MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 9


Kate’s POV
Kriiingggggggg! Kriiingggggggggg!
Hayyyssssstttttttt! Umaga na naman! Kinakabahan na naman ako, pumasok sa eskwelahan. Feeling ko, may nag-aabang sakin sa labas ng gate
Pumunta na ako sa baba para kumain na daw sabi ni Nanay Nena. Pagkarating ko dun ay nandun na si Min,habang nagbabasa ng balita mula sa dyaryo na hawak nya. Umupo ako sa harap nya at nag sign of the cross, saka sinimulan na ang pagkain.
“Nakuha mo na yung cellphone?”. Pagbabasag ko sa katahimikan.
“Sa palagay mo!”. Turan nito sakin. Ang aga-aga ang sungit-sungit na agad.
“Anong ginawa mo sa pinto ko?”. Tanong ko sa kanya dahil nakita ko kanina nung pababa na ko na sira yun.
“Tanungin mo yung bwiset na pinto mo”. Luh! Sasagot ba yung pinto ko?.
“High-tech ba yung pinto nyo?”. Tanong ko sa kanya.
“Why?!”. Balik na tanong nya din.
“Kasi sabi mo ‘tanungin ko yung pinto ko’. Bakit, Min! Sasagot ba yun?”.
“Tsk! Id*ot Woman! Sge, subukan mong kausapin, malay mo sumagot!.”Nue daw? ‘Di ko gets! Bahala na, susubukan ko na lang kausapin yung pinto mamaya pagka akyat ko. Nagbabaka-sakaling totoo yung sinabi ni Min.
“Ok!”. Sagot ko sa kanya. Nang matapos na akong kumain ay agad akong umakyat para maligo na.
After 103945322 years. Charot! After 30 min. natapos na kong maligo,agad kong sinuot ang uniform na pagkaigsi-igsi. Saka naglagay ng foundation at lipstick. Kala nyo,ah! Napanood ko lang naman yun sa youtube. Yung make up tutorial. Para hindi na ulit si Min yung magme-make up sakin.
Natapos na ko kaya kinuha ko na ang bag ko saka mga libro at ready to go na sa school. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay bumaba na ko. Pero bago ako tuluyang makatapak sa first floor ay bumalik ulit ako.
Dba, readers! Tatanungin ko pa yung pinto. Kaya bumalik ako at tinanong ko yun.
“Uy, door! Anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba ni Min? Alam mo, door! Masama talaga ugali nun. Dapat umiwas ka sa kanya. Kaya pag papasok na yun sa pinto, bumukas ka na agad para hindi ka na masaktan.
( A/N: kung alam mo lang, ganyan talaga ang ginawa ng pinto mo kaya nagalit si Axel. Advance mag isip pinto mo,eh!)
Luh! Shut up otor! ‘Di pa...


nga sumasagot yung pinto eh.
(A/N: Tanggalin kita sa story ko, eh!)
Whahaaaahahah!joke lang otor!
“Id*ot woman, why are you talking to that door?”. Sumulpot si Min sa usapan namin ng pinto. Panira talaga to eh!.
“Wala lang! Hindi naman pala ‘to high tech! Hindi naman sumasagot eh!”. Turan ko sa kanya.
“Let’s go! You’re wasting your time to that door!”. Sabi sakin ni Min. ‘Di ko sya pinansin kasi nagsalita ulit ako sa pinto.
“Huwag na huwag kang lalapit sa kanya, door! Kasi masama ugali nya-“. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa pinto ng binuhat ako ni Min ng pabridal style.
“Min, wait lang! Hindi pa ako nakakapag paalam eh!”.
Pagmamaktol ko sa kanya.
“Mala-late tayo sa ginagawa mo,eh!” Turan nito sakin.
Narating namin ang garahe nila kaya pagkarating namin sa kotse ay binuksan nya yung pinto at isinakay ako sa loob saka sinit belt nya narin saka sinara ang pinto at pumunta sya sa pwesto nya, at ginawa rin nya yun.
~~~~
Narating na namin ang university. Kaya naman agad na dumiretso si Min sa parking lot para i-park malamang yung kotse alangan naman ako. Actually,readers! SKL! Marunong na talaga ako magkabit at magtanggal ng seatbelt. Kaya nakababa agad ako.
Nang papasok na kami sa university,nagtilian ang mga tao.
‘Axel, we β™‘ you!’ Nakalagay sa tarpaulin na dala ng mga kababaihan.
‘Axelnatics’ naman sa mga binabae.
“Artista ka Min?”. Tanong ko sa kanya na kasalukuyan kong kasabay sa paglalakad.
“Hindi”. Bored nitong sagot sakin.
“Bakit may paganyan? Daig mo pa yung artista,eh!”. Turan kong muli sa kanya.
Habang papalapit kami ng papalapit sa mga taong may hawak ng tarpaulin at mga banner, narinig ko silang nagbubulungan. Bulungan pa ba yun? Parang hindi eh.
‘Who’s that girl?’
‘Don’t tell me, gf yan ni Baby Axel ko’
‘Duh! Mas maganda pa ko sa kanya’
Iilan lang yan sa naririnig ko mula sa mga taong mapang husga na ambisyosang frog na mukhang clown sa kapal ng make up. Yumuko na lamang ako para hindi ko makita yung mga taong pilit na sinisiraan ako.
Nagulat na lamang ako ng may humawak sa kamay ko. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Min. Tama kayo! Si Min, yung humawak sakin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top