*2U* Chapter 1


Ang estorya na to ay hindi pangkaraniwan, kaylangan rin ng patnubay at gabay ng inyong sarili haha. Sana po ay suportahan natin mga kakwentuhan. Simulan na natinπŸ’™
(Chapter 1)
(Tanya POV)
+ nakatanaw ako sa bintana ng Taxi na sinasakyan ko, mag aala-sais na ng gabi ng makarating ako sa bahay na pinatatauhan sakin ng tiyahin ko. Imbis daw na walang nakatira, mabuti pang bantayan ko na muna. Simple lang ang bahay, may second floor pero hindi gaanong kalaki. Magkakalayo ang bawat bahay, kaya masasabing tahimik talaga dito. Papasok na sana ako ng bigla akong kausapin ng isang kapitbahay.
Kapitbahay- Miss ikaw ba ang bagong titira dyan?
Tanya- opo. Tiyahin ko po ang may ari nito.
Kapitbahay- ahh, mabuti naman, sayang naman ang bahay na yan kung hindi matitirhan.
Tanya- kaya nga po eh.
Kapitbahay- sya sandali at dadalhan kita dyan ng mamemeryenda mo. Pawelcome narin.
Tanya- naku magaabala pa po kayo.
Kapitbahay- ganun talaga dito. Pumasok ka na at kakatok na lang ako maya maya ha.
Tanya- sige po, salamat po.
+ pumasok na ako sa loob, masyadong luma na ang loob nito, kaylangan pang linisin ng todo. Binaba ko na muna ang gamit ko at pinag aalis ang mga telang naka saklob sa mga gamit. Maya maya naman ay may kumatok na nga. Kaya binuksan ko na ang pinto.
Kapitbahay- heto na. Masarap yan. Ubusin mo.
Tanya- salamat po.
Kapitbahay- ako nga pala si Tessie.
Tanya- Tanya Sy po.
Tessie- may lahi ka sigurong chinese.
Tanya- ahh haha, malayo na po eh.
Tessie- bakit magisa ka lang na lumipat?
Tanya- uhmm, fresh Grad po kasi ako, eh mula po sa probinsya namin dito ko po napagisipang mag apply sa City. Sakto naman po at may matutuluyan narin po ako.
Tessie- ganun ba? O sya sige ganto na lang. Kapag may kaylangan ka, kumatok ka lang dun sa kabilang bahay ha, wag kang mahihiya.
Tanya- sige po. Salamat po uli.
+ Lumabas na sya at pinagpatuloy ko na ang pag aayos ng mga gamit. Marami rami ring ayusin to. Hindi nako nagpalit ng damit. Marurumihan rin naman. Mga ilang minuto na nga akong naglilinis at pinapawisan narin. Sinunod ko ng linisin ang ilalim ng mga sofa at mga bangko.
Tanya- ilang taon bang walang tumira dito at ganto karumi to. Sobrang kapal na ng mga gabok at bahay ng gagamba. Buti na lang at——–
+ nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng may nasungkit akong singsing.
Tanya- kanino to?
+ hindi sya pangkaraniwang singsing. Medyo luma na kung titingnan. Para syang antigo.
Tanya- siguro sa tyuhin kita nho. Naku, mukang mamahalin. Matutuwa si tiya kung maibabalik kita.
+ ibinulsa ko na muna ito at ng matapos nakong maglinis ay inilagay ko na sa drawer sabay naligo na muna ako para magluto naman ng gabihan ko. Mineryenda ko narin ang binigay ng kapitbahay na si Tessie kanina. Mag aalas 8 na ng gabi at balak ko na sanang magpahinga ng–
(toktoktok)
Tanya- hm?
+ gabi na ah, ahh baka may dala na naman na kung ano si Maam Tessie. Pumunta na agad ako sa pinto para buksan ito.
Tanya- Magan…??? Hm?
