Serenity
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nakita kong nasa tabi na namin si Ryker na tulog pa. Napangiti ako dahil nakayakap pa ang aking anak na si Ryder sa kanyang ama habang nakapulupot naman ang kamay ni Ryker dito. Napangiti ako kaya naman kinuha ko ang aking cellphone sabay pinicturan silang dalawa.
Dahan-dahan akong bumangon upang hindi sila magising sabay pumanhik sa baba nang makita ko sina Linda at Maria na abalang nagluluto para sa aming almusal. Nang makita nila ako ay sabay nila akong binati at agad naman akong ngumiti sa kanila. Tumulong na rin ako sa paghahanda sa hapag kainan. Habang naghahanda kami ng almusal ay tinanong ko sila tungkol sa garahe kagabi.
“Ahm, kayo ba iyong nasa may bandang garahe kagabi?” tanong ko sa kanilang dalawa at nagtinginan naman silang dalawa.
“Ano po ang ibig niyong sabihin Ma’am? Ang pagkakaalala ko naman po ay tulog na ho tayong lahat. Bakit ho may nakita ho ba kayo kagabi sa may garahe kagabi? Hindi ho kaya si Sir Ryker lang ho iyon?” tanong ni Maria sa akin at umiling ako agad.
“Imposible e kasi hindi pa dumadating nun si Ryker. Kung sakaling dumating na siya ay sana narinig ko ang sasakyan niya,” sagot ko naman sa kanilang dalawa.
Nagtataka silang napatingin sa akin at halata ang takot sa kanilang mga mukha dahil sa aking mga kwento. Hindi ko na lang itinuloy na tanungin pa sila dahil mukhang wala nga silang narinig kagabi at tanging ako lang ang nakarinig. Maaaring guni-guni ko lang din kaya kung anu-ano na ang mga naririnig ko.
Nang matapos kaming maghanda ng almusal ay pumanhik ako sa taas upang gisingin ang aking mag-ama pero pagdating ko sa kwarto namin ay nakita kong gising na pala silang dalawa at nagtatawanan pa. Pagkakita nila sa akin ay mabilis akong ngumiti at saka tinawag na silang dalawa sa hapag kainan.
Nauna na akong bumaba at saka muling tinulungan sila Linda sa paglagay ng mga pagkain sa mesa. Nakababa na ang mag-ama at agad na silang umupo sa harapan ng hapag kainan. Linagyan ko ng pagkain ang pinggan nilang dalawa habang si Linda naman ang abalang naglalagay ng juice sa baso namin. Nagsimula na rin akong kumuha ng aking mga pagkain nang maalala ko si Ryleigh.
“Ryker? Si Ryleigh kumusta na pala siya?” Napangiti siya sabay napatingin sa kwarto ni Ryleigh sa ikalawang palapag ng bahay. “She’s here?” Tumango siya at gano’n na lang ang galak ko nang malaman na nakauwi na si Ryleigh.
Nang matapos kaming kumain ay agad na akong dumiretso sa kwarto ni Ryleigh at nakita kong tahimik na siyang natutulog at parang hindi siya nanggaling sa hospital. Napangiti na lang ako at pinipigilan ko ang maiyak sa sobrang tuwa. Nakatayo ako sa may bukana ng kwarto ni Ryleigh nang maramdaman ko ang yakap ni Ryker sa aking likuran. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang sabay pinatong ang kanyang baba sa aking kanang balikat.
“I’m so happy that she’s already well. Thank you.” Humarap ako kay Ryker sabay binigyan siya ng halik sa kanyang mga labi.
“No, my love. I should be the one saying...