VANESSA CHAPTER 5


_____________
” ate Vani kumusta ang pakiramdam mo. Masakit parin ba ang ulo mo? ” nag aalalang tanong ni Jessa kayo Vanessa ng magising na ito.
“Hindi naman masyado emmmp Jessa Bakit ako nandito . Sino ang nag dala saakin dito? ” kunot nuong tanong ni Vanessa ng mapag tanto niyang nasa Hospital na pala siya.
” yung Boss mo ate si Sir Lance. ”
” huh ?!, nasaan na siya? ”
” umuwi na siya ate. Umalis na siya ng maka rating ako ”
” ay hindi man lang ako naka pag pasalamat. Ano raw sabi ng Ng Doctor? Jessa?
“Malaki raw ang posibilidad na malapit ng bumalik ang ala-ala mo ate dahil. Until until ng bumabalik sayo ang mga naka raan mo. ” sagot ni Jessa.
Bigla naman naalala ni Vanessa Yung Dalawang bata na nakita niya sa kaniyang isipan.
“May nakita akong Dalawang Bata, masayang nag lalaro at nag hahabulan. Babae at lalake kapangalan ko yung batang babae at Sebastian naman ang pangalan ng batang Lalake. Parte rin ba yun ng ala ala ko Jessa? At sino yung batang Sebastian ?”
” nako hindi korin alam Ate Vani. Wala akong alam sa Mga ganiyan. Baril barilan lang ang alam ko. “. Ngising sagot ni Jessa. Ngunit wala man lang narinig si Vanessa sa Sinagot ni Jessa dahil. Napalalim masyado ang kaniyang pag iisip.
‘Sino si Sebastian ? Kaibigan koba siya? Kapatid o boyfriend koba. ?’ Naguguluhang tanong ng isip ni Vanessa
—-
“Leo Kumusta na ang pinapagawa ko sayo? May balita kana ba sa Princess ko. ? ” tanong ni Don Rafael sa Kaniyang Private investigator na isang Apolo Agent na matagal ng nag tatrabaho sa kaniya.
” sir hindi ako sigurado kung si YoungLady ngaba ang nahanap ko.. Ngunit sobrang magka mukhang magka mukha sila sir. At kapangalan rin niya ang YoungLady. Vanessa rin po ang pangalan ng babae. Hindi lang ako sigurado na siya nga ba ito dahil meron itong dalawang kambal na Anak at mahigit 2years old palang ang mga anak nito. isa itong Waitress sa Tanghali hanggang Gabi at Tindera naman ng isda sa umaga sa Palengke. Gusto ko muna maka sigurado na siya ngaba ang YoungLady Princess kaya bigyan niyo muna ako ng kahit isang linggo sir ” sabi ng nasa linya na si Leo.
Bigla namang nabuhayan ng loob ang don dahil sa balitang nalaman. Posible kayang yun unica iha niya ..
“Okey Good Leo. ipasa mo Sa Email ko ang lahat ng information tungkol sa babaeng sinasabi mo. At gusto ko sa isang linggo nayun ay meron kanang patunay ” sagot ni Don Rafael at pinatay na ang tawag.
“Excuse me sir narito po si Mr Sandoval. Papapasukin kona poba? ” tanong ng kaniyang secretary na si Mary.
“Yes ” maikling sagot ng Don. At umupo ng maayus
Bumukas ang Pinto ng kaniyang Opisina at pumasok roon ang kaniyang inaanak na si Sebastian. Napa tayo kaagad ang Don upang salubungin ang kaniyang inaAnak. Na asawa na sana ng kaniyang anak ngayon.
” oh iho naparito ka? How are you Seb? ” pangunguna ni Don sabay Tapik sa Balikat ng Binata.
” Tito Dad kumusta ang pag hahanap kay Vanessa ?” Malungkot na tanong ng Binata . At napa kunot nuo ang Don ng maamoy niya ang Binata .
“Lasing kananaman. Iho. Nextime nalang tayu mag usap kapag hindi kana lasing iho. ” ani ng Don at umiling lang si Sebastian.
“Tito Dad please sagutin niyo nalang ako. Kung may balita naba sa Vanessa ko. Ang mga tauhan na inutusan ko ay Negative parin ang Balita. ” maluha luhang sabi ng Binata.
Sobrang naaawa naman si Don Rafael sa Binata dahil mag mula ng mawala ang kaniyang anak na si Vanessa nung araw mismo na Sumabog Ang...