+ pero ng buksan ko wala namang tao. Hmm, baka mga aso lng na pagala gala. Sinarhan ko na muna uli at kinadado, umakyat nako sa taas para magpahinga kaya pinatay ko na ang ilaw sa baba, at sinarhan pati ang mga bintana. At dahil hindi ako nakakatulog ng bukas ang ilaw pinatay ko narin ito sabay humiga na, nakakapagod din kasi ang byahe mula probinsya lalo nat napakarami kong dala na gamit. Tahimik lang ang gabi na to at napakasarap matulog. Ito rin ang gabi na hindi ko inaasahang magiiwan sakin ng napakalaking marka..
(12:28 Am ng madaling araw)
+ naalimpungatan ako mula sa ingay galing sa baba. Papungay pungay pakong bumangon. Ano na naman ba yun? Binuksan ko ang ilaw at dahan dahang bumaba ng hagdan. Napatigil ako ng may bigla na namang ingay akong narinig, tunog ng mga babasaging bagay. Medyo kinabahan nako pero lakas loob kong kinumbinsi ang sarili ko para bumaba. At dahil patay ang ilaw at sarado ang mga bintana na konting liwanag lang ang naibibigay ay wala akong maaninag.
Tanya- nasan na ba ang switch?
+ kakapa kapa ako ng may marinig akong yapak ng sapatos, at alam ko na palapit yun sakin. Nilakasan ko ang loob ko at pilit hinanap ang switch pero—
Tanya- hmmmm—
=wag kang maingay!!!
Tanya- mmm!!!
=subukan mong magingay, babalian kita ng buto!!
+ tinakpan nya ang bibig ko at hawak ng isang kamay ang dalawang kamay ko. Walang akong makita kundi konting aninag pero hindi ko parin makita ang muka, ang alam ko lang nakajacket sya at nakasuot ang hoodie. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko at naramdaman ko na lang na itinatali na nya ito. Pilit akong kumakawala pero malakas ang taong to. Hanggang sa hinila nyako sa buhok palapit sa sofa at iniupo dun.
Tanya- TUL———-
+Sisigaw sana ako ng tulong pero tinakpan nya uli ang bibig ko at nilagyan ako ng tela sa bibig.
Tanya- MMMMM!!!!
=Diba sabi ko wag kang maingay!! Isa pang salita mo, tatapusin ko buhay mo!!
+ bigla syang naglabas ng kutsilyo, kaya bigla akong kinabahan ng sobra, hindi ako makakibo, nagsisimula nakong kilabutan, pakiramdam ko konting oras na lang ang natitira sa buhay ko.
= hmm. Ilang taon narin na wala akong nakakasama dito..
+ kinikilabutan ako sa boses nya, malalim ito, kahit parang bumubulong lamang siya, ramdam na ramdam ko parin ang takot.
= nakikita mo ba to????
+ pilit nyang nilalapit sa muka ko ang kutsilyo at pilit koring iniiwasan yun.
= ito ang pinaka paborito kong gamit. Matagal nakong walang pinag gagamitan nito, pero mukang ngayun meron na.
+ unti-unting tumutulo ang luha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, nanginginig ang buong katawan ko. Bigla syang tumayo kaya napa iktad ako, mas nabigla ako ng buhatin nyako ng pasampay sa balikat nya at umakyat papunta sa kwarto, pinatay nya ang ilaw.
Tanya- mmm!!! Mmmmm!!!
+ inihagis nyako sa kama at dahil nakatali parin ang kamay ko hindi ako makakilos ng ayos. Bigla nyang binuksan ang lampshade sa tabi ng kama ko. At sinarhan ang pinto ng kwarto ko. Mas natakot nako ng gawin nya yun, nagsimula nakong umiyak habang tinitingnan sya palapit sakin. Iniupo nyako at umupo rin sya sa harap ko. Kinausap nyako sa mahinang boses.
= gusto mo bang alsin ko na yang nasa bibig mo?
+ patuloy parin ako sa pagiyak habang nakatungo, ayoko makita ang muka ng taong to.
= aalsin ko to pero siguraduhin mong hindi ka iimik ng kahit konti.
