MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 10


Kate’s POV
Hindi ba pinalaki ng maayos ang mga estudyante dito. Mga walang respeto.
“M-min. Alam mo bang dumadami lalo ang gustong pumatay sakin sa ginagawa mo?”. Turan ko sa kanya habang pinipilit na makaalis sa pagkakahawak nya.
“Hayaan mo sila, ang hayaan mo ay kung ano ang meron tayo.” Ay! Ang sweet!
“Kailangan nating magpanggap,noh! Para hindi tayo mabuking”. Ayyyttt! Dinugtong pa. Jombagin ko ‘tong juding na’to eh.
“Tsk. Dadaan mo na sila sakin, bago ka nila mahawakan. Hayaaan mo. Kapag may isang hibla ng buhok mo ang nahatak nila, papatulan ko”. Seryosong turan nito. Napangiti naman ako sa kanya.
“Kilig ka naman? Syempre hindi ko papatulan. Asa ka naman”. Turan nito at bahagya pa syang tumaray. Shems! Buti ako lang ang nakakita ng ginawa nya. Binitawan nya ang kamay ko at naunang maglakad. Naku! Jombag ka talaga sakin mamaya!
“Kitkatttttttttt”. Shems! My eardrums!!!!!!! Lumingon ako at nakita ko ang dalawa kong bestfriend. Si Troy Prince Stewart o mas kilala sa tawag namin na “Princess”. Hehe! Gwapong juding! Katulad ni Min, pero ito pure talaga! Highschool lang naging bakla kaya may pag-asa pa. Ang isa naman ay si Cassandra Neon Reyes or Casseon! Hehe! Pin Casseon! Charot!
“Kitkat! I miss you!”. Turan ni Prince at niyakap ako ng mahigpit.
“Tsk. Distance, please”. Turan ni Axel at si Prince naman ay biglang lumayo at nagtaas ng dalawang kamay na para bang naaresto.
“Ow, chill, bro! I just miss my bestfriend”. Turan ni Prince. Ay iba! Baritono ang boses ni Prince ngayon,ah!
“By the way, hi! My name is Cassandra just called me ‘Cass’.” Turan ni Casseon.
“I’m Troy Prince Stewart, Kate’s BESTFRIEND”. Turan nito. Kailangan idiin ang word na bestfriend para ipaalam kay Min na single sya. Pffftt! Hindi sila talo, lalaki rin ang hanap ni Min. Whahahaahha!
“So?”. Tanong ni Min habang nakataas pa ang isang kilay.
“None. Dba, ikaw yung ka-table namin kahapon?”. Tanong nito.
“Yeah.” Hala! Magkakakilala sila? Eh? Bakit hindi ko alam.
“Ah,oo! Ikaw ngayon. Tama!”. Turan naman ni Cass.
“Ehem! Andito pa ako”. Turan ko sa kanila. Lahat sila napatingin naman sakin.
“Okay lang ba kayo?”. Tanong ko sa kanila.
“Ok lang/k/ ok na ok/ “. Sabay-sabay nilang sagot.
“Let’s go”. Agad naman akong hinatak ni Axel. Shems! Baka matanggal ang braso ko.
“Bye! Bye!”. Turan ko kahit hinahatak ako ni Axel.
~~
“Wait, Min! Hindi ko ito room”. Turan ko sa kanya.
“Dito ka na lang. Baka kanino ka pa sumama”. Turan nito.
“Ha? Ano yung sinabi mo? Baka ano?”. Tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig ang last nyang sinabi.
“Sabi ko,baka gumawa ka na naman ng katangahan. Doon ka na lang sa section namin. Mababantayan pa kita”. Turan nito at nakarating na nga kami sa room nila.
Pinauna ko na syang pumasok sa loob dahil bigla naman akong na c-cr.
~~
Pagkatapos kong mag-cr ay agad akong bumalik. Sumilip ako sa pintuan, hayysst! Buti naman,wala pa yung prof namin.
Tahimik akong pumasok dahil tahimik din sila. Maayos ang upuan, shems! Pinagmamasdan lang nila ako. Shems! Nakita ko sa gilid ng mata ko na mukhang tulog si Min. Shems!
“How’s your day?”. Ow,shems! Sya na naman! Buti hindi nya kasama ang mga alagad nya. Dito pala sila naka-room.
“O-ok lang”. Nauutal kong sagot. Shems kang clown ka! Kapag ako sumabog, lagot ka sakin.
“Scared cat?”. Tanong nito habang nag-aaksyon pa sya. Nagtawanan naman ang mga taong nandito sa loob ng room. Hinahamon mo talaga ako? Pumapatol pa naman ako sa mga kulang sa aruga”.
“Hindi. Bakit?”. Nakayuko kong turan. Pahina effect muna tayo.
Marahas naman nyang hinawakan ang panga ko ar inangat ng bahagya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nginisian ko lang sya at hinampas ang kamay nya,dahilan para lahat ng tayo ay mapa- ‘ow’. Hehe! Amazing!
“How dare you, bitch!” Turan nito at akmang sasampalim nya ko ng mahawakan ko yun at hinawakan sya ng mahigpit.
“Yes, I’m a bitch”. Sarkastiko kong turan.
“Buti alam mo”. Nakangisi nyang turan.
“Malamang. BITCH is a female dog. Dogs bark. Bark is a part a tree. Tree is a part of a nature. Nature is beautiful. So I’M BEAUTIFUL!! I’M A BITCH!” Turan ko at binitawan ng marahas ang kanyang kamay at...


