Kalalabas ko palamang ng grocery store , ng may lumapit sa akin na isang lalaki. Sapalagay ko ay isa itong driver dahil narin sa ayos at suot nito.
Iiwasan ko sana ito pero agad ako nitong hinarang.
“Miss pwedi bang mag tanong? Nakita mo ba ang babaeng ito buntis siya ngayon.”
Sabi nito kasabay ng pag abot ng isang picture.
Nagulat naman ako ng makita kong sino ang taong hinahanap nito.
‘Jerish.’ Pabulong kong sabi habang napatingin sa lalaki.
Habang nag lilikot ang mga matang nitong nakatingin sa paligid.
“Hindi po e. Ka ano-ano n’yo po ba siya?”
Tanong ko naman. Kahit kinakabahan ay pinilit kong maging kalmado.
Mahirap na at baka makahalata siya.
“Kasambahay kasi siya ng amo ko. Hinahanap ko dahil nag nakaw ng apat na milyong piso.”
Sagot naman nito habang sa ibang direksyon nakatingin.
‘Sinungaling.’ Bulong ko napatingin sa itim na sasakyan.
Kinabahan naman ako ng makita ko ang pamilyar na itim na sasakyan.
“Bakit ikaw ang nag hahanap? Bakit hindi ang mga polis? Hindi ba sabi mo ay nag nakaw siya ng apat na milyon?”
Tanong ko naman sa kanya.
Nakita ko namang nagulat ito sa sinabi ko.
“H-hindi naman sa ganon, tumutulong lang ako. Sige maiwan na kita.”
Sabi nito at nag mamadaling umalis.
“Pauso nito.” Bulong ko at agad nag tungo sa sakayan ng trysicle.
Kailangan itong malaman ni Jerish na pinapahanap na siya ng demonyong mag inang iyon.
“Sana ayos lang yung mag ina sa bahay.”
Bulong ko at hindi na makpag hintay na makauwi.
Pag kababa ko ng trysicle ay patakbo akong nag tungo sa bahay.
Naabotan ko pang dinuduyan ni Jerish ang kanyang anak habang kinakantahan ito.
“Kailangan na nating umalis dito.”
Bungad ko sa kanyan na halatang nagulat pa.
“B-bakit naman Inno?:
Kinakabahan nitong tanong at agad binuhat ang anak niyang umiyak.
“May nag hahanap sayo kanina sa bayan. Sapalagay ko ay isa sa mag ina ang nag papahanap sayo. At sinabi pang isa karaw kasambahay na nag nakaw ng apat na milyon?”
Sabi ko naman at na upo sa kawayan kong upuan.
“A-no pabang kailangan sa akin ng mag demonyong iyon? Hindi paba sapat ang mga pag papahirap nila sa akin?”
Umiiyak na sabi ni Jerish habang mahigpit na yakap ang kanyang anak.
Nakaramdam naman ako ng awa sa mag ina.
Bakit ba ganito ang buhay nila, laging hinahabol ng kamatayan.
“Kaya mag handa ka, dahil aalis na tayo dito sa lalong madaling panahon.”
Sabi ko sa kanya tumango naman ito bilang pag sang ayon.
Pag kagat ng dilim ay nag handa na kami ni Jerish para sa pag alis.
Mas malaking posibilidad kasing may makakita kay Jerish kong araw kami aalis.
Kaya naman nag hintay kaming gumabi para umalis ng walang ma kakakilala o makakita kay Jerish.
Paalis na sana kami ng biglang dumating ang humahangos na si nanay Suraya.
“Inno iha, kailangan n’yo ng umalis dito. Dahil may mga nakita akong tao sa labasan at hinahanap si Jerish. At ang masama pa ay patungo sila dito, dahil may kung sinong nag turo na nandito ka iha.”
Humahangos na sabi ni nanay Suraya.
Kaya naman napatingin ako kay Jerish na bakas sa mukha nito ang takot.
‘Anong gagawin ko?’ Bulong ko habang nakatingin sa pintuan.
Kung dito kami dadaan ay makikita kami ng mga taong iyon. At hindi ko alam kong anong mang yayari sa mag ina pag nakita nila ito.
Napatingin naman ako sa bintana ng marinig kong kumahol yung aso ng mayaman kong kapit bahay.
Ibig sabihin ay nandito na sila?
Agad ko namang sinukbit ang bag at hinila si Jerish patungo sa kusina. Dahil balak kong dito kami dumaan patungo sa likod bahay.
Kung saan may mga malalagong damo na pwedi naming pag kublihan.
“Mag iingat kayo Inno iha. Naway gabayan kayo ng panginoon sa inyong pag lalakbay.”
Sabi ni nanay Suraya ng makalabas kami sa kusina.
“Hindi nanay sasama ka sa amin. Kaya halikana at baka dumating na sila.”
Sabi ko sa kanya at pilit siyang hinihila.
Pero nagulat ako ng umiling ito at inalis ang kamay kong na kakapit sa kulubot nitong kamay.
“Hindi Inno. Hindi ako sasama masyado na akong matanda para sa pag lalakbay anak. Kaya mag papaiwan nalang ako dito.
Wag kang mag alala walang masamang mang yayari sa akin.”
Nakangiti nitong sabi sa akin.
Kaya hindi ko na napigilang mapaiyak. Dahil sa naging desisyon nitong mag paiwan.
“Hindi nanay sasama ka sa amin hindi ba napag usapan na natin ito?”
Sabi ko sa kanaya. Pero umiling lamang ito at mabilis na sinarado ang pintuan ng kusina.
“NANAY!!” Sigaw ko pero napatigil ako ng hilahin ako ni Jerish.
“Inno.”
Tawag nito sa akin, kaya naman mabilis akong nag lakad palayo sa bahay ko.
Patawad nanay.
Hindi ko na alintana ang makating damo. Dahil walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang makalayo sa lugar na ito.
Napatigil naman ako ng nasa pinaka gitna na kami ng damuhan. Dahil kagubatan na ang nasa harapan namin.
“Saan tayo pupunta Inno?”
Tanong ni Jerish sa akin habang nakatayo kami sa damuhang hanggang bewang ang taas.
Hindi naman ako sumagot, dahil hindi ko naman alam kong saan kami pupunta.
Nanatili lamang akong nakatingin sa malagong kagubatan na nasa harapan namin.
Kung dito kaya kami mag punta at mag tago. Total wala naman akong na babalitaang may mababangis na hayop dito na kumakain ng tao.
Dahil madalas itong bisitahin ng mga taga bantay gubat. Para panatilihin ang kagandahan nito. At hulihin ang mga taong eligal na nag puputol ng mga puno.
At ang pagkaka alala ko ay kalsada ang likuran ng kagubatang iyan.
Dahil minsan na akong naligaw diyan noong na ngunguha ako ng tuyong kahoy.
Na pweding igatong dahil sa wala ako noong pang bili ng gaas.
“Kailangan nating pumasok diyan sa kagubatan. Dahil mahihirapan silang makita tayo.”
Sabi ko kay Jerish at kinuha sa kanya si baby at naunang mag lakad.
Wala naman akong reklamong narinig mula kay Jerish. Dahil tahimik lamang itong nakasunod sa akin.
Hindi...
nice