+ wala akong nagawa kundi tumango na lang. At naramdaman kong inalis na nga nya ito. Hindi ko parin mapigilan ang luha ko, lalo nat pakiramdam ko ay mamamatay tao ang nasa harap ko. Kinuha nya ulit ang kutsilyo at pumunta sa likod ko.
Tanya- Anong gagawin mo?
+itinutok nya sa tagiliran ko ang kutsilyo. At hinawakan ako sa leeg dahilan para tumulo na naman ang luha ko.
= diba sabi ko wag kang maingay!!
+ maya maya naramdaman ko na lang na pinutol nya ang tali sa kamay ko. Sabay tumayo.
= subukan mong tumayo at lumabas ng kwartong to, sinisigurado kong hindi ka na aabot bukas!!! HIGA!!
+ nagulat ako at dahil tinutukan nyako ng kutsilyo, humiga ako at kinumutan ang sarili. Pinikit ko na lang ang mata ko, pero di tulad ng inaasahan ko, hindi sya lumapit sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. Ng imulat ko ang mata ko, lumapit sya sa may bintana at tumayo patigilid duon. Dahil sa konting liwanag, naaninag ko na may katangkaran siya, naka pantalon at naka jacket, bigla nyang ibinaba ang hoodie nya habang nakatingin parin sa labas ng bubog ng nakasarang bintana. Masasabi kong Matangos ang ilong nya.
= Syto ang pangalan ko, hindi naman talaga ako masamang tao, isa lang ang gusto ko, …….. nakikinig ka ba ng kanta?
+ baliw ba ang taong to?
+ kinilabutan na naman ako ng lumapit sya at humiga...


sa likod ko. Nakatagilid ako at nakaharap sa bintana, sya naman nakatagilid at nakaharap sakin. Pumikit na lang uli ako at nagsimula na namang tumulo ang luha ko dahil sa takot na baka pagsamantalahan nyako, humigpit ang kapit ko sa kumot ko.
Syto- Bakit ka nanginginig? Natatakot ka ba sakin?
+ hindi ako makasagot, dahil ang totoo takot na takot nako.
(1:30 Am)
+ naramdaman ko na lang na hinigit nyako palapit sa kanya at unti unti akong niyakap sa bewang, pilit akong kumakawala pero hindi ko magawa. Maya maya bigla na lang syang kumanta ng mahina kaya napatigil ako. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa batok ko, bawat salitang binibigkas nya ay nakakapag pangilabot sakin, pero mali man, sandali akong nakinig sa awit nya, makinis, malinis at malalim ang boses nya, hanggang sa makaramdam ako ng antok, pilit kong pinigilan, baka pag nakatulog ako, ay may gawin na syang hindi maganda, pero talagang hindi ko na kayang pigilan, unti unti ng pumipikit ang mga mata ko at bago pako makatulog, naramdaman kong may humalik sa batok ko, pagkatapos nun, nakatulog nako.
(KINABUKASAN)
*tok tok tok* *tok tok tok*
Tessie- Tanya?? Tao po?? Tanya??
+ nagising ako dahil sa katok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon, inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.
Tanya- Panaginip?? Panaginip ba yun?
Tessie- Tanya????
*tok tok tok*
+ dali dali akong bumaba at binuksan ang pinto.
Tessie- ay bagong gising ka pala, pasensya ka na, pero ipapaalala ko lang na mamaya may magdedeliver dito ng tubig ha, kung gusto mo lang naman na mineral ang inumin, pero malinis din naman ang tubig ng gripo. At isa pa kada unang myerkules ng buwan ang bayaran ng kuryente ha.
Tanya- o-opo. Salamat po.
Tessie- sya sige. Una nako.
Tanya- sige po.
+ sinarhan ko na ang pinto. Napahawak ako sa ulo ko dahil masakit ito.
Tanya- Napaka samang panaginip naman nun. Ughhh!! Sakit ng ulo koooo!!!
