THE WILD SILENCE CHAPTER FIVE


“Ano bang pinag gaga-gawa nyo? ” naka pamaywang na saad ni Alexa, kalmadong pinapangaralan ang tatlong lalaking naka upo sa Sofa. “Hindi ako makapaniwala na Galing kayo sa Phoenix pero wala kayong alam sa pag Gawa ng Statrategy.”
“Sumosobra kana ah! “galit na saad ni Amoriz na ngayo’y Naka benda na ang Sugat.
“Kapitan kang matatawag pero pang Elementary ang Diskarte mo.” ani Alexa patungkol kay Borex.
Hindi naka imik ang kapitan dahil tama ang sinabi ni Alexa, alam nya sa sarili nyang blankong ang utak nya ng mga sandaling iyon at tanging ang dalaga lamang ang inaasahan nila.
“Oo, nailigtas mo nga kami pero hindi tama na insultuhin mo si Captain. ” angal ni Kevin.
“Bakit, hindi lang naman si Sir Borex ang tinutukoy ko, lahat kayo. Ikaw, ang laki mong tao pero nag tago ka lang sa isang gilid para i cover ang sarili mo sa mga balang papunta sa inyo.. Bakit hindi ka humanap ng spot na makakapag cover ka at makakatira ka ng Baril. Balita ko ay Target Shooter at Sniper ka sa Phoenix, kapag nang hina ang Kapitan dahil kumilos ang mga Galamay para hindi mabaldado ang buong Grupo. Nailigtas ko nga kayo pero hindi mo maaalis na Inilagay nyo sa Piligro ang Buhay ng taong iniingatan natin. ”
“Ano bang ikinagaganyan mo! Eh di hwag mo kaming saklolohan! ” galit na saad ni Amoriz tsaka tumayo at humakbang pero napahinto ito.
“Iba ang misyon ko sa misyon nyo, kapag pumalya kayo ay Mapapagalitan lang kayo ng Comander nyo, pero ako.. Kapag pumalya ako ay Maaring maging kamatayan ko ang Kapalit. Ang misyon nyo ay ingatan ang mga Vergara samantala ang misyon ko ay ang ingatan ang Phoenix, ngayon sabihin mo sakin kung kaya mo bang iligtas ang buhay ko kapag may nalagas na inyo.”
Hindi naka imik si Amoriz dahil wala syang ideya sa bagay na iyon. “Kaya’t ipapakiusap kong bago kayo kumilos ay Siguraduhin nyong hindi kayo malalagay sa alanganin lalo kung malayo ako. ”
Namulsa si Alexa tsaka naglakad, umakyat sya sa hagdan para tunguhin ang Kwarto ng Binatang Vergara.
“Nandito ko. ” saad nya Halip na kumatok, bumilang sya ng Sampo pero kahit bulong ay wala syang naririnig.” Hoy master Jiro, anong ginagawa mo. ” saad pa nya habang hindi gunagalaw sa kinatatayuan. “Kung hindi mo ako pagbubuksan ay mapipilitan akong sirain ang pinto mo Ora’ mismo. ” banta nya.
*Eeeeengk!
Bumukas ang pinto, at tumambad sa kanya ang mukha ni Jiro basang-basa ng luha ang mukha nito at tila wala sa sarili. “Anong nangyari? ” sa kauna-unahang pagkakataon ay nag panic ang dalaga at mabilis na pumasok sa Kwarto para i check kung may naka pasok doon.
“Ang mo-Mommy ko….” napahinto si Alexa nang sambitin iyon ni Jiro, ” sa Ganung paraan din sya pinatay sa harapan ko..” nabasag ang tinig nito at muling dumaloy ang masaganang luha. “na-nakita ko kung paano-d-dumaan ang-pa-patalim sa le-leeg nya. ” naka tulalang aniya habang patuloy na bumabagsak ang luha nito, “At w-wala akong- – -”
Hindi na nakayanan pa ng binata na ituloy ang pagsasalita kaya’t humakbang si Alexa palapit Dito tsaka ito niyakap ng mahigpit. “at w-wala akong nagawa ! !” palahaw na saad ni Jiro, sa ganuong paraan nya ipinahihiwatig kung gaano sya...


