HACKER


(NAIIBANG KWENTO)
Disclaimer: Kathang isip po ito na inspired ng isang popular Bank Heist noong 2006. Wala pong katotohanan ang kahit anong isinulat dito. Ito po ay purong piksyon at gawa-gawa lamang kasama ang lahat ng pangalan at lugar. Wag tutularan ang bida kasi bad. May part 2 pa. Haha.

–StarDust 🌟
Ako si Rajinder Castro Wong. Isang notorious na hacker. Miyembro ako ng isang eksklusibong grupo ng mga batikang international hackers. Tinawag namin ang aming sariling ‘The Magic 6.”
Half Indian, Half Chinese-Filipino ang lahi ko. Lumaki ako sa squatters area ng Riles ng tren sa Sta. Mesa, Manila. Dahil matapos mabuntis at iwan ng aking Bigtime na banker na ama ang aking ina. ay itinakwil ito ng Chinese kong lolo.
Nagtatatrabaho ang aking ina sa RCBC bilang teller noon nang magkakilala sila. Pero dahil pinalayas si Mama ng aking lolo na negosyanteng Chekwa sa Binondo mas pinili nyang mangupahan sa Sta Mesa Riles, para makatipid at paghandaan ang pagpapalaki sa akin nang mag-isa.
Kaylangan din kasi nyang umupa ng yaya kapag ipinanganak ako. Kaya lumaki ako sa malakas na ugong ng riles kapag padating ang tren, at kung wala naman ay ang trolley ng mga riles boys. Sanay ako sa ingay ng squatter na idinadaan ko na lang sa earphones at mp3.
Sabi nila gwapong bata daw ako, deepset ang mata, makinis at mas maputi sa typical na bumbay dahil sa Chinese blood na nanalaytay. Matangos ang ilong ko at mayroong cleft chin. Taas: 5’8 Inches. “Natural may lahi eh!” sabi nila. Pero kahit pa nga anong hitsura mo meron at meron kukutya sayo.
Nung bata ako, madalas akong tawaging “Bumbay”, “Putok sa Buho”, “Anak ng Putok” at kung anu-ano pa. At iniisip kong lahat ng paghihirap ko ay dahil sa aking Ama. Dahil dito bata pa lang ako ay ipinangako ko na ang paghihiganti ko sa aking Ama, at sa buong bansa nito.
Nang tumuntong ako ng grade 4 ay may konti nang naipon ang mama ko at lumipat na kami sa isang apartment sa Pasig. At dito na magsisimulang madiskubre ang galing ko sa computer.
Nagkaroon ako ng project sa computer, simpleng basic PPT (PowerPoint) presentation. Noon ay wala pang laptop si Mama, pero software engineer ang asawang Canadian ng kapitbahay naming pinay na kaibigan ni Mama.
Nakiusap si Mama na paki-turuan muna nila ako dahil may seminar siyang dadaluhan nung Sabado na iyon.
Pumunta ako sa bahay ng mag-asawang kapitbahay na tuwang tuwa dahil matagal na silang nagigiliw sa akin. Sa loob ng 12 years ay wala silang anak. Natural na giliw na giliw sila sa akin. Agad nila akong binilhan ng pizza at ice cream, kahit na project ang talagang ipinunta ko doon.
Naipasa ko ang project at ako ang may pinakamataas na grade. Dahil mabait sa akin ang mag-asawa, bumabalik balik ako sa kanilang bahay para magpaturo sa computer lalo na at madalas na wala si Mama.
Dahil likas na mabilis ang pick up ko sa computer pati binary, softwares, programming, website development atbp pa ay itinuro ng matandang Canadiano sa akin. Itinuring nito akong apprentice at higit sa lahat parang tunay na anak.
Hindi naman tumutol ang aking ina dahil naging busy ito ito sa banko. Target ni mama na maging Manager ng RCBC kaya sinisiguro nitong puliduhin lahat ng trabaho at kumuha pa ito ng Masters Degree course sa Banking at Finance.
Pagtuntong ko nang 14 years old alam ko na halos lahat ng alam ni Canadiano. Nagsimula ko rin makilala ang circle of Internet Whiz Friends nito na kalaunan ay nagturo sa akin ng basic hacking.