+ naglakad ako papuntang kusina para maghilamos at mag mumog. Habang naghihilamos napatulala na lang ako kakaisip kung panaginip nga lang ba o totoo ang mga naaalala ko.
Tanya- hayy, tanya, gumising ka na, nangyayari talaga yan kapag unang beses mong matulog ng walang kasama.
+ inisip ko na lang na Imahinasyon ko lang yun kaya ko napanaginipan. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng tinapay sa ref saka tinoast ito.
Tanya- hayy, Tanya kaylangan mo ng mag apply sa trabaho…..
+ pagkatapos kong mag umagahan, naligo nako at nagbihis, paalis na sana ako ng—
Syto- san ka pupunta?
+ nagulat ako at napatingin sa likod.
Tanya- sino ka?!! PANO KA NAKAPASOK DITO?!!
+ isang lalakeng may katangkaran medyo skinny at dark awra ang nasa harapan ko ngayun nakaupo sa gilid ng lamesa with crossed arms at nakatingin sakin.
Syto- hmm? Sa pagkaka alala ko nabanggit ko kagabi kung anong pangalan ko.
+ napatigil ako sa sinabi nya.. Kagabi? Ibig sabihin, totoo lahat ng naaalala ko? Yung lalake? Yung boses? Yung kutsilyo!! Napaatras ako ng bahagya. Tumakbo ako palapit sa pinto at mabilis na binuksan yun pero mabilis din nyang isinara yun. At pinag gitnaan ako ng dalawa nyang kamay.
Syto- ooppss sandali lang…
Tanya- sino ka ba?? Anong kaylangan mo??
+ sinabi ko yun ng nanginginig ang boses.
Syto- Ang sabi ko Syto ang pangalan ko.
Tanya- wala akong pakealam. Ikaw yung masamang taong pumasok dito kagabi!!!!
Syto- huh? Ilang taon narin ako sa bahay nato kaya hindi ko masasabing kagabi lang ako pumasok, sa pagkaka alam ko, ikaw ang bago dito. Kaya ngayun, sagutin moko, san ka pupunta?
Tanya- bahay to ng tiyahin ko, kung may nanghihimasok man dito. IKAW YUN!!!
+ itinulak ko sya sabay takbo sa kusina at kinuha ang kutsilyo, itinutok ko yun sa kanya habang papalapit sya sakin.
Syto- para san yan??
Tanya- WAG KANG MAGKAKAMALING LUMAPIT PA SAKIN!!
Syto- tapos? Sasaksakin moko?
+ lakas loob kong tiningnan sya ng diretso.
Syto- kaya mo???
+ dahan dahan syang lumalapit sakin.
Tanya- Subukan mong lumapit!! Hindi ako nagbibiro.
+ biglang naging seryoso ang muka nya.
Syto- oras na magawa mo yan, hindi na ako ang masama dito. Ikaw na yun. Hindi mo ba naiisip na, malalaman ng tao na nakapatay ka? Self defense? Hindi mo rin magagamit yung dahilan dahil wala ka namang pasa o kahit anong sugat.
+ nagsisimula na naman pumatak ang luha ko. Malapit na malapit na sya sakin at nanginginig ang kamay ko. Hinwakan nya ang kamay kong may hawak na kutsilyo at itinutok nya sa puso nya.
Syto- at higit sa lahat, kakayanin ba ng konsensya mo??
+ tumungo ako habang nakatutok parin sa puso nya ang kutsilyo.
Tanya- a-anong ginawa mo sakin kagabi?
Syto- ano ba sa tingin mo?
+ tumingala ulit ako dahil sa sinabi nya.
Tanya- WAG MONG SABIHING—-
Syto- pinagsamantalahan kita?? Ahahahaha!!! Bat ko gagawin yun? Edi nagkaron ka ng dahilan kung sakaling mapatay moko.
+ medyo lumuwag ang paghinga ko nun. Unti unti nyang kinuha ang kutsilyo sa kamay ko at ipinatong yun sa lamesa.
