Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 28


Ito na yung ARAW na yun…
Ang araw na.
.
.
.
.
KINATATAKOTAN KO[!]
Tapos ko ng papermahan ang clearance ko.. Tapos ko ng tong papermahan sa PrincipaL.. Dala dala ko to pabalik sa classroom namin. Ngayon kse ang Duedate ng clearance at ang huling araw para sa releasing ng card. Di na binigay ang card namin nung fourt grading kse magiging sa amin din daw ito bago magbakasyon kse nga gagamitin namin ito sa sunod na pasukan para sa enrollment.
Tiningnan ko ang grades ko at walang puLang grado sa fourth grading ko so ibig sabihin nakabawi ako..kaso dahiL may kababaan na ang grade ko nung second grading at bagsak namn nung third grading ay nahatak pababa ang grade ko nung first grading at fourt grading kaya ang overall avarage ko sa card ay ” 77.”
Nakaramdam ako ng lungkot ..nanghihinayang talaga ako sa dalawang markahan na pinabayaan ko.
“pero ok lang yun ang importante nman ay pasado ako ng third year. “, bulong ko sa sarili ko.
“ok lng yan Esang. Galingan mo nalng sa sunod. “,si Maam Criselda na pilit pinapagaan ang loob ko.
Opo maam.. Hayaan nyo babawi po talaga ko sa susunod. ” paninigurado ko dito..
Madami pa kameng napag usapan ni Maam Criselda at di ko namalayan ay hapon...


na.
Agad akong nagpaalam sa kanya. Alam kong naghihintay na sa akin si Long sa bahay. Bakasyon na nman kaya ito na ang huling araw namin sa eskwela.
Nakita ko si Jino na parang papalapit sa akin paglabas ko sa pintuan ng classroom kaya para di nya ko maabutan ay agad akong nagpara ng tricycle .Di ko alam kung nag assume lng talaga ako na lalapitan nya ko pero mas gugustuhin ko na rin munang umiwas. Alam ko namng alam nya na rin ang mga pinaggagawa ko. At nahihiya ako.
Pagdating sa boarding house ay nagligpit na kami ni Long. At agad pumunta sa tabing dagat para maghintay ng bangkang pwede nmin pagsakyan pauwe sa baryo.
Nakaupo kame ni long sa waiting shed na nasa tabing dagat. Sayang at sabi nung mga nakaupo din dun ay kakaalis lang ng bangka nina Nene (yung pinsan ko )..kaya naghintay nalng kame ng mga bangkang darating para makisabay pauwe . Hay nakakapagod na araw
Masaya kameng umuwe sa bahay. Napansin kong wala dun si tito sa tabi ng pintuan na lagi nyang pinupwestuhan sa tuwing darating kame galing bayan..
Pagpasok ko ay agad nya ko sinalubong ng SAMPAL.
Nagulat ako pero mas naguLat ako ng makita ko ang hawak neto sa Kabilang kamay..
ANG CARD KO!
PERO PANONG…
-itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top