Nagsimula na rin akong kumita sa simple errand na ipinapadala nila ang kita sa debit account na binuksan ko gamit ang pekeng student ID at birthcertificate sa Recto: Bilang katibayan na ako ay 18 years old na. Lahat naman kayang kopyahin sa Recto kasama na ang mga dry seal.
Isang araw inatake sa puso si Canadiano. Nang mailibing napilitang umuwi sa Zamboanga del Sur ang asawa nito. At dahil ayaw nitong maalala ang asawa sa mga naiwang gamit ay ipinamana nito sa akin lahat ng gadgets ng matanda maliban sa ipad at ps3 slim nito.
Sabi nya sa mama ko matutuwa ang Canadiano na mapupunta sa akin ang PC, laptop, Xbox, Noise Cancellation headsets at 13 hard drives nito.
Tuwang tuwa ako ng ibigay ang mga ito sa akin. Pero sa isang banda, may halong kirot dahil ang kauna unahang lalaking itinuring akong anak ay di ko na makakasama. Sa sobrang lungkot mas madami akong ibinuhos sa internet at dito ko nga nakila ang Magic 6. Mga super talentadong hacker mula sa India, China, USA, Japan, Germany at ako na taga Pilipinas.
Dahil banker si Mama marami akong kwentong naririnig sa kanya. Ako lang naman ang lagi nyang kausap at ang kasambahay namin na si Ate May-May na nag-alaga sa akin mula pagkabata.
Maraming fraud na kaganapan sa banko. Popular na topic din namin ang money laundering. Ang di alam ni mama, nagsisimula kong pag-aralan ang kalakaran ng mga banko dahil may iniluluto akong plano.
Lumawak ang kaalaman ko sa mga tinatawag na malwares, bugs, virus. Kasama na rin sa pagkakaroon ko nang impluwensya sa mga bitir na hacker. Tahimik at unti unti naming napasok ang software ng eBay. Gumawa kami ng malware na tinawag naming “Smile. Free Delivery.”
Siyempre pa ang simpleng malware namin ay mabilisang inupload sa Google gamit ang isang ‘to be disposed’ Hewlett and Packard laptop. Ginawa ang pag upload sa Arizona. At bago pa madetect ang IP add ay dinespatsa na ang laptop sa karatig na lugar ng Utah.
Siniguro ng kasamahan ko sa USA na totally deleted lahat sa laptop. Saka ito ibinigay sa kawawang pulubi na di naman alam kung paano ito gamitin.
Simple lang naman ang target ng malware. Mag register ang maraming mga tao sa loob ng 30 minutes sa eBay US para sa free delivery worldwide via Global Shipping Center.
Yes, free delivery ng kahit anong magustuhan mo. Mula sa simpleng ear plugs hanggang sa gadgets at high value items like Rolex at mga french chandelier. Don’t get me wrong. Free delivery ito. Free item din. Sa cart ng nagregister ay lalabas na free ang item na iche check out nila. Meaning kahit wala kang funding source idedeliver sayo ito within 2 days.
So, ganito yan, may auto expiration ang malware. Para di makahalata si eBay. 30 minutes mag eexpire na ang link. At lahat ng naunang nag register for free na ang items sa shopping platform. Pag naclick nila ang malware at gumawa sila ng new account automatic as Concierge Holder na sila.
Shempre isa ko sa dapat makinabang dito. Pag upload ng malware nag register ako sa eBay US, gamit ang pekeng pangalan ko. Then pumunta ko sa site at naghanap ng item. Dell Laptop. Buy it now? Yes. Click and collect option ang ginamit ko via LBC Cubao. Dun ang inilagay kong shipping. Proceed to check out? Continue. Confirm? Sa confirmation lumabas ang eBay Concierge Logo. Dumating ang confirmation notiff ko sa Bell Icon ng account. Pag click ko…
And viola Complete Purchase daw. Syempre para di matrace tig iisa per day ang order muna. Nag order ako ng State of the art laptop isusunod ko ang ibat ibang iphones at ipad, speakers at hard drives. True to the malwares function, item shows delivered sa tracking info pag dating ng second day. Nagsuot ako ng black hood, henna tattoo, black shades at surgery mask ng kolektahin ko ang item. Inalam ko din ang pwesto ng cctv the day bago ako nag claim para siguradong tagilid o payuko ang bawat anggulo ko.