saka umupo sa tabi ni Min na gulat na gulat sa nangyari
“Woman!Woman!”. Shems! Ang sakit sa tenga. Hehe! Ilusyon lang pala ang lahat. Kala ko talaga, pinatulan ko na yung babae kanina.
“Why are you saying “I’m a beautiful so I’m a bitch”. Turan niyo habang ginagaya pa ang pagsasalita ko.
“Wala”. Turan ko. Bigla namang dumating ang prof namin kaya naman umayos na kami ng upo.
Hehe! Illusion is REAL!!!!!
~~~
Kate’s POV
Pumunta ako sa cr bago kami umuwi ni Min. You know naman! Cr is life. Feeling ko, tinatawag na rin ako ng kalikasan. Shems!
Palabas na sana ako ng cr ng harangin ako ng tatlong clown este ng mga babae. Kapal ng make-up. Sila yung mga nambu-bully sakin eh.
“Hey, bitch! Where are you going? Kakausapin ka pa namin”. Turan ng babae at bahagya pa kong tinulak dahilan para bumalik ako sa pwesto ko.
Hindi ako pumapatol sa mga immature. Saka wala akong alam sa pakikipag-away.
“Excuse me,miss. Hinihintay na ko ng kasama ko”. Magalang na turan ko habang nakayuko pa ng bahagya.
“Si Axel ba ang tinutukoy mo na kasama mo?”. Tanong nung isa pang babae.
“O-oo”. Nauutal kong sagot. Shems! Kinakabahan na ko.
“Kapal din ng mukha mo na dumikit sa kanya,noh?”. Turan pa ng isa.
‘Kapal din ng make-up mo, noh? Sarap ilublob sa kumukulong tubig tapos ipapalapa sa aso’. Syempre sa isip ko lang sinabi. Masamang pumatol sa low class ang ugali.
“Before you leave, we have surprise for you”. Nakangising turan nung kaninang babae.
“Whahahhahah! You’re so pretty na”. Turan ng babae at tawa lang tawa sila.
Tinapunan lang naman nila ako ng harina,itlog at chocolate syrup saka juice na grapes. Grabe! Ang lagkit.
“You may go now”. Turan nila sakin. Agad naman akong naglakad bago ako makalagpas ay pinatid ako ng isa dahilan para madapa ako.
Ang sakit! Ang sakit! Gustong-gusto ko ng umiyak pero hindi ko magawa dahil baka lalo lang nila ako asarin.
Tumayo ako kahit hirap na hirap ako. Dumugo ang tuhod ko at nagasgasan naman ang siko ko. Ang lagkit ko pa. Ang baho-baho ko pa.
Hindi ko napansin na naka-alis na pala sila.
~~~
Parking Lot
Nakita ko naman sa malayo si Min habang inip na inip itong nakatingin sa relo.
“Min, tara na! Alis na tayo”. Turan ko sa kanya dahilan para mapalingon sya.
“Damn! You’re too slo- what happen to you?”. Eh? Pababago ang mood. Galit to mahinahon. Baliw lang.
“Hehe! Natapunan ako sa may cr. May babae kasi akong nabangga kaya natapunan ako”. Pagpapalusot ko sa kanya. Waaahhh! Sana gumana.
“Tsk. Sila ba ulit?”. Tanong nito.
“H-hindi”. Nauutal ko pang sagot.
“YES OR NO? ANSWER ME,WOMAN!”. Waaahhhh! Galit na sya.
“Oo. Sila ulit.” Nakayuko ko pang sagot. Natatakot ako sa kanya.
“F*ck! Sorry! I didn’t mean to shout at you”. Turan nito habang kinakalma ang sarili.
“Uwi na tayo”. Pang-aaya ko sa kanya.
“No. Clean yourself,first”. Turan nito.
“Huh? Sa mansyon na lang”. Turan ko naman sa kanya.
“Hindi pwede. Maglinis ka muna”. Turan nya.
“Maglalakad na lang ako. Mauna ka na. Ayaw mo lang naman na madumihan yang kotse mo,eh”. Parang bata na turan ko.
“F*ck! It’s not,that!”. Waaahh 😭 . Minumura na naman nya ko.
“Maglalakad na nga lang ako. Ayaw mo rin kasing madumihan ka at makasama ng mga mabahong katulad ko”. Turan ko sa kanya at akmang maglalakad na sana ng bigla nya kong binuhat ng pa-bridal style.
“Waaaahhh. Ibaba mo ko”. Turan ko sa kanya.
“Damn! Huwag ka ngang masyadong magalaw. Saka pwede ba. Hinaan mo yang boses mo, baka anong isipin nila”. Naiinis na turan nito sakin.
“Sorry na. Saan ba kasi tayo pupunta?”. Tanong ko sa kanya.
“Basta”. Maiksi nitong turan.
“Maglakakad na lang ako. Ibaba mo na ko”. Turan ko sa kanya.
“May sugat ka. Hindi ka makakapaglakad ng maayos”. Turan nito at naglakad lang ng naglakad.
~~~~~
Nakarating na kami sa sinasabi nyang lugar. Wow, ang ganda naman dito.
“Clean yourself, now”. Turan nito at binato sakin ang tuwalya, malaking t-shirt at boxer?
Hayyyssst! Bahala na nga.
Agad akong pumasok sa cr at nilinis ang katawan. Grabe! Ang baho ko,sobra! Ang lagkit pa!
Nang matapos ay lumabas na agad ako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top