BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 26


Naaalimpungatan lang ako ng naramdaman mabigat na braso ni Riguel sa akin.
Matapos ng insidente sa party kagabi ay inaya na ako ni Riguel upang umuwi.
Malapit na mag alas singko dito sa Paris at ang aga ko nagising. Hindi pa rin ako sanay sa oras dito.
Kung nasa Pilipinas kami ay mag aalas dose na siguro duon, Isa sa normal na gising ko kapag weekends.
Babangon na Sana ako, ngunit humigpit pa Lalo ang yakap sa akin ni Riguel.
“Where are you going?” Namamaos n’yang Saad, inaantok pa yata s’ya.
“I’ll shower” Ani ko
“It’s still early, let’s stay like this” usal n’ya naman, tinanguan ko na lang s’ya at pinabayaan sa gusto n’yang mangyari.
Liningon ko s’ya, Ang gwapo n’ya kahit tuloy, napakaamo ng mukha.
I can’t believe na narito kami sa isang kuwarto at magkayakap pa!
Nagawa n’ya na din ba ito sa mga babae n’ya nuon?
Uminit ang ulo ko dahil sa sariling iniisip.
Normal lng na nagawa n’ya na ito sa ibang babae after all he’s Riguel Villarosa, A filthy rich business man, bonus na lang ‘yung kagawapuhan n’ya.
Makalipas ang ilang minuto ay Hindi pa rin s’ya bumabangon,
“Riguel, it’s already 5” malamyos na tinig ang ginamit ko.
Dumilat s’ya at napansin ko agad ang namumungay n’yang mga Mata.
Tumango s’ya, siguro napagtanto na n’yang kaylangan na naming mag ayos para sa mga plano namin ngayong araw.
Ako ang naunang bumangon ng pinakawalan na n’ya ako.
Nagshower ako at gumayak na.
I’m wearing a gray turtle neck, and loose pants, naka tuck in ito at mmaya ay isusuot ko na ang coat na black dahil malamig sa labas.
Lumabas na ako, napansin ko ang mga damit ni Riguel sa higaan.
Accidentally, parehas kami ng kulay ng mga damit.
Tumaas ang kilay ko at binalingan s’ya, nagkibit balikat naman Ito at nagtungo na s’ya sa shower.
Nakarating na nga kami sa Arc De Triomphe, Isa ito sa tourist spot rito sa Paris. Kinuhanan ako ni Riguel ng picture at pinilit ko s’yang kuhanan. Dadalawa lng ang nakuha ko sa kan’ya, stolen ang Isa at busangot naman ang Isa. Ayaw magpakuha sa akin ng picture!
“Come on Riguel, it’s just a photo!” Pagpupumilit ko pa ngunit ayaw n’ya talaga.
“Then let’s just take a pic together!” Aniko, mabilis naman s’yang lumapit sa akin.
Nagwacky pa ako pero si Riguel, normal facial expression lng ang ipinapakita sa mukha.
“Excuse me, Are you two a couple? I can take you a picture” Lintaya ng ginang kanina pa nanunuod sa Amin. I don’t think she’s a Pilipino though, mukhang Brazilian.
Masaya kong iniabot...


sa kan’ya ang cellphone.
“Closer, hands intertwined please” Aniya, mabilis namang kinuha ni Riguel ang kamay ko. Namumula ako, sigurado. Sana lang ay Hindi pansin iyon sa Camera.
“Now put your hands inside her waist!” Sigaw muli ng kumukuha ng picture sa Amin. Hindi na ako makangiti, naghuhurumentado na ang puso ko!
“Baby, smile please” nginisihan n’ya pa ako ng napansin ang reaksyon ko sa ginagawa n’ya.
Ngumuso ako at sinubukang ngumiti.
Hindi ko Alam kung maayos ba ang ngiti ko ruon, o ngiting mukhang kabado na.
“Another one! 4, 3!” Rinig kong saad ng kumukuha ng picture namin.
Bago pa ako makaayos ay hinila na ni Riguel ang bewang ko palapit sa kan’ya at marahan akong hinalikan sa labi.
Narinig ko ang pagclick ng camera kasabay din ng sigaw ng kumukuha ng litrato namin,”Perfect!”
Namumula kong tinignan ang mukha ni Riguel at nakita kong naaliw s’ya sa reaksyon ko! Nakakairita!
“You two look very sweet together, I’ll pray that you too get married soon!” Ani ng Ginang.
Nasa akin na ang cellphone ko, tinitignan ko ang mga litrato namin at bawat lipat ko ay namumula ako.
“Send me those” si Riguel sa likuran ko.
“Paano ko isesend?”
“Instagram” maikling tugon n’ya.
“You have an account?!” Gulat pa ako, tumango s’ya.
“I’m not that active though” tumango ako at tinanong na ang username n’ya.
Tinignan ko ang account n’ya at napansing Wala s’yang post ni Isa pero ang dami n’ya paring followers!
10K?! Really?!
Ang profile n’ya ay s’ya ngunit naka side view lng, Kita ang kagawapuhan n’ya at ang maskulado n’yang katawan.
Naka short lng s’ya rito at topless! Nainis agad ako, kaya andaming nag f-follow sa kan’ya eh!
“Change your profile pic!” Aniko, nginusuhan n’ya ako.
“Why? I’m handsome in there” aniya
“Don’t you get it, Riguel? Girls like those kinds of picture! Change it to your stolen shot I’ve Get!” Ani ko, tumango s’ya ngunit nakanguso pa rin pinipigilan n’ya ang sarili n’yang ngumiti.
Tinignan ko muli ang profile n’ya at nakahinga ako nang maluwang ng iba na Ito, sinunuod n’ya ang sinabi ko.
Nagulat din ako ng may pinost s’ya!
Ako ‘yon at nakatalikod ako! Ang caption n’ya lng ay ‘C’
Madami agad ang nag react ruon at samut sating comment’s.
“Is she you’re girlfriend?”
“Who’s that?”
“You’re in Paris?”
Ngunit Wala s’yang pinansin ni Isa ruon.
Dahil nagpost na rin s’ya ay naisipan kong magpost din.
Pinost ko ‘yung nakaharap ako sa Arc De Triomphe, Side view ‘yon.
“You’re in Paris?” – itsyourgirlmicka.
Agad ko itong nireplyan
“Yes” Cathy.M
To be continued…
__________________
Magandang umaga po salamat sa pagbabasa!💚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top