Doctor! Doctor! I HATE(love)YOU
Chapter One
NAGLALAKAD ako sa pasilyo habang nakakarinig ako ng bulong-bulongan na nagmumula sa bawat madaan kong mga studyanteng nagkalat sa school na ito. Well wala akong pakialam at wala akong pakialam sa kanila.
Ganyan naman lagi kaya nasanay na rin ako.
Nakarating ako sa aking locker, binuksan ko ito at inilabas ang aking mga gamit para sa araw na iyon.
“We got to go, friend, ” Sabi ng matalik kong kaibigan na si Yumi na bigla na lang sumulpot.
Siya ay matalik kong kaibigan sence elementary pa lang kami. Mabait ito at ito lang ang bukod tanging nakakatagal sa ugali ko at nakakatiis sa akin pagkatapos ng lahat ng ipinakitang kong pagmamalaki at kayabangan.
Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa hallway pababa sa court kung saan kami mag papraktis.
Pagkarating namin doon ay kumplito na kami kaya ipinapuwesto na kami para masimulan na namin ang pag-iinsayo.
“Isa, dalawa tatlo.” Sabi ng coach namin at nagsimula kaming sumayaw sa tugtog ng musika.
I keep doing my own diverse stunt kaya lalong dumami ang aking tagahanga. I smiled at what I thought. Nasa punto na kami na ang ibang mga cheerleader ay nagtitipon at binuhat ako pataas at pinatayo ako sa isang iglap lang confidence naman akong nag poise pero bigla akong nahilo kaya medyo nawalan ako ng panimbang at nagkamali ako sa pag galaw kaya hindi ako nakaapak sa likod ng isa kong ka cheerleader kaya bumagsak sa sahig at napamali ang bagsak ko nadaganan ko ang kaliwa kong binti. Napasigaw ako sa sobrang sakit.
Oh shit, h-help.” napangiwi ako sa sakit habang ang mga kasamahan ko ay mabilis na tinulungan akong buhatin, tumawag agad sila sa ambulansya upang dalhin ako sa hospital. Sasama sana si Yumi pero hindi na siya pinasakay sa ambulance dahil hindi naman masama ang pagkabagsak nito kaysa sa akin. Hindi ko naman ito sinisisi dahil kasalanan ko naman din. Kaya wala na itong nagawa at tiningnan na lang niya ako na may pag-aalala.
“No please, no I don’t wanna go at the hospital, take me home. ” Sumigaw ako dahil sa galit ngunit patuloy nila akong dadalhin.
“Kung hindi ninyo gagawin ang sinasabi ko ay ipapasisanti ko kayo, mga idiot. I don’t wanna go there. ”Sigaw ko ulit at umungol dahil naramdaman ko naman ang sakit.
Wala silang nagawa kundi ibalik ang ambulansya at tinungo ang way pauwi sa aming mansyon. Bago pa 20 minutes ay nakarating na kami sa mansyon at agad nila akong inilagay sa stretcher at pinagtulungan nila akong ipinasok sa aking kwarto.
“Ikaw kunin mo ang aking backpack mula sa ambulansya.” Masungit kong sabi sa isang maid na nakatayo malapit sa akin na agad naman nitong sinunod.
My leg became so numb that I could not move. I fell more paralyzed. Kaya mabilis kong dinial ang numero ng aking ama. Nang makuha ko ang aking backpack, nang sinagot na nito ay nagsimula na akong umiyak.
“Princess, anong problema mo? Bakit ka umiiyak? ”Tanong niya kaya lalo pa akong umatungal na sinadya ko naman.
“Naaksidente ako habang nagpapractice at nabali ata ang paa ko nandito ako sa bahay, Dad. ”Umiiyak na sabi ko.
“What? Huwag kang mag-alala anak, tatawag ako sa doktor upang puntahan at suriin ka na ? ” Anito at saka ibinaba na ang tawag magsasalita pa sana ako.
Tumingin ako sa paligid ko ngunit wala na akong kasamang maid.
“Shit. Nasaan na ba ang mga maid dito? ”Sigaw ko at isang iglap lang ay nagpasukan na ang mga ito.
“Bakit po ma’am? ”Natatarantang tanung ng isa sa mga ito.
“Kumuha ka ng isang baso ng malamig na tubig at uuhaw ako at saka isang ice bag para sa paa ko. ”mataray kong utos dito naiirita ako kapag walang isang maid ang nakasunod sa akin lalo na kapag may kailangan ako.
Ako si Selena Regala, palagi kong nakukuha ang gusto ko.
Anumang bagay, gamit o atensyon ay nakukuha ko na hindi ko pinaghihirapan. Dahil ako ang kaisa-isang prinsesa ng imperyo ng mga Regala, walang sinumang maglalakas-loob na salungatin ako or else your dead.
Ibinigay naman agad niya sa akin ang tubig at agad ko itong ininom dahil sa uhaw.
Sinusuri na ako ngayon ng aming private doctor pagkatapos ng kalahating oras ang pag suri sa akin ay agad na itong umalis.
Maya-maya lang ay bumalik una ulit si Daddy sa kwarto ko at kinumusta ako.
“Good evening Dad, ”Bati ko rito habang nagtitingin-tingin sa aking cellphone.
“Selena, Anak! Kumusta ka ? ”Tanong niya.
“Ayos lang ako Dad, ngunit masakit pa rin. ”Napangiwi ako dahil kahit nililibang ako ang sarili ko ay ramdam pa rin niya ang sakit ng kanyang kaliwang bente.
“Nakausap ko si Lucas at sinabi niya na kailangan mo ng operasyon dahil may naipit na ugat sa binti mo na indikasyon na matagal ka bago makalakad. ”Anito kaya kinabakan ang dibdib ko.
“What? It can be no, no, no, Dad, sabihin mong nagbibiro ka lang? ”aniko at naiiyak na naman.
“Yes at hindi ako nagbibiro, inaayos na niya ang lahat at bukas na bukas ay ipapahanda kita sa yaya mo. “anito.
Napalunok ako ng malalim dahil sa kaba ayaw na ayaw pa naman niya sa hopital tapos wala pa rin pala siyang takas. Kung bakit naman kasi nadaganan ko pa ang binti ko at hindi rin biro kasi ang pagkabagsak ko medyo mataas din ang kinabagsakan ko.
“Dad, please ayaw ko sa hospital please dito na lang sa atin sa mansyon ninyo gawin ang operasyon kumuha na lang tayo ng magaling na Doctor na kayang mag opera kahit wala sa hospital, please. Dad! ”pakiusap niya sa ama niya. Napabuntong hininga ito at saka tumango.
Ang aking kaliwang binti ay hindi ko na maigalaw habang tumagal ang oras, kinamumuhian ko ang sarili ko ngayon dahil nag mumukhang mahina na ako na hindi dapat mangyari.
“Thank you Dad, the best ka talaga, sige Dad. Good night na po, gusto ko ng magpahinga ngayon. ”masayang saad niya humiga na ako ng maayos sa kama at pumikit.
Tinakpan niya ako ng duvet namin at hinalikan ang aking noo bago umalis.
Pagkasara nang pinto ng aking silid ay binuksan ko naman ang aking mga mata at kinuha ang aking cellphone mula sa night stand na pinaglagyan ko.
Nag-scroll ako sa aking sa Instagram at maraming akong nakita na mga kuwento tungkol sa aking pagka-aksidente.
Karamihan ay natutuwa ang mga haters ko tungkol dito lalo na talanding si Elenor Mocha na isa sa mga naiingit sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako kayang matalo-talo, magsaya ka na ngayon pero hintayin mo lang ang...