Fathers and son Part 26


Inayos ni Leslie ang mesa para sa kanilang almusal na sinabayan na ng pananghalian. Nawili ata sa paliligo sina Lee at Larry na kasama pa si Viel kaya hindi na nakapag almusal.
Naabutan pa ni Lee si Larry na binibihisan si Viel.
” Hindi ka pa tapos?”
” Eh,syempre..dinadahan dahan ko. Baka kasi masagi ko sugat ng bata.”
Maya maya pa’y…..
” O! Tapos na. ”
” Salamat po papa Larry. ”
Pagkatapos ay umalis na si Larry. Magbibihis sa mismong silid nito.
” Papa…punta lang po ako ng kusina.”
” Ha? Ah…halika. buhatin na kita papunta dun.” Binuhat ni Lee ang anak papuntang kusina kung saan naroon si Leslie. Nakabihis na rin siya.
Nadatnan nilang naglalagay ng mga plato si Leslie.
” Tita Leslie. Nahuli ka po ng gising.”
” Pasensya ka na,Viel ha. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. ” Katwiran nito. ” Upo ka na rito. Susubuan kita.”
” Sige po.” Sagot niya saka binalingan si Lee. ” Papa….”
” Ibababa na kita.” Inayos ni Lee sa pag upo si Viel.
Hindi pinapansin ni Leslie si Lee. Nahiya dahil sa nangyari kagabi. At isa pa,medyo galit ito kasi nagawa siyang ihulog ni Lee mula sa sofa.
” Anak..tawagin ko lang papa Larry mo,sabay sabay na tayong kumain.”
” Opo.” Sinabayan pa ng tango ni Viel.
Wala pa ring imik si Leslie kay Lee.
” Larry..” tawag ni Lee sa huli.
” O!”
” Kumain na tayo. Naghihintay na sila.”
” Ahh…sige.”
Tatalikod na sana si Lee nang pigilan siya saglit ni Larry.
” Ano yung kanina ,Lee?”
” Anong kanina?”
” Hu..kunwari ka pa. Bakit mo ko pina alis nang makita mo si Leslie na nakatutok ang mga mata satin?”
” Pinagsasabi mo?”
” At saka yung kagabi? Ano rin yon? Naabutan ko pang napa upo si Leslie na nakaharap sayo? May nangyayari ba?”
Hindi pinansin ni Lee si Larry.
” Sandali nga…” Pigil pa rin ni Larry sa tumatangging si Lee. ” Umamin ka nga…may gusto ka ba kay Leslie?”
” Larry, malabo yang sinasabi mo. Hindi ko siya magugustuhan kelan man. Kapatid niya ang taong pumatay kay Estela. At alam mo yun.” Tuwirang saad ni Lee.
” Kung ganoon,pinapaasa mo lang siya ”
” Hindi ko rin siya pina paasa. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya na gusto ko siya,ah! Kaya walang paasa na nagaganap.”
” Lee..kung talagang hindi mo siya gusto,huwag mong ipaparamdam sa kanya na parang gusto mo siya. Madaling mahulog ang mga babae. Madali silang magmahal. Kung ginagawa mo ito para gantihan si Rodney,Lee..huwag ganoon. Mabait si Leslie. Mahal niya ang anak mo.” Paalala ni Larry sa kanya.
” Makinig ka rin,Larry. Hindi ko siya gusto. Yun na iyon. Hindi ko na kasalanan kung mahulog man siya sakin. Siya itong lapit nang lapit sakin. ”
Yun lang at saka tumalikod na si Lee kay Larry. Napabuntong hininga na lang ang huli na sinabayan pa ng iling. Sumunod na rin kay Lee papuntang kusina.
” Kain na tayo ….” Anas ni Larry habang palapit sa mesa. ” Salamat ,Leslie ha. Pinagluto mo kami. ”
” Ok lang yon. Na miss ko ring magluto.” Tugon ni Leslie. ” Heto…” Inabutan niya ng pinggan si Larry.
” Salamat. ”
Napatingin naman si Lee sa kanilang dalawa.
” Viel..subuan kita ulit.”
” Opo,tita.”
Pagkatapos nilang kumain ay inilabas ni Larry ang ice cream na binili ni Yssa kagabi.
” Wooow…paborito ko..” masayang turan ni Viel. Lumaki pa bibig nito dahil sa galak.
” Matagal ka ng hindi nakakain nito ,diba?” Si Larry.
” Opo…” At pumalakpak pa.
” Anak..huwag masyadong gumalaw. Sariwa pa sugat mo.” Nag aalalang saad ni Lee.
” Pasensya na papa.”
” Ikaw naman ,Lee. Huwag mo namang putulin ang galakan ng bata. ” Saway ni Larry.
