“When a Single Mom meet the Hot CEO” CONTINUATION OF CHAPTER 18


KATE’s POV:
DIRETSO kompanya kami ni David matapos naming ihatid si Michael sa bago n’yang school.
Bilang ina ng bata, may tiwala ako sa kanya dahil matalino talaga ang anak ko.
Actually, hindi na ako masyadong nagpapa-apekto sa mga chismisan ng mga empleyado. Wala rin naman kasing hahantungan kapag pinatulan ko pa sila.
“Kate, paki-check nga kung anong oras at ilan ang meeting ko sa araw na ‘to.”, saad ng binata habang papalakad kami patungo sa office.
Kaagad kong binuklat ang makapal na notebook na hawak ko para tingnan ang ini-utos ng lalaki.
“Ahm, meron ka pong schedule kay Mr. Tan, mamayang 9:00 a.m. And kay Mr. Montenegro naman mamayang hapon.”, sagot ko at tuluyan na kaming nakapasok ng opisina niya.
Kaso sa pagpasok namin do’n, bigla n’ya akong isinanday sa dingding at mabilis nitong hinagkan ang labi ko.
“A goodmorning kiss, para ganahan ako.”, kindat na saad niya.
“Dami mong alam. Gusto mo lang ako halikan.”, iling na sabi ko at marahan s’yang tinulak.
“Parang gano’n na nga.”, bigkas nito at umupo malapit sa table niya.
“Gusto mo ba ng kape? Pagtitimplahan kita.”, insist na bigkas ko.
“Ayoko ng kape. Pwede bang ikaw na lang?”, pagtuturan nito.
“G*go. Umiiral na naman ang pagiging manyak mo, Mr. David.”,
“At least, sayo lang ako naging manyak.”, he replied.
“Oo na lang.”, natatawa kong tugon.
At tsaka tumungo sa upuan ko para umupo na rin.
“Come here, Kate.”, biglang sabi nito.
“Huh?”, kunot-noong bigkas ko.
“Sabi ko, halika dito.”, pag-uulit niya sa akin.
“Ano na naman ba? Kita mong naka-upo na ako tapos papapuntahin mo lang ako dyan.”, asar kong wika.
Tamad pa naman ako na tumayo kapag naka-upo na ako sa aking pwesto.
“Gusto ko lang makatabi...


ka.”,
“Hello, ilang pagitan lang naman ang layo natin. H’wag kang O.A.”, saad ko para hindi na ito mangulit.
“Kahit na. Basta gusto kong makatabi ka. So please, come here.”, sambit niya na may pakiusap.
“Ayoko nga. Manigas ka d’yan. Nakakatamad ng maglakad.”, pagtataray ko.
“Isa.”, bigkas nito, kaya matalim ko s’yang tiningnan.
“Dalawa?”, pamimilosopo ko.
“Hays. I will count up to five. Kapag hindi ka pumunta dito, bubuhatin kita dyan kasama ang upuan.”, pananakot nito.
“As if you can. Made in metal kaya ‘to, kaya masyadong mabigat.”, turan ko bilang panghahamon.
“One.”, panimulang bilang ni David.
Hindi ko ito pinansin at nagsulat-sulat na lamang ako.
“Two.”, he count again.
“Three.”, patuloy nito.
But still, I don’t have care.
“Four.”, muli n’yang bigkas.
Pero hindi ako nangamba dahil alam ko na hanggang salita lang ito.
“Five.”, huling bilang ng binata.
Hindi ko maipaliwanag, pero sobrang bilis ng pangyayari dahil nasa mismong tapat ko na siya.
Kasabay no’n, ay ang pagbuhat nito sa akin kasama nga ng upuan ko.
Bigla n’ya akong binaba sa tabi mismo ng upuan niya.
“I told you. H’wag mo akong hahamunin.”, bulong nito sa tenga ko.
“Bakit ba kasi? May sarili naman akong table ha? Hindi ko kailangan na makipagshare sayo.”, inis kong sabi sa kanya.
“But I want you to sit beside me, Kate. Para kahit pagod na ako, mayakap agad kita. Dahil ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas. Corny mang sabihin, pero patay na patay na yata ako sayo.”, pag-aamin nito dahilan para mabigla ako.
Gusto kong kiligin. Pero laging sumasagi sa isip ko ang mukha ni Katrina na sobrang kamukha ko.
Kaya nagiging negatibo tuloy ang pumapasok sa utak ko, na pati emosyon ko, nagagawa nitong pigilan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top