Syto- ngayun makinig ka.
+ sinabi nya yun habang pinupunasan ang luha ko, lumapit pa sya sakin lalo kaya napasandal ako sa may lababo. Kinuha nya ang bag ko. Tinanggal nya dun ang cellphone ko pati wallet.
Tanya- anong ginagawa mo?
+isinuot nya uli sakin ang shoulder bag.
Tanya- akin na yun!!!!
+ pinigilan nyako at isinandal uli sa gilid ng lababo, hinawakan nyarin ang isang kamay ko. Sabay hila sa batok ko.
Syto- akin na muna pansamantala ang cellphone at pera mo. Simula ngayun, pareho na tayong titira dito. Walang makakaalam. Gagawin mo lahat ng utos ko, papayagan kitang lumabas pero oras na hindi ka bumalik sa oras na sasabihin ko, magkakasubukan tayo, madali lang nmang kontakin ang pamilya mo at papuntahin dito gamit ang pangalan mo, pagkatapos, ewan ko na lang.
+ napapikit na lang ako sa kaba at takot mula sa mga sinasabi nya.
Tanya- hindi pako nasisiraan ng ulo para sundin lahat ng gusto mo!!
Syto- hmm.. Pano ba yan, ako nasisiraan na ng ulo para gawin lahat ng sinabi ko.
+ natahimik na lang ako sa sinabi nya. Lumapit sa sa may tenga ko at bumulong.
Syto- nagkakaintindihan ba tayo?
+ nanginginig ako kaya hindi ako makasagot agad. Iniisip ko lahat ng sinabi nya. Bigla nyang hinigit ang buhok ko kaya napapikit ako at napatingala, bumulong uli sa tenga ko.
Syto- tinatanong kita!!!!
+ wala akong magawa kaya.. Tumango na lang ako.
Syto- ayoko ng tango. Gusto ko pangako.
+ humarap sya sakin at tinitigan ako ng malalim.
Tanya- p-pangako.
+ pagkasabi ko nun binitawan nyako at kinuha ang wallet ko na parang walang nangyari.
Syto- san ka nga ulit pupunta?
Tanya- ma-mag aapply n-ng trabaho.
Syto- ahhh. Hmm. Tanya pala ang pangalan mo. Ganda mo dito sa ID mo ah. Okay. Bibigyan muna kita ng 500 pati ID mo, siguro naman ok na yan para sa pag aapply lang ng trabaho?
Tanya- Ano????
Syto- alas singko dapat nandito ka na! Ano bang tinapos mo?
Tanya- Psychology.
Syto- ahh, bat ganan ang suot mo??
+ napatingin ako sa suot ko.
Tanya- b-bakit?
Syto- hindi naman sekretarya ang aapplyan mo pero ang igsi ng palda mo! Pero hindi mo naman ako boyfriend para pagpalitin ka pa. Oras na wala ka pa ng alas singko. Irereport na kitang missing. Alis na.
+ hindi ko ma imagine na nangyayare sakin to ngayun!!!! Dahan dahan akong naglakad at alam kong nakasunod ang tingin nya sakin. Ng makalabas ako ng pinto bigla na namang tumulo ang luha ko. Wala akong cellphone at sapat na perang dala. Anong gagawin ko. Naglakad nako palayo ng bahay. Magsumbong na kaya ako sa pulis, pero wala naman akong sapat na ebidensya na may masamang taong nagtatangka sakin, tama sya wala akong pasa o sugat, baka isipin pa nila na may relasyon kami ng lalaking yun!! Pinunasan ko ang luha ko at nilakasan ang loob, kahit na hindi ko na sigurado kung ano pang mangyayari sakin.
Itutuloy…………..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. I liked up to you will obtain performed proper hereThe sketch is tasteful, your authored subject matter stylishnevertheless, you command get bought an edginess over that you wish be turning in the followingill undoubtedly come further earlier once more since precisely the same nearly a lot regularly within case you protect this hike.

Leave a Reply


top