Tagumpay ang malware bukod sa aming Magic 6 na promotor ng hacking mayroon pang libo libong mga tao ang nakapagregister sa malware na nacreate namin. Bago pa madetect ng eBay USA ang free shipping free items– Makakarami na kami nang order.
Sa umaga normal na estudiyante ako. Sa gabi at weekends. Full blown hacker. Nag dedesenyo ng malwares nang dahan dahan. Slowly but surely. At kahit halos konti ang oras ko, gumagana pa rin ang thyroid at pituary glands ko. At di ko maiwasang magka crush kay Lindsay. Ang kaklase kong napaka ganda na anak ng sikat abogado sa Pilipinas. Madalas kundi ako gumagawa ng softwares o malwares ay iniisip ko si Ivy. Ang aking ultimate crush.
2 weeks at undetected pa din ang malware. So continue lng ang pag order. Nung ika 2nd month na. Naipon na sa kwarto ko ang wall to wall height ng packages. From high end perfumes to signatured clothing, shoes at sneakers na malamang di ko gagamitin agad agad baka ma-heart attack ang mommy ko pag sabay sabay kong inilabas.
Ang mga gadgets gaya ng laptops, cell phones, tablet, speakers, name it. Bago pa matrace ang malware. Nagdecide ang magic 6 na magdelete na ng account. Shempre inoverride namin ang system para sa account closure. Kay eBay kasi 30 days bago ito maisara.
Nang madetect ng eBay ang malware lugi na sila ng ilang milyon at sinusubukan nilang habulin ang mga payee ng eBay Concierge na undetected ang funding source sa transactions. Pero huli na ang lahat at di na kami madedetect kasi nasa back log na ng system ang eBay accounts namin.
At dahil almost months bago na detect ng system nila ang fraud. Full blown na naming naimpok ang mga eBay GSP Packages sa mga locations namin. Ilan...


sa inorder ko ay gold necklace para sa crush ko. At Jewelry set sa mommy ko. Pero tinago ko muna ito at ilalabas sa tamang panahon.
Dahil di naman nag uusisa ang mommy ko, nakatambak lang muna lahat. Maliban sa ilang gadgets na naset up ko sa kwarto. Isang rule na ginawa ko sa bahay. Bawal pumasok sa kwarto ko. You see, delikadong malaman nilang dito nakatira ang isa sa Magic 6.
Pag nakita ni mama ang stack of ‘supplies’ ko sasabihin kong kinuha akong reviewer o tester ng mga products para di siya maghinala. Alam naman nyang may nasimulan na akong internet career sa blog writing ko.
Kaibigan ko si Ramesh ng Magic 6 na taga India. At ginagamit ko siya ngayon para alamin ang location ng aking tatay. Hinihintay ko ang report nya mula sa Indian Government Files. Kapag nahanap ko ang tatay ko personal akong gagawa ng cyber crime para lang maiganti ko si Mama.
So isang hapon, nilapitan ko si crush, pero biglang huminto ang BMW ng daddy nya. Bumaba ito at kinausap ako. Tinanong nito kung anong negosyo ng pamilya ko. Sabi ko assistant manager si Mama sa RCBC. Sabi nya “iwasan mo ang anak ko kung wala kayong sariling franchise ng banko.”
Namula si Ivy sa hiya sa akin. At hinablot ng daddy nya ang kamay niya at isinakay sa kotse. Naiwan akong di nakapagsalita sa pagkabigla. Para akong binuhusan ng isang arenolang ihi at gusto kong kainin ako ng lupa sa pag-kapahiya. Napayuko ba lang ako.
Itong mokong na abogadong ito. Di mo alam mula sa blackmarket naka invest na ako ng bitcoins noong 14 pa lang ako. Baka dalawang taon lang mas madami na ang asset ko kaysa sa daddy ng crush ko given na malakihang pera ang bago kong plano.
Well sa malayo ay tinitingnan ko pa rin si Ivy. Siya lang yata ang mabuti sa mga iniisip ko. Lahat ng plano ko ay para sa amin. Balang araw bibili ako ng maliit na cruise. At mag sa sail kami sa Caribbean, Bahamas, Maldives atbp na malayo sa masikip na apartment na ito. Balang araw lahat ng mga bagay na deserve ng tunay na prinsesa ay ibibigay ko sa kanya.
