Matapos ang tatlong buwan, ay doon napag isip-isip ng dalaga na totoo nga ang sinasabi ni Dilan na palalayain na sya nito.Noong una kasi iba ang inaasahan niya sa binata. Yong tipong kukulitin pa siya nito, pagbanataan at kung anu anu pa. Ngunit ngayon , Hindi na ito nagpaparamdam sa kanya. Hindi na sya pinupuntahan ng mga tauhan nito.
Minsan hinahanap niya ang presensya ng binat, at namismis niya iyong naging trabaho niya sa company ni Dilan, At ang binata.
Kaso kapag naisip niya ang mga kasamahan
Ay Hindi niya maiwasan na malungkot.
At kapag niisip niya ang binata ay ma’s nalulungkot pa sya. Hindi niya maintidihan ang sarili, sa parting yon, pero kailangan niyang
Tiisin ang kalungkutan na yon at tuluyan na ng kalimutan ang binata. Siguro nga Hindi talaga sila para sa isat isa.
Isang araw ay inataki sa puso ang ama niya
Isinugod nila iyon sa hospital, mahigit isang linggo din itong nag tagal doon. At problima pa rin nila ang pambayad sa hospital.
“Anung gagawin natin kuya wla tayong sapat na pera pambayad dito? aniya sa kapatid na si Berting.
” Hindi ko rin alam Angela, nalapitan ko ng lahat ang pwde natong lapitan pero wala pa rin..
Namomroblima na talaga sila kung saan pa sila ng pambayad..sa araw araw na tumatagal ang ama sa hospital na yon ay tumataas ang bayarin nila doon. Wala din naman silang kamag anak na mayaman na pweding hiramam ng malaking halaga,kung meron man ay Hindi sila nito kilala dahil mahirap lamang sila.
“Angela lumapit ka na kaya doon sa boss mo AKA BOYFRIEND mo!
Hindi ba MAYAMAN yon,? wika ng pinsang si May Anne.
“Hindi na oy.! Wala na kami nun. Saka sinabi ko na kalimutan na niya ako, tapos ako pa pala ang lalapit…. Wag na.. Never na akong lalapit pa sa kanya!!! Pa tapos na wika ng dalaga.
“Hmff.. Kung ako naman ang may amang Nasa hospital e Di bali na lang siguro na isangla ko ang kaluluwa ko noh? Matulungan ko lamang ang pamilya ko!” Palatak ng babae.
Sinalubungan na lamang ito ng kilay ng dalaga.
” Mr. Sigasig pwedi na po kayong lumabas,
Nasettle na po ang bills nyo..! Ani ng nurse na pumunta sa kanila.
“Talaga po, ah ma’am pwdei po bang malaman kung sino ang nagbayad? Tanong ng dalaga.
” Ah maam Hindi na po nagpa kilala. Basta po binayaran na niyang lahat ang bills nyo dito.. Kaya maari na po kayong lumabas.
“Maraming Salamat po.Aniya nila sa babaeng nurse.
Palaisipan sa pamilya niya kung sino ang taong yon na nagbayad sa hospital. Pero isa lang ang Nasa isip ng dalaga, marahil si Dilan yon.
Dahil wala na syang ibang tanong maisip na gagawa nun Maliban sa binata.
Pinuntahan niya ito sa opisina para makapg pa Salamat.
“Ma’am bawal na po kayo dito dahil Hindi na po kayo dito empleyado. Wika ng gwardya.
” Manong sige na, pupunta lang ako saglit sa opisina ni Sir Dilan. Pangungulit niya.
Mayamaya bumaba ang binata sa lobby may ilang lalaki itong mga kasama, marahil ay mga
Alalay ito ng lalaki.Sinalubong ito ng dalaga.
” Ah sir pwedi ko ba kayong makausap kahit sa kahit lang?aniya sa binata.
” Yes Miss sigasig?
Uhm.
” Gusto ko lang pong magpa Salamat sa pag tulong nyo samin. Uhm.. Hayaang nyo po kapag nakapera ako babayaran ko pa rin kayo.”naghihintay niyang wika sa lalaki.
” Miss Sigasig, napagusapan na natin yon, kakalimutan na nating lahat. Wla na yong mga utang mo sakin.
Ah.. Uhm.. P.. Pero Salamat pa rin sa pag bayad mo sa hospital.. Yon.. Babayaran ko yon kapag
Nagkapera ako.nahihiya niyang wika sa lalaki.
“Angela wala akong alam sa sinasabi mo.. At Hindi ako nag bibigay ng tolong ng walang kapalit.kaya, kung wala ka ng sasabihin excuse me, marami pa akong gagawin” .malamig na wika ng lalaki Saka siya nito Iniwan..
Naiwang natigilan ang dalaga. Hindi niya
Akalain na magiging malamig sa kanya ang binata.. At Hindi niya inaasahan na ganun ang sasabihin...