NAGPALOAD SI CRUSH KAYA SINAVE KO ANG NUMBER NIYA


NAGPALOAD SI CRUSH KAYA SINAVE KO ANG NUMBER NIYA”
paulit ulit kong saad sa bestfriend ko with matching sayaw pa.
Humalakhak naman ng tawa ang kaibigan ko na ikinakunot-noo ko.
“Crush mo nga crush ka ba?”
Tinignan ko naman siya ng masama bwct! Bakit ko ba naging kaibigan to,wala man lang supporta masyadong mapanaket psh!
“ewan ko sayo basta may number na niya ako wahhhh”saad ko at nagpagulong gulong sa kama.
“Wag ka masyadong umasa masasaktan ka lang”saad niya
Binato ko siya ng unan.
“Ilang ampalaya ba nakain mo at ganyan ka kapait ngayon?!”mataray kong saad sakanya,inirapan lang niya ako at nagdabog lumabas sa kwarto ko.tsk! Hearbroken kasi kaya ang ampalaya masyado amp!
Ipinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi sakin ng kaibigan ko at agad tinext si crush
To:My one and only
Hi crush,kailan mo ba ako ikakacrushback?alam mo bang ilang years na kitang gusto.
Sinend ko agad ito at ilang segundo lang ay tumunog ang phone ko na ikinasigaw ko ng makitang nagreply si crush owemji!!
From:My one and only
Pacencia kna hndi ko alam na may magkakagusto sakin,pero kong sino ka man sisimulan kitang gustohin.
napalunok ako ng mabasa ko ang reply nito.
“WAHHHHHHHH OWEMJIII”sigaw ko at tumalon talon.
huminga ako ng malalim at nagtype na para replyan si crush.
To:My one and only
Really?gusto mo rin ako,owemji!! Hindi ako makapaniwala wahh panaginip ba lahat ng ito? Like 2 years kitang gusto at ngayon mo lang ako napansin gosh! Tadhana talaga mapaglaro ngunit tayo pala ang para sa isat-isa.
sinend ko agad ito at ilang segundo ay nagreply siya.
Pinigilan kong sigaw at nagpagulong-gulong sa kama ko habang kinikilig na binabasa ang...


reply niya.
HANGGANG hindi ko namalayan na 11pm na pala and still katext ko parin si crush ehe worth it ngayon ang eyebags ko dahil kapuyatan ko si crush.
From:Crush
Gd’night lady,matulog kana at magkikita pa tayo bukas at sisiguraduhin kong bukas ay papaligayahin kita.
Napakagat labi ako sa reply ni crush at pinigilan na sumigaw,enebe geys kenekeleg ako wahhh!
Nacrushback ako
tapos yung nagbabasa hindi.ehe!
KINABUKASAN maaga akong nagising at nagready na sa pagpunta sa school naglight make up lang ako dahil ayaw kong magmukhang clown sa harap ni crush.
Umupo muna ako sa bench at hinintay ang bus ng school namin.
at agad akong napangiti ng makita ko si crush na papalapit sa pwesto ko.
“Hi good morning”nahihiya kong saad ngunit hindi ako nito pinansin.
S-Seriously?
“Ah h-hi ulit”saad ko sakanya tinignan naman ako nito na nakakunot noo
“What?!”masungit niyang saad,medj nahurt ako hindi ba niya naalala yung pag uusap namin kagabi?
“Ah d-diba nag usap tayo kagabi d–”
“What do you mean?”putol niya sa sinasabi ko.
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
“D-Diba nagpaload ka sakin kahapon sinave ko kasi yung number mo at tinext kita,nagconfe–”
“Hindi ko number yun”deretsa niyang saad na ikinakunot-noo ko.
“H-Huh?”I asked
“Sa lolo ko yun inutusan lang niya ako na loadan siya”saad niya
para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
at nagpaulit ulit ang sinabi nito sa utak ko.
Sa lolo ko yun inutusan lang niya ako na loadan siya…
Sa lolo ko yun inutusan lang niya ako na loadan siya…
Sa lolo ko yun inutusan lang niya ako na loadan siya…
T-Tsngina?!
//END//






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ayan kasi napa hiya ka tuloy HAHAHA

Leave a Reply


top