At heto na nga ang hihintay kong files mula kay Ramesh. From Code name : Rabindranath
Subject: Project Blue
Pinindot ko ang file. Bumulaga ang impormasyong matagal ko nang hinahanap. Bank Manager ang tatay ko sa Delhi India. May asawa, dalawang anak, tatlong katulong, isang driver at tatlong aso. “Tan**na! Huli ka balbon sabi ko na lang ”
Nagsimula akong lutuin ang plano, cnbi ko sa buong grupo. “Guys I will target Central Bank ng India. Who is in?” Nagsend lahat sila ng thumbs up. At ito na nga ang simula ng pinakamalaking bank robbery na maitatala sa buong mundo. Una gumawa ako ng security malware para sa SWIFT Network, Kailangan ito dahil ito ang sentro ng komunikasyon ng kalakalan ng mga banko.
Sa SWIFT dumadaan ang approval ng Federal Reserve Bank of New York kung saan nakadeposito ang pera ng Central Bank of India. Next nag post ako nang ad s fb gamit ang dummy account para humanap ng 6 na tao. Sa ibat ibang panig ng Pilipinas, nakakuha ako ng mga tao na mag oopen ng account sa RCBC.
Sabi ko mag open lang sila ng account at ibigay sa akin ang otp code sa online banking twing kailangan ko ay sasahuran ko cla. Tig 10k kada transaksyon. Sino bang di papayag sa ganun lalo na kung hirap na hirap sila. Boss ang tawag nila sa akin. At sinabi kong bawal akong tawagan. Ako ang magtetext.
Siyempre in 6 months itatapon ko na ang cellphone na ito bago pa madetect ang ip address. Boss ang tawag nila sa anak ng bumbay na 17 taong gulang pa lang. Hahahaha.
So nang magbukas ng bank account ang anim kong tauhan sa Pinas. Tulong tulong ang Magic 6 na humanap pa ng tig 10 pang mga tao sa ibat ibang panig ng mundo para sa babagsakan ng pera pagkatapos sa anim na account.
Plano ko ang tatlong batch ng pagsalin ng pera. 6 sa initial transfer, 60 accounts sa secondary transfer, taz 120 accounts sa tertiary transfer. 4th and final transfer sa pekeng accounts na uli ng magic 6.
By then washed na ang pera at di na mate trace. So inatasan ko ang 4 kasama si Ramesh aka Rabindranath na humanap ng contact sa India. Ang gagawin lng niya ay sesendan ng malware ang computer nito para mapasok ko ang Indian Central Banking System.
Isang hapon nang katapusan ng Mayo taong 2012, sinend ni Ramesh ang link galing sa kanyang Samsung phone (na itatapon niya sa huli sa Indian Sea). Tumungo ito sa email ng trabahador ng Indian Central Bank. Nang matanggap ng empleyado ay pinindot nya ang link. Wala. Blankong page ang nakita niya.
Dahil pauwian na rin di niya masyadong binusisi. Ininstall na ng pc nya ang malware sa buong system.
Umuwi na ang lahat ng empleyado ng hapon na iyon ng Biyernes. Pero naiwan ang bug ng anak ng abandonadong bumbay na namamamahala ng Central Bank of India para maninsala. Lintik lang ang walang ganti.
At sige sa gitna ng tahimik na maghapon ng Biyernes at Sabado buong magdamag na nagtrabaho ang aking malware. Agad kaming gumawa ng 40 bank request transfer gamit ang mga gawa-gawang charity names. At pekeng korporasyon. Naipadala ang request sa SWIFT nang maayos dahil una na naming nahack ang SWIFT (The Society for worldwide Interbank Financial Telecommunication), gamit ang “I wanna cry security virus” Maghihintay nalang ako ng system approval at presto! Magtatagumpay na ang transaction.
Pagpasok ng 40 bank transfer request namin sa SWIFT nakatutok ang buong grupo sa susunod na pangyayari. Lunes. May pasok na ang Indian Cental Bank. Napansin ng IT nila ang malware. Malawak na ang pinsala nito pero siyempre di nya pa alam. Pumunta sila sa central printer para iprint ang backlog ng recent transactions para ma track nila ang ang mga outgoing transfers of funds.
