His Lola’s last will
Chapter 20 : The Groom and the Bride
Mitch
Hindi ko mabilang kung ilang ulit na akong umikot sa tapat ng full size mirror para lang mamangha sa imaheng nasa harapan ko ngayon.
Grabe. Ako ba talaga ito? Aliw na aliw akong hinawi ang bagong ayos kong buhok. Gustong gusto ko ang malalaking kulot nito na nilikha ng amerikanong make up stylist ni Madam.Even yun make up ko wala akong masabi. Hindi sya na overdone simple lang pero nagmukha akong elegante, tipong yayamanin.yarn!
Sulit ang maagang pag gising ko para lang sumama sa mama ni Rico. Although bantulot ako nung una dahil wala namn sa plano ko ang mag paganda ng bongga sa kasal kasalan namin ( mabuti sana kung totoong kasal ko, ill be more excited and willing to do it’ ) iniisip ko rin na mukhang kalabisan na kung pati iyon ay gagastusan pa ni Madam. Pero katulad nga ng sinabi ni Rico sadyang wala ata sa bukabularyo nito ang salitang ‘no’ at sa huli nakayag na rin nya ako mag pa saloon.
‘You look like a goddess!’ Boladas ng baklang sales man sakin pagkalabas ko ng fitting room. Dahil masyadong malayo ang hotel na tinutuluyan ko para balikan pa ang naiwan kong dress, nagpasya si Madam na bilhan na lang ako ng bago.
‘Hmm.. see i told you that dress suits you well, parang sinukat talaga para sayo..’
Nangingiming napangiti lamang ako sa tinuran ni Madam at pag anoy tinapunan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin at maging ako ay hindi narin mapigilang di mapa wow sa ganda ng dress ko.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapagsuot ng ganto. Buong ingat ko pa syang sinuot sa aking katawan kanina, dahil hello, Versace kaya ito! Hindi class A or Class B, orig sya! Nakakatakot suutin!
Diko na sasabihin ang presyo dahil mismo ako nanlilit sa numerong nakita ko sa price tag nito.
Actually aside sa pagiging mahal ito, I did fall inlove with the dress the moment I tried it on. Tamang tama lang ang haba which is above the knee , ang baby pink na kulay nito ay bumagay sa kutis ko and in fairness ang lakas nyang makaputi . May pagka off shoulder sya, exposing half of my shoulder na may mababaw na neckline which is pasok sa pagka conservative kong panlasa.
Bukod pa sa mamahaling dress Im also wearing a jimmy choo white stiletto na personal choice din ni Madam. Ang cute ng style dahil sa maliit na pink ribbon na nakadikit sa pinaka strap nito.
Over all para talaga akong ginawang prinsesa ni Madam ngayong araw na ito!
‘Do you like it?’
‘Sobra po, i mean, I’m not even sure kung deserve ko pa ba to, this is too much madam..’
‘Ano ka ba, you did a wonderful job of taking care of my mother, you deserve more than this, and one more thing, stop calling me Madam, it’s Mama for you’ mariing bilin ni Madam sakin with matching turo pa sakin na para bang nagmamando. Naalala ko tuloy si Rico sa kanya.
Now I know kung saan namana ng lalaking iyon ang pagiging bossy nito.
But wait a minute, balik tayo sa huling sinabi nya, seryoso? she wants me to call her mama? As in mama in law?
‘Mama po?’ Ulit ko pa. Baka kasi nabingihan ko lang.
‘Yes dear, you’ll be marrying my son today so better call me Mama from now on.. ‘
‘Ah eh..’ huh may ganun? eh panu kung mag divorce na kami ng anak nya, mama parin ba ang itatawag ko sa kanya?
‘Wait speaking of my son i think Rico is calling, mukhang excited na syang makasal kayo ah..’ nagtaas baba pa ng kilay si Madam este si mama sa kin bago sinagot ang mamahaling phone nito.
Pilit kong nilibang ang sarili sa pamamagitan ng paghaplos sa laylayan ng bistida ko habang hinihintay matapos ang usapan nilang mag ina. Ang totoo nyan masyado akong pinag iisip ng mga pahaging ni madam. Bagay na lalong nag pagulo ng damdamin ko.
Ano bang gustong ipahiwatig ni Madam?Bakit pakiramdam ko pabor na pabor sya sa kasal namin ni Rico.. na para bang botong boto pa sya sakin. At kung mag ka gayunman, ano namn ang nagustuhan nya sakin?
Eh bakit hindi na lang yung mga ka level nila ang gustuhin nya para sa anak nya? Again I’m nobody, lower class, in short purita lang so bakit ako?
Huy! Baka nakakalimutan mo, may 2 milyong dollar na nakapatong sa ulo mo?Natural magiging magiliw ang mga iyan sa iyo! Na ca carried away ka naman Mitch ha! Umayos ka nga! Batukan kita jan eh!
Sakto naman bago ako tuluyang mabaliw sa kakaisip, isang tapik sa balikat ko ang syang gumising at nagpabalik sakin sa wastong katinuan.
‘Huh?’ Nilingon ko si Madam. Pansin ko mas lumuwang ang pag kakangiti nya ngayon.
‘He’s in the parking area now, i think we better go, its 9:45 am baka malate pa kayo’
—///
Rico
Im getting nervous and I just can’t figure out why.
Hindi ko maintindihan, pero simula pa kagabi matapos kong iwanan si Mitch sa guest room, nakaramdam na ako ng sobrang pag ka inip. Halos hilahin ko na ang buong magdamag para lang matapos na ang paghihintay ko sa kasal naming dalawa. Talk about being too excited.
I even called my mom a couple of times since they left the house early this morning just to make sure
na hindi sila magtatagal to whatever my mom wanted to do with my woman.
Maliban sa inaalala ko ang strict time -of-arrival policy ng magkakasal samin, gustong gusto ko na talagang makasama si Mitch. I want to see her, hold her and to spend the rest of my life with her , d*mn it! call me a lovestruck idi*t, pero right after na mapagtanto kong nahuhulog na ako sa kanya tinubuan na ang puso ko ng pag asa at determinasyon na di ma tatapos sa divorce ang kasal namin. A faint hope na pipilitin kong magkatotoo. No matter what it takes.
I’m in the middle of deep thoughts when I heard someone knock on my windshield
I saw my mom waving at the other side of my window dahilan para manumbalik ako sa huwisyo at mapababa kaagad ng sasakyan.
‘Ma ang tagal nyu, nainip na ako dito, where’s my Fiance-‘ mabilis na hinanap ng mga mata ko ang nag iisang babaeng gumulo ng puso at isipan ko.
And right behind my mother, I found her.
She took my breath away the moment I saw her wearing that pink dress, looking so damn beautiful, wait..no not just beautiful, alluring, yes that’s exactly the right word to describe her. Innocently alluring.
‘Ehem.. Rico, wala ka bang balak na pagbuksan ng pintuan ang Fiance mo? baka naman sa kakatitig mong yan lalo kayong malate sa kasal nyo..’
‘Ah...