Balik kami ngayon sa hospital dahil ngayon ang itinakdang operasyon ni Ryleigh. Sina Ryder, Mama, Papa, Mama Estrella at Papa Ferdinand ay kasama ko ngayon sa kwarto ni Ryleigh upang hintayin ang alas-otso dahil ililipat na siya sa OR. Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok si Ryker at naghahanda na ito sa operasyon ng aming anak. Agad akong napatayo at pagkakita niya sa akin ay agad akong binigyan ng halik sa aking mga labi saka tinuon ang kanyang atensyon sa aming anak na babae.
“Are you ready for your operation?” tanong nito kay Ryleigh.
“Papa, I’m scared. What if I will not make it?” Napatingin naman sa akin si Ryleigh at agad na naiyak.
“Ssshhh…Papa is here. Hindi ko hahayaan na matakot ka. Hindi mo nga mararamdaman na ooperahan kita kasi matutulog ka. Paggising mo ay magiging healthy ka na ulit,” paliwanag ni Ryker para mawala ang takot ni Ryleigh.
Napatingin naman sa akin si Ryleigh at tinanguhan ko siya sabay inabot ang aking kamay. “Can Mama stay with me while I sleep?” Nagkatinginan kami ni Ryker at napatungo. “Please?”
“Okay, but she can’t come inside the operating room. She can only watch from near you.” Nakangiti namang tumango si Ryleigh at hinalikan ko ang kanyang kamay.
Pinalabas na kami ni Ryker at sinabi na maghintay na lang kami sa waiting area. Habang lumalabas sila ay may mga pumasok nang mga nurse para i-prepare si Ryleigh. Nabaling ang atensyon ni Ryker sa akin at saka hinawakan ako sa magkabila kong mga braso.
“If you can’t take it, you are free to leave the room. Hindi ko kasi alam kung kaya mong makakita ng dugo lalo na kung galing sa anak natin.” Napangiti naman ako kay Ryker at umiling.
“I’ll be fine. I-Isa pa I’ve seen blood for how many times.” Nagtaka naman si Ryker at tatanungin na sana niya ako kung ano ang ibig kong sabihin nang sinabi ng nurse na ready na si Ryleigh. Sa tingin ko ay mukhang nakalimutan ni Ryker na naging suicidal ako noon kaya gano’n na lang siya makatingin sa akin.
Lumipas ang ilang oras at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang operasyon ni Ryleigh. Kanina pa ako palakad-lakad pero wala pa ring balita kung kumusta na ang aming anak. Maya-maya ay nakarinig ako na successful ang operation ni Ryleigh at napaangat ang tingin ni Ryker sa akin sabay ngumiti siya. Gumaan ang aking pakiramdam nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo kaya napahawak ako sa railings. Bigla na lang akong napaupo sa sahig habang sapo ko ang aking ulo. Halos ipikit ko na ang aking mga mata dahil umiikot ang aking mundo. Pakiramdam ko kapag imumulat ko ang aking mga mata ay matutumba ako.
“Serenity?” rinig kong sigaw ni Ryker sa aking pangalan pero hindi ko siya kayang sagutin.
Unti-unting nawawala ang aking diwa dahil parang nasa malalim akong balon at nawawala ng paunti-unti ang aking malay. Ang huling naalala ko na lang ay ang boses ni Ryker na sinisigaw ang aking pangalan.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang natumba ang asawa. Buti na lang at tapos na ang operasyon ni Ryleigh kundi ay hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. Agad kong tinaggal ang nakapulupot na aking doctor’s gown at mabilis na binuhat si Serenity. Agad akong nagpatawag ng stretcher upang agad na gamutin si Serenity. Sinabi ko sa mga nurse at ang kasama kong doctor na tumulong na nag-opera sa aking anak na siya na ang bahala na maglabas sa aking anak. Umuo naman siya habang agad na pinacheck-up ko si Serenity. Agad kong tinawag ang kaibigang si Jack dahil sa hospital na ito ay ang kaibigan lang ang pinagkakatiwalaan ko.
“What is it? What happened to her?” tanong ni Jack sa akin.
“I don’t know,” sagot ko kay Jack na nag-aalala. “She just collapsed, and I don’t know why.”
Agad namang chineck-up ni Jack ang asawa ko at sinabi sa akin na maghintay na lang muna ako sa labas ng clinic niya. Hindi naman tumagal ng ilang minuto ang checkup ni Jack dahil agad itong lumabas at masayang napangiti sa akin na parang baliw. Agad na niya akong tinawag sa kanyang clinic at saka may isinusulat na kung ano sa kanyang papel. Pagka-upo ko sa upuan na nasa harapan ng table niya ay bigla na lang siyang may inabot sa akin. Pagbasa ko ay puro vitamins ito na aking ipinagtaka.
“What is wrong with my wife? Bakit puro vitamins ang binibigay mo sa akin? Bakit may...