” Pinapapalalahanan ko...


lang naman,ah!”
” Hayaan mo na. Masaya naman siya.”
” ikaw ….”
” Mga papa,nag aaway po ba kayo?”
” Hindi anak. ” tanggi ni Lee.
” Oo nga ,Viel. Hindi kami nag aaway.”
” Bakit parang galit si Papa Lee kung makatingin sayo?”
” A..ako? Galit? Hindi ah. Tingnan mo…” Kinuha ni Lee ang ice cream kay Larry. Kumuha rin ng kutsara at nilagyan ng ice cream. ” Susubuan ko pa nga si Larry. Diba,Larry? Nganga ka nga…”
” Ha?”
” Nganga na…” Pinandilatan pa niya ito ng mata.
” A…..” Binuka ni Larry ang kanyang bibig saka sinubuan ni Larry ng isang kutsara na puno ng ice cream. Pinahid pahid pa nito sa labi ng huli. Sinadyang dumihan ang bibig.
” O,masarap diba?” Nakangiting turan ni Lee. Napatawa naman si Leslie nang makita ang ginawa ni Lee kay Larry.
” Ha? Oo..masarap.” sagot nito. ” Ako rin. Subuan ko rin si Lee. ”
Si Larry naman ngayon. Ginaya rin ni Larry ang ginawa ni Lee sa kanya kanina. Pero iba ang style niya. Pinunasan niya sa bibig si Lee ng ice cream pero kasama pati ilong.
” Hahahhaha!!!” Sabay tawa nina Viel at Leslie.
” Yan..o diba? Hindi kami nag aaway ni Papa Lee mo anak.”
” Nakakainggit naman. Nagsusubuan pa.” Sabi ni Leslie na nakatitig sa dalawa.
” Gusto mo subuan rin kita,Leslie?”
” Pwede ba?” Paglalambing nito. Wala siyang pakialam kung ano ang iisipin ni Lee sa kanya.
” Teka lang. Kuha lang ako ng isa pang kutsara.”
Tumayo si Larry para kumuha ng isa pang kutsara. Balik ulit sa mesa. Nilagyan ng ice cream saka akmang susubuan na si Leslie.
” A….” Buka ni Leslie ng bibig.
Pero sa halip na siya ang kakain,hinawakan ni Lee ang kamay ni Larry na may kutsarang may Ice cream at saka dinala sa bibig niya.
” Oh!” Nasambit lang ni Leslie.
” Ang sarap nga ng ice cream,Larry. Subuan mo pa ako.” Utos ni Lee.
” Hoy! Kay Leslie yon. Bakit inagaw mo?”
” Oo nga po papa Lee. Kay tita iyon.”
” Kailangan niyang mag diet anak. Bumibigat na naman timbang niya.” Sabi nito na hindi man lang tinitingnan si Leslie.
” Aba…ang daya nito.” Saad ni Leslie na nadismaya.
” Heto na nga…” Kuha ulit si Larry ng ice cream. Pinagbigyan si Lee na alam niyang nagseselos dahil susubuan niya si Leslie.
Biglang tumayo si Lee.
” Busog na pala ako. Lalabas lang ako.” Sabi niya saka umalis.
Pagka alis ni Lee ay si Leslie na mismo ang kumuha ng ice cream para sa kanya. Sinubuan na rin niya si Viel. Silang tatlo na ang umubos ng ice cream.
Hapon na at oras na para patuligin si Viel. Sinamahan ito ni Leslie. Pati na rin ang babae ay nakatulog rin.
” O! Yosi!”
Lumingon si Lee kay Larry na nag aalok ng yosi sa kanya.
” Tinigilan ko na iyan.” Tanggi niya. ” Nag yoyosi ka parin ba?”
” Pa minsan minsan. Pero hindi ko pinapakita kay Viel. ”
” Tigilan mo na iyan. Iikli buhay mo niyan.”
Ibinulsa na lamng ni Larry ang sigarilyong dala.
” Gusto mo si Leslie,ano?”
” Ayan ka na naman.”
” Lee naman.. lalaki ako kaya alam ko yan. Umamin ka na nga lang.” Inakbayan pa niya si Lee. ” Hindi naman na ako iba sayo. Papa rin ako ng anak mo. At saka..magkaibigan naman tayo.”
Tumitig lang si Lee sa kanya. Kahit nga siya mismo ay hindi pa alam kung ano talaga ang kanyang nararamdaman. Kung pag ibig na nga ba ito,tama ba para sa kanya gayong kapatid ito ng taong pumatay sa pinakamamahal niyang asawa ? At isa pa..mahal niya pa rin ang asawa kahit na wala na ito at hindi na kailanman makikita pa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top