lubusang nasasaktan.
“Pssssssssh..” alo ni Alexa habang hinahagod ang likod nito. “Hindi na yon mauulit dahil tatapusin ko ang mga taong mag tatangka sa buhay mo, tumahan kana. ” nakangiting saad ni Alexa.
Napapikit sya nang muling mag balik ang ala-ala sa kanya makalipas ang sampong taon.
Mula sa napaka gandang babae, iyon ang Mommy ni Jiro.
Napulot sya nito sa kalsada, nooy isa lamang syang pulubi na binihisan at pinag aral ng ginang itinuring sya nitong isang tunay na Anak ngunit sa kasamaang palad ay napag alaman nyang pinatay ang Ginang ng isang Lihim na Organisasyon dahil sa kayamanan nito.
“Miss Jaiha! “Napaluhod ang batang Alexa nang makita nya ang Duguang katawan nito sa isang Hotel, nag hihingalo at halos hindi na maka galaw.
Pumatak ang butil ng luha ng Batang Alexa dahil hindi nya manlang nailigtas ang ginang, ito lamang ang tumrato sa kanya bilang isang Tao kaya’t ganun na lamang ang pag mamahal nya para sa Ginang.
“Ija… I-ipangako mo-mong” bumulwak ang dugo mula sa bibig nito.
“Miss Jaiha! ” umiiyak na tawag ni Alexa sa pangalan nito.
“Hanapin mo ang-a-anak ko at-i-ingatan mo-mo sya.. ” iyon ang huling habilin ng ginang bago sya mamatay, mula noon ay ipina ngako ni Alexa na pag babayarin nya ang organisasyong iyon kaya’t pilit nyang sinanay ang Pisikal, mental at abilidad nya.
Walang araw na hindi sya gumamit ng Espada, palaso, baril at mga katana na ginagamit ng isang Assasin.
Sa Edad na Katorse at nakakapatay sya ng Apat na katao kada linggo na nag t-trabaho sa organisasyong iyon.
~
“Kung ganun, kaya ka naging Alpha dahil sa mommy ko? ” inosenteng tanong ni Jiro.
Ngumiti si Alexa at tumango. “MANATILI KA SA TABI KO AT SISIGURADUHIN KONG MAMAMATAY ANG LAHAT NG HAHAWAK SAYO” pinahid ni Alexa ang bakas ng luha sa pisngi nito.
Wala pang nakakarelasyon ang Binatang Vergara kaya’t nagiging dalawa talaga ang kahulugan ng ipinapakita ni Alexa sa kanya.
” kailangan ko munang ubusin ang mga taong iyon para maka pamuhay ka ng maayos. ” saad pa nito tsaka ginulo ang buhok ni Jiro
“P-paano kung gusto kitang makasama sa pamumuhay na iyon? ” tanong ni Jiro na parang bata at kikipag deal para sa isang Kendy.
“hahahahaha. ” napatingala si Aleca at umugong ang matinis na tawa nya sa kwarto dahilan para mapagmasdan sya ni Jiro.
Ngayon nya lamang ito nakitang Tumawa at para sa kanya ay nakakabighani ang bagay na iyon.
“Para narin kitang pinatay kapag ginawa ko iyon, sa dami ng kikitlan ko ng buhay palagay koy lahat sila ay hahabulin ako kaya kung sasama ka sakin ay baka pati ikaw ay mapaslang nila.”
“pero ligtas ako kapag nandyan ka. ”
“Isa lang ang Maipapangako ko sayo, magiging ligtas ka tinitiyak ko iyon nga lang ay hindi ko maipapangako na mananatili ako sa tabi mo, matulog kana para sa School mo bukas. ” saad ni Alexa tsaka tumayo sa kama at tumungo sa Sofa na naroon din sa Kwarto at Nahiga.
PARA SA MGA NAG AABANG NG UPDATE SA YOU’LL BE SAFE HERE, TEMPORARY CLOSE MUNA ANG UPDATE DOON DAHIL HINDI NYO PO, MAIINTINDIHAN KUNG HINDI NYO BABASAHIN ANG THE WILD SILENCE
ETO PO KASI ANG SEASON 1
2ND GENERATION NA LANG PO SI ‘EIGHT AT HAYASEIN ‘
SALAMAT 🀣🀣🀣🀣






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top