Helicopter na sinasakiyan nito sa Araw ng Kasal nila , ay palagi nalang itong umiiyak at nag lalasing malaki narin ang ibinagsak ng katawan ng binata at sobrang napapa bayaan na nito ang sarili. Kamuntikan narin itong mamatay nung maaksidente ito nung Gabing hindi Natuloy ang Kasal . Nag maneho ito ng lasing kaya ito nadisgrasya at na comatose ng mahigit isang Taon. At ng magising ito ay palaging si Vanessa nalang ang bukambibig at palaging hinahanap. . Kaya katulad niya ay hindi rin matanggap ni Sebastian ang pagka wala ni Vanessa at umaasa parin silang dalawa na makaka balik sa kanila si Princess Vanessa. At mananagot ang lahat ng may kasalanan.
“May ibinalita saakin ang inutusan ko , hindi pa ito sigurado kung si Vanessa ngaba ang nakita nito. Kaya wag tayu mawalan ng pag asa iho. ipag dasal natin na si Vanessa nga ang nakita ni Leo ” sagot ng matanda.
Nakita naman ng Don ang Pag liwanag sa mga mata ng binata. Nakita niyang nabuhayan ito ng loob dahil sa kaniyang ibinalita.
” talaga po Tito Dad ? Saan po? ” mabilis na tanong ni Seb.
” hayaan na natin ang mga tauhan ko iho. ilang araw lang ay malalaman na natin kung si Vanessa ngaba ang nahanap ni Leo. . Kaya lakasan mo ang loob mo at ayusin mo ang sarili mo iho. Gusto mobang makita kani Vanessa sa Ganiyang ayos? Ayusin mo ang buhay at sarili mo iho para kay Vanessa ” pag papalakas ng loob ng Don kayo Sebastian ..
Parang tunay narin niya itong anak dahil siya ang Ninong nito at Lumaki rin sa Poder niya ang Binata dahil palaging nasa Dubai ang mga Magulang nito. Dahil narin sa Plano nilang magkakaibigan na ipag lapit ang mga anak nila at ipakasal ang mga ito kapag nasa tamang edad na sina Vanessa at Sebastian. At hindi naman sila nabigo, dahil mula pagka bata ng dalawa ay hindi na ito mapag hiwalay. Hanggang sa umamin na ang mga ito namay relasyun na ang mga ito. . Sobrang natutuwa silang mga magulang dahil nakikita nilang sobrang mahal na mahal nila Vanessa at Sebastian ang isat isa.

“Martin gusto Kong kumuha ka ng Katawan ng babae yung sunog na. ” utos ni Margarita sa kausap
📞para saan naman margarita? ”
” ipapalabas natin na yun ang katawan ni Vanessa. Para tumigil na ang Matandang Rafael nayun sa kakahanap sa Pest*ng anak niya ”
📞Okey yun lang ba ?”
” oo ipapahatid kolang sa Anak mo ang Pera mo ”
📞Anak natin. Parang hindi mo anak si Rita ah.
” tumigil ka Martin gawin mo nalang ang pinapagawa ko sayo. Pagka tapos ay isusunod na natin si Rafael.. ”
“Gawin mo ng maayus ang trabaho mo Martin. Palagi ka nalang palpak. Kapag pumalpak kapa rito ay malilintikan ka talaga saakin. Sige tawagan mo nalang ako kapag nagawa mona pinapagawa ko sayo. ” sabi ni Margarita sabay patay ng tawag. Ngunit bigla naman itong nag Vibrate at nakita niya sa Screen ang Pangalan ni Don Rafael kaya naman napa taas siya ng kilay. Bago ito sinagot.
” hello Hon ”
📞 margarita nasaan ka?
” ha eh nasa Mansyon lang ako nag papahinga Why ?
📞ah okey wala naman. Sige mag iingat ka
” okey Hon ikaw rin. Hihintayin kita para sabay na tayu mag Dinner ” sagot ni Margarita sabay ikot ng Eyeballs nito.
Mag sasalita Pa sana ang Don ngunit pinatay naniya kaagad ang Tawag.
” Remon sa Mansyon tayo bilis. ” utos ni Margarita sa kaniyang Driver
‘Hindi rin mag tatagal ay mawawala kana rin Rafael magsama sama na kayo ng Walang kwenta mong asawa at Epal mong Anak hahahhaha ‘ ani ng isip ni Margarita at napapangisi siya sa kaniyang naiisip.
//next 6






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top