What a Girl wants EPILOGUE


What a Girl wants 💕🥰
🍬 EPILOGUE 🍬
NAGSAMA-SAMA sila sa sala ng mansion para sa maliit na party. Naroon din ang mga dating manliligaw ni Claribelle na itinuturing niyang kaibigan at ang mga crew na naging pamilya niya sa loob ng mahigit isang buwan.
Nag-thumbs-up si Claribelle kay Marie na ka-holding hands si Vincent. Parang nagkakamabutihan na ang dalawa.
Pinanood din nila ang airing ng finale. Hindi naiwasan ni Claribelle na maging emotional dahil ang programang iyon ang nagbigay-daan para mabago ang relasyon nila ni Reymart. Sa pagtatapos ng programa ay nag-flash sa screen ang sikat na host na si Sangria Eduque.
“You’re The One For Me fever is not yet over. Tomorrow, we have a mini dating game during Hearts Romance’s book launch. And our searcher is Kirst Villaviray, Philippines hottest male model.” At ipinakita sa screen ang litrato ng naturang model na nakasuot lang ng pantalon habang naliligo sa ilalim ng waterfalls.
Isang nakakatulig na tili ang pinakawalan ni Edmark. “I wanna join! I wanna join. Ako ang hinahanap niya.”
Namaywang si Sangria. “And for our next season. I will be your host.”
“Bakit...


siya? Anong nangyari kay Vhon?” tanong ni Claribelle at nilingon si Vhon na may hawak na kopita na may lamang alak. Tahimik lang ang host habang pare-pareho sila ng tanong.
“And our next searcher is none other than Vhon Teczon. So, girls, get ready to audition. Take a chance and claim your destiny. Who knows, maybe….”
Pumalit sa screen ang mukha ni Vhon na may hawak na rosas. “You are the one for me.”
🍬🍬🍬🍬 WAKAS 🍬🍬🍬🍬
———-
ABANGAN ……
❤️ Fated Hearts ❤️
Totoo nga siguro ang kasabihang “Love comes unexpectedly” dahil dumating ang true love ni Merry Cris nang hindi niya inaasahan —– sa katauhan ni Rhodel. Ni wala siyang alam na kahit ano tungkol sa lalaki, maliban sa pangalan nito. Pero hindi niya alam kung bakit nagtitiwala siya rito, na maging ang kanyang puso ay nagawa niyang ipagkatiwala.
Pero gaya ng kantang “Isang Linggong Pag-ibig,” kung gaano kabilis pumasok sa buhay at puso ni Merry Cris si Rhodel ay ganoon din ito kabilis na umalis. Dahil natuklasan niya na ikakasal na pala ang lalaki sa iba, pagkatapos siyang pangakuan ng buwan at mga bituin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top