STOLEN #12


STOLEN
#12
Hinila ni Haje ang upuan para sa kanya. Gusto niya itong irapan.
Pekeng gentleman! Gusto niyang isigaw sa pagmumukha ng binata.
Nasa kabisera si Gardo. Katabi naman niya si Haje. Hindi pa ata nakuntento sa lapit nila ay hinila niya ang upuan ni Threia hanggang sa magdikit ang hita nilang dalawa.
“Relax, baby.” bulong sa kanya ni Haje nang mapansin ata niyang kinakabahan si Threia sa lapit nilang dalawa.
Kasali ba sa pagpanggap nila ang ganito kadikit?
“Lumayo ka nga.” pabulong niya rin sabi.
Tumikhim si Gardo.
Ang akala ata ng matanda naglalandian sila sa hapagkainan. Hindi niya alam na magsisimula na naman sila ng away.
Si Tessa naman ang laki ng ngiti habang nakamasid sa kanilang dalawa.
Tuwid na lang siyang umupo at hindi na pinansin si Haje sa tabi niya. She will deal with him later.
“Kumusta na ‘yang sugat mo?” tanong ni Gardo sa apo.
Napatingin si Threia sa mga nakahain sa mesa. Typical food for breakfast.
“I can still endure the pain, Lo.” tugon ni Haje.
“Kumusta ang tulog mo, Hija?” tanong naman ni Tessa sa kanya. May nilagay siyang tasa na naglalaman ng kape sa tabi ni Threia. Agad naman nalanghap ni Threia ang aroma ng kape.
“Okay naman po, Lola.” sagot niya.
“Hindi ka ba natakot? Unang gabi mo sa ganitong klaseng lugar. Sinabi ko naman sa’yo na sa kwarto ka ni Haje matulog.” suhestyon pa ng matanda.
Here we go again with that topic!
Nilingon siya ni Haje. May pagbabanta ang pinukol niyang tingin sa kanya.
Tipid niyang nginitian ang matandang babae. “Okay naman po ako sa kwartong nilaan niyo, Lola.”
At hindi niya alam kung kaya niya bang sabihin ang kasunod nang hindi nauutal… well, para matigil na sa ganitong topic, kailangan na niyang tuldukan ito. “A-atsaka po, Lola. Pinapatulog po ako ni Haje bago siya lumipat sa kabilang kwarto.” kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi pagkatapos.
She hate liars! So probably she hates lying. Pero anong magagawa niya kung nasa ganitong sitwasyon siya?
Baka kapag isiniwalat niya ang katotohanan sa dalawang matanda ay mabibigla na lang siyang sakalin ni Haje.
And what did she fucking say?! Pinapatulog?! Ano siya bata? Gusto niyang kutusan ang sarili sa mga pinagsasabi niya. Nakakahiya talaga!
Hindi niya nilingon si Haje. Pero kita sa peripheral vision niyang nakatitig sa kanya ang binata.
“Aba, dapat lang! Pero mas nakakapanatag ng loob na sa iisang kwarto kayo. Ewan ko ba dito kay Haje at hinayaan ka niyang bumukod sa kabilang kwarto.” litanya pa ng matanda.
“Lola, kumain na po tayo. Stop bugging my girlfriend.” sabi ni Haje.
Threia sighed deeply. Pinagpawisan siya sa mga pinagsasabi ni Lola Tessa.
Natahimik naman ang matanda.
Nakuha ni Haje ang atensyon niya nang tanungin siya nito. “Is this enough?”
Hindi niya namalayan nilalagyan na pala ni...


Haje ang plato niya ng kanin.
“Y-yeah.” aniya.
Pagkatapos ay kunot noo niyang binalingan ang binata dahil sa sunod na nilagay sa plato niya, katabi ng kanin.
A fried fish. At first time niyang makita. Well, she knows tilapia, bangus, tuna, and some fish that serve in restaurants but this one was none of those.
“What’s that?” she whispered to Haje. Ayaw niyang marinig siya ng matanda. Baka akalain nila mapili at maarte siya sa pagkain.
“Smoke fish,” taas kilay na sagot ni Haje.
Ngumiwi siya dahil hindi maganda sa pang-amoy ang pagkain na iyon.
Oo na! Maarte pala siya!
Huli na dahil nailagay na ni Haje ang pagkain na iyon sa plato niya. Pwede naman niyang huwag nang kainin iyon.
Inilapit sa kanya ni Haje ang sawsawan na may kamatis.
Yumuko si Threia para bumulong muli kay Haje. Wala na siyang pakialam kung pinapanood siya ng dalawang matanda.
“I can’t eat this,” mariin niyang sabi.
Pero ang walang hiya na si Haje ngumisi lang. “Magkamay ka. Masarap ‘to.”
“Like this,” ani pa ni Haje sa kanya. Gamit ang kamay ni Haje, hinati ang katawan no’ng isda at kumuha ng kaunting piraso no’n.
Nakamasid lang siya sa binata. Hindi makapaniwala sa mga kinikilos ni Haje.
“You want me to dip in soy sauce?” natutuwang tanong sa kanya ni Haje.
This brute! Nasisiyahan talaga ito kapag nakikita niyang nahihirapan siya.
Lumunok siya. Ayaw talaga niya. Base kasi sa amoy, napapangitan na agad siya sa lasa.
“Masarap isawsaw, Hija. Lalo na ‘pag may kamatis,” suhol pa ni Tessa sa kanya.
Gusto na niyang umiyak.
Daddy, take me home… tahimik niyang usal.
Inilapit sa kanya ni Haje ang kamay nitong naglalaman ng kanin at no’ng isdang hindi kaaya-aya ang amoy.
“Say ahh,”
Dahil hindi na niya napigilan ang inis niya ay kinurot niya si Haje sa hita.
Pero tila bakal ata ang katawan nito dahil hindi manlang nasaktan sa ginawa niyang pagkurot.
Wala na siyang nagawa nang mas nilapit pa ni Haje ang kamay sa kanya.
“Masarap ‘to. Mas masarap sa mga mamahalin mong agahan sa mansyon niyo,”
Masama ang loob niyang ibinuka ang kanyang bibig. Kung hindi lang siya nahihiya kay Tessa at Gardo ay malamang kanina pa siya umalis ng kusina.
Una niyang naramdaman ang daliri ni Haje nang isubo nito ang pagkain. Nakatitig sa kanya si Haje habang sinusubuan siya.
Nalalasahan na niya ang kinain. No’ng una pinipigalan niya lang ang sariling ‘wag sumuka.
“Sarap?” Haje watching her reaction the whole time.
As a first timer, hindi niya talaga nagustuhan ang lasa no’n.
Mabilis siyang binigyan ni Haje ng tubig nang makita niya sigurong nalukot ang mukha ng dalaga.
She immediately drank half of it.
Hinagod ni Haje ang kanyang likod.
“What do you want to eat, then? I’ll cook for you.” He said softly.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Please delete my stories here! Magnanakaw ka!
    STOLEN. TWO HEARTS BENEATH THE MOON. SAINT DEFUENTE.
    LAHAT ‘YAN, I-DELETE MO KASI HINDI SA’YO ‘YAN! MAGNANAKAW KA!

Leave a Reply


top