The_lost_daughter Chapter_27


Sinama ako ni daddy sa hacienda para dito muna mamalagi pansamantala.
Tinawagan ko din muna agad si manang flor na siya muna bahala kay baby cristine,hanggang sa bumalik naku dahil sa pagbalik ko sisiguraduhin kung makukuha ko nang legal ang anak ko.
Pagdating namin sa hacienda ay napamangha ako sa magandang disenyo nang bahay mukhang bagong gawa pa ito.
Naalala ko tuloy ang sinabi noon ni Syra na may binabantayan siyang nirenovate na bahay sa hacienda,hindi kaya ito yun.
Napapangiti na lang ako na isipin na pinagtyagaan nila mariel at syra na irenovate ang bahay nang hacienda,yun pala ay ako lang ang titira.
Hindi lang titira kundi magiging akin pa.
Nilibot ko ang hacienda kasama si daddy,napakagandang tingnan ang mga magaganda tubo nang palay at ibang mga pananim.
Malamig ang hangin dahil napalibutan ang hacienda nang malalaking puno.
May mga alaga din si daddy na mga hayop,tulad nang kabayo kalabaw baka lahat na yata nang klasing hayop na pwede pagkakitaan ay may alaga si daddy at sa dulo naman ay may malinis na ilog.
Marami din mga nakapalibot na mga bantay sa buong hacienda
Janelle,gising ka naba anak..
Rinig ko sa umaga ang pagtawag ni daddy sa labas nang kwarto ko.
Janelle baby kung gising kana,bumaba ka na ha pinagluto kita nang makakain.
Opo dad baba na po ako.
Pagbaba ko kita ko si daddy na busy busyhan siya lang ang naghanda nang pagkain sa lamesa,ni walang kasambahay na tumulong,pero tuwang tuwa ito sa ginagawa niya.
Pagkakita sakin ni daddy ay agad niya ko hinilaan nang upuan
Anak kumain ka nang marami ngiti nitong sabi.
Masarap ba ang luto ko anak,agad na tanung ni daddy nang natikman ko na ang luto niya.
Opo dad,salamat po!
Simula ngayong araw anak, ipagluluto na kita lagi nang makakain mo.
Makabawi man lang ako sa ilang taon na hindi pag alaga sayo.
Dad marunong din po ako magluto,gusto ko din na pagsilbihan ka bilang anak mo ngiti kung sabi.
Natigil ang pag uusap naming yun nang lumapit ang isang kasambahay.
Sir,nandito po si General alex.
Okay pakisabi na lang hintayin ako sala.
Janelle maiwan muna kita dito ha,kakausapin ko lang ang tito alex mo.
Okay dad.
Alex kamuzta may balita kana ba kay armando agad na tanung ni Don federico.
Kunting impormasyon lang ho,don federico ang nabalitaan ko.
Nung namatay daw ho ung kuya ni Armando na si Alfred ay umuwi daw ito nang pinas.
Lumipas naman nang dalawang araw nang may lumusob sa mansyon niyo ay bumalik daw si Armando nang ibang bansa.
Pero ngayon Don federico ay nasa pinas na si Armando.
Pero wala pa hong nakitang ibedensya na si armando nga ba ang lumusob nun sa mansyon niyo agad na sabi ni General alex.
Bumalik na pala siya,thank you alex ipagpatuloy mo lang ang pag imbestiga mo kay armando.
Pagkatapos kung kumain ay nagpunta nga ako sa sala.
Nang makita naman ako ni daddy ay agad ako tinawag.
Janelle halika dito siya nga pala ang tito alex mo.
Alex ang Anak kung si Janelle,pakilala ni daddy!
Masaya ako para sa inyo don federico nakita niyo na din sa wakas ang isa sa nawawala niyong anak.
Hello po tito agad kung sabi.
Hi senyorita,agad naman nitong sabat.
Janelle na lang po tito.
Hindi pwede senyorita bagay sayo ang tawaging senyorita,nirerespeto ko ang mga magulang mo dahil sa kanila nakapag aral ako at naging isang militar,ngayon ay general nku.
Kaya bilang pag galang ko sa mga magulang mo ay dapat din kita tawaging Senyorita ngiti nitong sabi.
Siya nga pala alex pwede ba mag hire ka nang bodyguard para kay janelle ung tapat sana at mapagkakatiwalaan,ung kayang ipagtanggol ang anak ko.
Alam ko marami parin akong nakapalibot na mga kalaban,ayoko nang maulit ang noon.
Tamang tama Don federico,malapit lang dito ang kampo nang mga bagong recruit na mga sundalo,merong mga baguhan pero sanay ito sa mga labanan.
Pwede kayong sumama sakin para kayo na mismo ang kumilala at pumili ngiti nitong sabi.
Lumipas nga ang isang...


