A…K…L…A…T


Permission to post po ❤…thank you so much po!
Isang maikling kuwento na kapupulutan nyo ng aral.
BASAHIN AT UNAWAIN…
” A…K…L…A…T .” 📚
Magaling siyang sumayaw, kumanta at isa pa matalino siyang babae.
Maagang tumibok ang PUSO niya, kapag kaharap at nakikita na niya ang isang taong nagpapatibok nito ay bulgar na ipinapakita niya ang pagmamahal niya rito, hindi siya nahihiya pero lubusan siyang nasasaktan.
Iyan si DANICA DELEON, isang mag- aaral na nainLOVE sa kanyang Guro, 4th year highschool siya noon ng malaman niya ang tunay na kahulugan ng
PAG-IBIG.
Unang araw ng pasukan, unang araw ng pagpapakilala ng mga GURO sa kanilang mag-aaral at MAG-AARAL sa kanilang Guro.
Anim na Guro na ang nakikilala ni Danica hanggang dumating ang ikapito- si Ginoong RICO DELACRUZ.
Si Mr. Delacruz, ang naging inspirasyon ni Danica sa kanyang pag-aaral, kaya naman lagi siyang masaya sa bawat araw.
” Grabe, ang galing talaga ni Sir. DelaCruz na magturo.” wika niya sa kanyang katabing kaklase, habang pinagmamasdan niya ang kanyang Guro.
” Ano ka ba naman Danica? umariba na naman yan pagkabaliw mo kay Sir. DelaCruz.” wika naman ng katabi niyang kaklase.
Lahat ng paraan ay ginawa na ni Danica para mapansin siya ng kanyang Gurong si Mr. DelaCruz, tulad ng pagtaas ng kamay at pagsagot kahit hindi siya ang tinatawag at tinatanong nito.
Ang mas matindi ay ng sumali siya sa sayaw, talagang ibinuhos niya ang lahat pero hindi parin siya pinansin ng kanyang Guro.
Di lingid sa mga kaklase at kaibigan ng dalaga ang pagmamahal ni Danica sa kanyang Guro na si Mr. DelaCruz.
” Danica, ipagtatapat mo ba kay Sir. DelaCruz ang nararamdaman mo?.” wika ng kaklase ni Danica.
” Hindi pa siguro sa ngayon, dadaanin ko na lang sa kanta.” wika naman ni Danica.
Ginawa ni Danica na kumanta sa mismong kaarawan ng kanyang Gurong si Mr. DelaCruz, taos pusong inihandog ni Danica ang napakagandang awitin…
” 🎤At kung hindi ngayon…ang panahon… upang ikaw ay mahalin♩ 🎼 Bukas na walang hanggan🎶
🎵hanggang matapos ang kailanpaman… 🎶Ako’y maghihintay parin🎵.”
Pinalakpakan siya ng mga kaklase niya at ni Mr. DelaCruz… bakas sa mukha ni Danica ang katuwaan.
Nang mag-uuwian na nagpaiwan si Danica, lakas loob niyang kinausap si Mr. DelaCruz.
Sa pagkakataon na ito di niya isinama sa balak niya ang kanyang mga kaibigan.
“Sir. Rico… yun Song na yun kinanta ko ng buong pagmamahal yun para sa iyo.” wika ni Danica.
Nagpasalamat ang Guro kay Danica pero di niya lubos maisip na may kahulugan pala ang sinabi ng dalaga.
” Salamat muli Danica, ang ganda ng kantang iyon, ang galing mo talagang kumanta.” Pagpapasalamat ni Mr. DelaCruz kay Danica.
Ngumiti naman ang Guro habang nagpapasalamat kay Danica matapos ay may inasikaso na...


agad ito na gagawin.
Halatang halata ni Danica na wala talagang pagtingin sa kanya ang kanyang Guro.
Kaya dito na siya nag-react…
hinawakan niya ito sa kanang kamay sabay tanong niya ng ganito…
“Sir. Manhid ka ba?
Di mo ba napapansin na mahal kita?.”
Nagulat si Mr. DelaCruz kay Danica at tumingin siya rito.
Tuloy tuloy parin sa pagsasalita si Danica.
“Oo! gusto kita… humahanga ako sa personalidad mo at gusto kong maging tayo… hindi ko nga maintindihan, Bakit ikaw pa ang minahal ko? Bakit ikaw pa ang pinili ng puso kong ito? Pinipilit kong pigilan kasi alam kong mali at hindi tama pero ano ang magagawa ko kung ang isinisigaw nito ay ang Pangalan mo Sir. Rico DelaCruz.” Mangiyak ngiyak na si Danica habang binubulgar ang pagmamahal niya kay Mr. DelaCruz.
Naunawaan ni Mr. DelaCruz ang mga pananalitang iyon ni Danica pero para sa kanya… si Danica ay tulad lamang ng isang batang dapat lumugar sa pagkabata, di niya ito kayang mahalin, bilang isang babae kundi bilang bunsong kapatid lamang ang turin niya rito.
” Danica, alam mo ba na bata ka pa? marami ka pang makikilalang kaedad mo… Ako may asawa na at mga anak, alam kong may nakalaan rin para sa iyo, higit na magmamahal sa iyo, isang taong ibibigay ng DIYOS para sa iyo.” Mahabang paliwanag ni Mr. DelaCruz.
Maya maya ay iniabot ni Mr. DelaCruz kay Danica ang isang AKLAT…
“Basahin mo ang Aklat na iyan, makakatulong yan sa iyo at marami kang matututunan.” Nakangiti at sabay tapik ni Mr. DelaCruz sa balikat ni Danica at lumabas na ito.
Nabigla si Danica ng mga oras na iyon, agad siyang natigilan, napaisip at unti unti niyang binuklat ang aklat na iyon na naglalaman ng malalalim na salita, tahimik niya itong binasa.
” Ang Pag-ibig ang pinakadakila sa Pananampalataya at Pag-asa kung kaya dahil sa Pag-ibig naligtas rin tayo sa kasalanan sapamamagitan ng atin DIYOS na si JESUS… ibinigay niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.
Hindi malinaw kay Danica ang mga katagang nabasa niya na binibigkas sa aklat na iyon kaya nagtanong siya kay Mr. DelaCruz.
Agad naman na ipinaliwanag ni Mr. DelaCruz ang mga nakasaad sa aklat na iyon.
Mula noon di na pinangarap ni Danica na magkaroon sila ng mas malalim na relasyon ng kanyang Guro… itinurin na lang ni Danica si Mr. Dela Cruz na isang mabuting Guro, kaibigan at mabuting Kuya.
Maraming bagay pa ang natutunan ng dalaga sa kanyang Guro, tulad ng BUHAY at ISPIRITWAL at ang pinakamahalaga sa lahat, nakilala ni Danica ang tunay na DIYOS, ang unang umibig sa atin, Ang atin Panginoong JESUS na nagbibigay sa lahat ng bagong BUHAY at PAG-ASA.
…W…A…K…A…S…
BLESSED SUNDAY EVERYONE🙏☝💕






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top