages ko at sa salita ko lang ang paniniwalaan mong utos ko sa susunod, ha? Ang tanga tanga mo!” naiiritang sabi niya.
Tinignan siya ni Claire ng masama. “Bakit ba big deal sayo yun? Ako naman ang nahirapan, eh! Hindi naman ikaw!”
Tinignan siya ni Rain ng masama. At napaiwas nalang siya ng tingin.
“Walang karapatan yung ibang tao na pahirapan ka………. ako lang ang may karapatan na magpahirap sayo!!!!”






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top