oras ay nasa kampo na kami nang mga sundalo,marami akong nkikitang nag eensayo.
Maya maya ay napabaling ang tingin ko sa isang lalaki na pamilyar,nilapitan ko ito at nakilala ko nga kung sino.
Boknoy tawag ko.
Agad naman ito lumingon at tumitig nang ilang minuto bago magsalita.
Chuchay!!? Gulat nitong tanung..
Si boknoy na mataba at mortal kung kaaway nung mga bata pa kami,ngayon ay isa nang sundalo at makisig.
Sabay kami ni boknoy naglakad pa ikot sa kampo nang magsalita ito.
Patawarin mo ako noon chuchay ha,kung naging masama ako sayo nung mga bata pa tayo.
Alam mo ba chuchay dahil sa ginawa mo,diko na inulit ang mambully.
Natakot ako non na baka mabulag ako.
Wala na yun boknoy past is past kalimutan na natin yun
Hindi ko akalain chuchay na anak ka pala nang isang mayaman at negosyante.
Nalaman ko din pala chuchay na naghahanap ka nang bodyguard mo,pwede ba ako chuchay.
Sigurado ka gusto mo maging bodyguard ko!?
Oo naman chuchay at gagawin ko ang lahat bilang bodyguard mo maprotektahan ka lang.
Ok sige tanggap ka na maging bodyguard ko,agad kung sabi kay boknoy.
Meron pa akong kasama chuchay si philip maging tapat din ito na maging bodyguard mo,sabi ni boknoy habang tinuturo c philip.
Malaking tao ito,at mukhang matapang dahil sa itsura nito.
Kaya pagbalik namin ni daddy sa hacienda ay kasama na nmin si boknoy at philip bilang bodyguard ko.
Binigyan din ako ni daddy nang dalawang tauhan niya na matagal na ngtrabaho sa kanya.
Ilang araw din ang lumipas nang maisipan kung puntahan sila ondo at cynthia.
Pagbaba ko nang sasakyan ay nagulat pa ang mga ibang mga tindero at tindera na lumabas ako sa mamahaling sasakyan at sinundan Nang mga bodyguard.
Chuchay bumalik ka rinig kong sabi nang isang tindera.
Hello chuchay sabi pa nang isa ang iba naman ay nginitian lang ako,dumiretso naman ang lakad ko papunta sa pwesto nila ondo at cynthia.
Ondo bago ka pumunta dito,kinuha mo ba ung mga sampayan natin baka umulan,rinig kong sabi ni cynthia.
Sampahan niyo agad kung sabat na nkangiti.
Chuchay sigaw ni cynthia at agad akong niyakap.
Ondo cynthia anong meron sa inyo agad kung tanung sa kanila.
Chuchay sorry ha hindi ako naging loyal sayo,pero pramis ikaw ang first love ko si cynthia lang ang true love ko birong sabi ni ondo na nagpatawa sakin.
Ako din chuchay sorry hindi din ako naging loyal sayo,pero ikaw din ang first love ko si ondo naman ang true love ko,ngiti namang sabi ni cynthia.
Naku..tama na nga yung biro niyo inis kung sabi.
Hinawakan ni cynthia kamay ko chuchay,nagsasama na kami ni ondo ngiti nitong sabi.
Hoy ondo bakit hindi mo pinakasalan si cynthia.
Nag iipon pako pangkasal namin chuchay.
Teka nga pala chuchay,nung isang linggo yata may nagtatanung sayo na matanda tatay mo daw,anak myaman ka pala chuchay.
Alam ko na,nakausap ko na si daddy.
Daddy!!? Sabay nman ang dalawa na nagulat.
Oo si federico Fernandez ang totoo kung ama.
Kilala ko yan chuchay ung gobernador dati at isang napakayaman na negosyante.
Ang yaman mo pala chuchay.
Ondo gusto mo bang magtrabaho sakin,agad kung tanung kay ondo.
Anong namang trabaho chuchay.
Ang maging bodyguard ko,malaki ang isasahod ko sayo ondo para makaipon muna kayo ni cynthia nang pang negosyo at pagawa nang bahay,sa kasal niyo ako na bahala sa gastos ngiti kung sabi sa kanila.
Chuchay Bkit si ondo lang tinanung mo,pwede rin naman ako maging alalay o secretary mo na lang pala para sosyal,birong Sabi ni cynthia.
Ok ondo cynthia hired na kayo,ngiti kong sabi.
Bago umuwi ay dumaan muna ko sa mga nagbebenta nang mga aso,may napili agad ako na aso dalalawang aso ang binili ko,na malalaki.
Nagulat naman si daddy na makita ang mga tauhan ko na may hinahawakang aso.
Janelle ano gagawin mo sa aso.
Pang proteksyon dad,para sa mga taong masasama at magnanakaw ..
Inihanda ko lang ang sarili ko para sa nalalapit naming patutuos nang mga taong kinamumuhian ko.
Itutuly bukas ulit reades antok much naβ˜ΊπŸ˜‡






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top