Dahil malinis kaming trumabaho nahack din namin ang printer nung Sabado pa. Nakaprogram na ito para iprint kung ano lang yung mga legal na back logs. Nang malinis nila ang systema nila at maiaayos ang central printer, ang request ay matagal ng nasend sa SWIFT at kasalukuyan ng otw sa 6 na main accounts.
Nang iprint ng central bank ng India ang backlog nagulat sila sa 192 US Dollars transaction na umarangkada na patungo sa mga 6 na Bank Accounts. Tumawag agad ang tatay kong litong lito sa SWIFT para ipacancel ang mga bank transactions.
Kaso pati iyan ay di tagumpay dahil nang tumawag sila sa SWIFT ay apektado ng International Time Zone at Linggo kaya walang tao sa SWIFT. Non working day ang Linggo sa banko sa New York. Automatic System approval ang nangyari at 32 million USD na lang ang di pa naitransfer. Tiningnan ng Indian Central Bank ang patutunguhan ng pera. RCBC Philippines.
Tinawagan ng Indian Central Bank ang RCBC para iblock ang mga bank acounts. Pero dahil Bank Holiday sa Pinas kaya wala ring sumagot na bank managers.
June 12. Nasa kwarto ako. Galing sa 6 na accounts ng RCBC hiningi ko ang otp. Nilimas ko ang 6 na acounts sa loob ng 15 minuto. Mula sa 60 accounts naitransfer ng magic 6 sa 120 pang valid accounts sa buong mundo. At mula sa 120 accounts nilipat namin sa sunod pang batch nang transfers. Buong araw akong nagtatransfer. Last transfer ay sa pekeng international account ko na ipinagawa ko sa Bahamas.
Gamit ang contact ng magic 6. May 6 accounts na nasa Bahamas na di sakop ng bank secrecy law. 160 million USD ang tagumpay naming napirata mula sa Bankong pinanamamahalaan ng tatay ko. Kinakaharap nya ang malaking lawsuit sa kanyang bansa.
Ni reject ng Swift ang 32 million dahil nagkamali si Rabindranath sa spelling ng Foundation na naging daan ng account verification. Saree Fandation kasi ang natype niya. Haha. Nagtaka ang SWIFT sa malaking deposito sa non profit charity at pinigil ito bago pa nila nasagot ang tawag ng Indian Cental Bank.
So heto ang hatian
40 million USD bawat isa sa amin. At dahil 56 php ang conversion rate ng 1 dolar noon. Mayroon akong 2,240,000,000 Philippine Money. Pwede na akong di mag aral. Naka time deposit ito sa Bahamas. Hihintayin ko ang tamang pagkakataon at i wa wire transfer ko ang iba rito pabalik sa Pilipinas.
Pinondohan ng grupo ang pasahod sa mga hired account holders. Pinadala lahat sa money exchange sa bawat bansa as cash. Payee: pangalan ng tao. Payer: Mickey Mouse😊.
Lahat ng gadgets na ginamit sa hacking ay shut down na at tinapon namin sa ilog o dagat. Pagpasok ko ay pasipol sipol ako. Literal na silent billioner na ako. Nakita ko si Ivy, paakyat sa second floor.
Hinabol ko siya Dala ang gintong necklace na 24k ng Cartier. Inabot ko ito s knyang palad na nakakahon. Huminto siya, tiningnan ang box, at ibinulsa.
Nagpasalamat tapos ay sumabay maglakad tungo sa room 208. Parang tumatalon ang 50 elepante sa puso ko ng sabay sabay. At sumisipol ang 50 na bluewhale ng sunod sunod. Para akong idinuduyan sa siyamnaput-siyam na alapaap. Ang ganda ganda ni Ivy. Lalo na ngayong namumula ang pisngi niya at halatang gusto din nya ako.
“Woi Rajindeer may pang franchise ka na daw ba ng bangko?” Pabirong sabi ni Ivy.
Kung alam mo lang Ivy. Kung alam mo lang. Bulong ng puso kong Hacker.
—end—-






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. very good most of your articles, many years of quality posts, i admire you in many things and i disagree in others, but still love your posts.

Leave a Reply


top