DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER FOURTEEN
Pinakalma ni Trisha ang sarili niya ng biglang pumasok ang dalawang lalaki sa office niya.
“What are you doing here?, sino kayo hah?”, gulat na wika ni Trisha.
“Ma’am ok lang po ba kayo may ginawa bang masama si Leo?”, ang wika ng isang lalaki.
“Kilala niyo yung lalaking yun? sino ba kayo?”, sigaw na ni Trisha.
“Mr. Della Sella hired us para bantayan kayo ma’am. Alam na din niya na galing dito si Leo kaya papunta na siya dito”,
-Ano bang nangyayari? bakit hindi sinabi ni Bryan ang tungkol dito? Pinapabantayan pala niya ako bakit kailangan niyang ilihim ito? Bakit may bodyguard ako?- tanong ni Trisha sa sarili.
Inayos na niya ang sarili, pupuntahan niya ang doctor na nagayos ng DNA nila Bryan at Brayll. Iyon na nalamang ang tanging paraan para mapatunayan na nagsisinungaling si Leo. At para alam na niya kung sino talaga sa kanilang dalawa ni Bryan.
Dinampot na niya ang kanyang bag ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at nakitang si Manang Saleng ang tumatawag.
“Hello Manang napatawag kayo? Kumusta kayo jan sa bahay?”, tanong ni Trisha dahil alam niyang nasa bahay na ngayon si Brayll.
“May itatanong lang sana ako kung kilala mo si Leo. . .”, hindi naituloy ni Manang Saleng ang sinabi.
“Hoy hayop ka ibalik mo dito ang alaga ko!, Brayll! Brayll!”, ang tanging sigaw ni Manang Saleng. Hawak nito ang cellphone niya kaya narinig ni Trisha ang sigaw niya.
“Manang andiyan si Leo? Manang si Brayll? Manang Saleng ano nangyayari?”, ang sunod-sunod na tanong ni Trisha habang umiiyak na.
Hindi pwede ang nangyayari ngayon, kanina lang kausap niya si Leo pero ngayon ang anak niya ang idinamay nito. Para na siyang mauubusan ng hininga dahil sa nararamdaman niyang sakit. Mahal niya ang anak niya kaya hindi niya makakaya kung may mangyaring masama kay Bryan.
Agad namang tinawagan ng isang lalaki si Bryan. Sinabi ng binata na papunta na siya sa kinaroroonan nila. Nandidilim naman ang paningin ni Trisha dahil sa kakaiyak. Hanggang sa bumigay na siya at nawalan na ng malay.
Pilit naman siyang ginigising ng mga bodyguards niya pero hindi talaga siya magising kaya binuhat nila ito at inihiga sa sofa ng kanyang opisina.
Nakarating naman agad si Bryan at alalang alala siya sa kalagayan ni Trisha. Napasuntok siya sa pader dahil sa galit.
“Bakit niyo hinayaang makapasok dito si Leo?”, sigaw ni Bryan.
“Sorry sir hindi namin siya napansin kasi iba ang itsura niya sa picture na binigay niyo. Napansin nalang namin nung tinggal na niya ang sumbrero at shade niya”, sagot ng isa.
“Sige na alis na kayo, pumunta kayo sa bahay para bantayan si Manang Saleng”, utos ni Bryan.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagkamalay na si Trisha. Naki-usap ito kay Bryan na tulungan siyang mahanap ang anak niya. Ikwenento din niya ang tungkol sa sinabi ni Leo na siya daw ang ama ni Brayll. At baka ito ang dahilan kaya kinuha ng lalaki ang bata ng walang paalam.
“That was enough Trisha! Huwag mo ng banggitin yan dahil wala siyang proof na siya ang ama!”, sigaw ni...